CHAPTER 4.

54 1 0
                                    

NATULOY ang aming usapan sa loob na ng sasakyan.

"Ikakasal ka na sa babaeng mahal na mahal mo kaya dapat masaya ka!" patuloy na pang aasar sa'kin ni Vince habang nagmamaneho siya.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan o gusto mong ikalat ko dito itong worst cake na binili mo?" Tumataas kong kilay sa kaniya.

"H'wag ka ngang ganyan. Binili ko pa naman iyan sa sarili kong bakeshop!" sabi niya.

Parang konsensya ko pa na binilhan niya ako ng cake na hindi ko naman gustong kainin. I hate cakes. May naaalala lang ako kapag may nagbibigay sa'kin ng cakes. Bumabalik ang ala-ala ko sa nakaraan kapag mayroong cakes sa harap ko.

"By the way, nabalitaan ko sa secretary mo na may idine-date kang simple girl?" tanong pa niya sa'kin.

"She's not just that simple! Cashier assistant siya sa Bakeshop and Cafe mo! Naghahabol siya dahil may nangyari sa'min dalawa but then binayaran ko na lang siya!" paliwanag ko.

"That girl? Ang bagong empleyado ko pala ang tinarget mo? Wala ka na rin talagang pinipili!" pag iling niyang saad at mahigpit ang pagkapit niya sa manibela, tila apektado siya sa sinabi ko.

"Hindi rin pala siya marunong makinig!" halos pabulong na sabi niya. "Who is she? Gusto kong makilala ang babaeng pinaasa mo!" Sumeryoso na ang kaniyang pagmumukha na hindi lingid sa kaalaman ko kung mayroon ba siyang pinagdadaanan o wala.

"She's Althea Gonzalez, pina-background check ko na siya pero unknown ang profile niya!"

"Althea Gonzalez, She has a nice name and attractive personality tapos pinapaiyak mo lang?" muling bulong niya na narinig ko.

"Why are you acting like that? So serious para sa babaeng pinagtripan ko lang!" umiiling kong sabi.

"Bro, you're just too much for using her feelings! Eunice's broke up with you at tinanggihan niya ang proposal mo dahil may ibang dahilan. Hindi mo kailangan manggamit ng iba para sa personal mong interests!"

"Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo na siya!" singhal ko pa sa kaniya.

"Siya rin yung stalker chicks na sinabi mo sa'kin last month di'ba? Siya yung sinasabi mo sa'kin through calls na mapanget, sakang, maitim, tagihawatin at maraming kapalpakan sa buhay pero pat+y na pat+y sa'yo! Sigurado ka ba na hindi siya bulag? Baka mali lang ang pagkakilala niya sa'yo kaya nagustuhan ka niya!" pag iibang usapan niya. Pakiramdam ko talaga ay apektado siya sa aking ginawa sa nararamdaman ng Althea na 'yon. Hindi lang niya masabi dahil kaibigan niya ako.

"Alam mo palang panget, bakit gusto mo pang makilala?" pagtaas ng kilay ko sa kaniya.

"She's my employee and i am free to get to know her more! Kaysa naman paasahin mo sa wala, baka mas okay kung sa'kin na lang siya mapunta!" derektang sabi niya.

"Vince.."

"Hindi pa tayo uuwi, may utang ka sa'kin na kailangan mong pagbayaran!" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.
Sa kabilang way siya dumaan at lumiko pa sa isang papasok na kalsada. Hindi ko alam kung anong trip nito ngayon pero mukhang mapaplaban ako.

***

TRISTAN'S POV.

OFF DUTY ko ngayon sa hospital na pinagta-trabahuhan ko at pansamantalang isinarado ko muna ang Pet Clinic ko para matutukan ko ang pag eensayo ng boxing. Nagkikipag sparing lang ako sa aking trainor nang may dumating.

"Bilisan mo na lang Althea!" naririnig ko na ang boses na iyon. It's Sandy.

Ano na naman kayang problema ng dalawang ito at naisipan akong puntahan dito sa boxing gym. Nagkunwari ako na hindi ko sila napansing dumating.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon