VINCE'S POV.
...
DINALA ko siya sa aking apartment, malapit lang sa aking Bakeshop and Cafe. Matatanaw mula sa bintana ang gusali ng aking negosyo dahil nasa 3rd floor ang room ko.
"You're free to use my bathroom, may bibilhin lang ako!" bilin kong sabi sa kaniya dahil nangangamoy sabaw siya ng nilaga at ang souce naman ng apritada ang mas lalong nagpadumi sa kaniyang damit.
"Teka, iiwan mo ba akong mag isa dito?" kunoo't noo niyang tanong sa'kin at napangiti na lang ako. Nanginginig ang kamay niya.
"Are you okay? I mean, Don't you worry, walang multo dito!" paliwanag ko sa kaniya. "Sige na, maligo ka na!" dagdag ko pang sabi at binuksan ko ang pinto ng cr para malinis na niya ang sarili.
Sinundan ko pa siya ng tingin at nang makapasok na siya sa loob ng banyo ay saka ko nilinis ang aking mga gamit na dinatnan niyang nakakalat sa sofa. Mabilis ko rin nilinis ang maalikabok kong bed sheets at nagpalit din ako ng mga unan. For the first time na naglinis ako sa apartment ko, minsan lang kase ako matulog dito or umuwi. Kadalasan ay sa gym or somewhere out there ako nagpapalipas ng gabi. Uuwi lang naman ako dito kapag maliligo at magpapalit ng damit.
Kailangan ko nga pala siyang bilhan ng bagong damit dahil wala akong maipagagamit sa kaniya kung kaya't nagmadali na ako papunta sa isang malapit na damitan.
Ano bang size ng blouse niya? Nagsho-shorts ba siya? Dress ba ang type of fashion niya?
"Ang hirap naman niya ipili ng damit!" Pagkamot ko sa aking ulo dahil litong lito na ako sa bibilhin ko na damit para sa kaniya.
Teka, sandali.
"Pakibigay na lang sa kaniya para hindi naman siya magmukhang waitress mamaya!" naalala ko ang sinabi ni Yohan kaninang umaga. May regalo nga pala siya kay Althea. Ipinapasuot niya iyon para sa engagement party na gaganapin sa aking Bakeshop and Cafe, ngayon gabi.
Pero gusto ko rin siyang bilhan para naman may regalo din ako. May nakita ako sa gilid na isang simpleng dress. Walang masyadong design ang dress pero nakakaakit tingnan kaya binili ko ito at umuwi na rin agad ako.
PAGKARATING ko naman sa apartment ay nasa kusina na si Althea. She dressed it up. 'Yung dress na regalo ni Yohan para sa kaniya. Nahiya na ako ibigay itong sa'kin kaya palihim na itinago ko sa drawer.
"Saan mo nakuha ang dress na 'yan?" Ang akala ko, naiwan ko sa sasakyan kanina pero nadala ko pala dito sa loob ng apartment ko.
Pagharap niya ay mas lalo akong namangha sa kagandahan niya. She looks very simply but she's different. Kakaiba talaga ang ataki ng aura niya kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit nagkagusto na agad ako sa kaniya nang unang beses na nakita ko siya sa park.
Hinarangan pa ako ng Best friend niyang si Tristan nang makita ako na nilapitan ko siya at tinanong ako kung sino ako sa buhay niya. Hindi naman ako makasagot dahil hindi kami nagkakilala personally hanggang sa hinamon ako ni Tristan na makipag-match ng boxing at doon nagsimula ang lahat ng pagkalito ko sa aking nararamdaman.
"Pasensya na kung pinakialaman ko ang closet mo. Wala kasi akong makita na pwedi kong isuot. Lalabahan ko na lang at ibabalik ko sa iyo!" nahihiyang paliwanag niya.
"It's for you, that's not mine!" Napawi ang mga ngiti ko sa labi nang wala naman dahilan.
"Maganda ka pala kapag naaayusan?" Dumaretso ako sa niluluto niya.
"May nakita akong karne sa fridge mo kaya niluto ko na! Pasasalamat ko man lang sa pagliligtas mo sa'kin kanina!" usal niya.
"You deserve someone better, Althea! Can't you see your worth? You are beautiful and nice to everyone. You can cook and independent woman. Hindi mo kailangan magpakat*nga sa kaibigan ko nang ganiyan!" Ang bilis kong nakalapit sa kaniya. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang pisngi. Basang basa pa ang kaniyang buhok.
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
عاطفيةMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...