CHAPTER 28.

43 2 0
                                    

Althea's POV.

Malalim na paghinga ang aking pinakawalan sa dibdib. Oras na para kaharapin siya. Oras na para iparamdam sa kaniya ang kawalan ng halaga.

"Ang cheap naman ng coat mo! Hindi man lang nalamangan, ang halaga ng nail polish ko!" Inalis ko ang black shades na suot ko at derekta siyang tiningnan. "Natahimik ka yata, Mr. Azores? Ah... Siguro, gusto mong bayaran kita sa nagawa ng anak ko?" Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nanatiling tahimik ang bibig niya.

Sumenyas ako kay Manang Sabel na ibigay sa kaniya ang new branded wallet ng T.G. Ngunit tinabig niya iyon dahilan para tumilapon sa malayo.

Hindi pa rin siya nagbabago. Ang sama pa rin ng ugali na aniya'y siya pa rin ang kahanga-hangang Yohan Azores. Kung noon ay bulag ang isip at puso ko sa ganitong klase ng pag-uugali niya, p'west nakalipas na iyon. Protektado na ng galit ang mahinang damdamin ko. Hindi ko na hahayaang apak-apakan niya ang pagkababae ko.

Sa gulat ni Mayumi ay tumakbo sa papasok sa bakeshop at sinundan siya ni Manang Sabel. I'm sure na tatawagin nila si Vince para humingi ng saklolo.

"Anong akala mo sa akin—?"

"Yes, you're right! Hindi pa ba halata, kahit nga sa bata ipinamumukha mo kung gaano kalaki ang interest mo sa pera? I mean... mukha ka naman talagang pera!" diin na sabi ko at balak ko nang lampasan, ngunit nahagilap niya ang braso ko.

"Althea!" sambit niya sa pangalan ko.

"Don't you dare to touch me, Yohan! Nadidiri ako!" Pumiglas ako at bahagyang itinulak siya. Nanlalaki ang mga mata ko habang kinamumuhian siya, kinasusuklaman at ikinakahiya. Poot at galit ang nararamdaman ko sa muli naming pagkikita.

"Anak mo ang batang iyon? Kanino? Sino ang ama niya? Ako ba? Ako ba?" Hindi na ako madadala sa maamong tupang pabalat sibuyas niya.

"Maaaring hindi kayang bayaran ni Mayumi ang danyos na nagawa niya sa iyo pero ako—Oo!" Isinampal ko sa mukha niya ang perang hawak ko kanina pa, sa sasakyan. "At wala kang karapatan para tanungin ako sa bagay na iyan! Sa oras na malaman ko, na nilapitan mo ulit siya o hinawakan muli ang kamay ng anak ko, pasensyahan tayo, Mr. Azores pero kung ako sa 'yo, huwag mo nang subukan!" matigas na ko saad sa mukha niyang tila naguguluhan.

"What's going on here?" tanong ni Vince habang karga si Mayumi. Sinundan ko ng tingin ang paglibot ng mata niya sa nagkalat na pera, sa harap ng bakeshop.

"It's just a money issue and cheap coat na inirereklamo niya sa anak ko pero binayaran ko na!" Nilapitan ko sila ni Mayumi at walang pagdadalawang-isip na inakbayan ako sa balikat.

"Let's go inside!" Reaksyon lang niya.

Hindi pa ako tapos.

"Hindi ba nakakahiya na gumawa ng eskandalo, araw-araw, Mr. Azores? Kung sa bagay, mukhang sanay ka na! Maiwan ka na namin and please, pakipulot ng pera, baka kailanganin mo!" natatawang sabi ko at dumaretso na kami sa loob.

"Teka... sandali!" Saglit na minuto at tiningnan ko si Yohan. Hahabulin pa niya kami ngunit mabilis na humarang sa dadaanan niya ang body guards na ipinatawag ni Vince.

Wala na siyang nagawa pa kun'di ang umalis. Marapat lang iyon sa kaniya at kung tutuusin ay kulang na kulang pa ang ginawa at pinagsasasabi ko sa sakit na idinulot niya sa akin.

Unang kabanata pa lamang ng paghihiganti ko ang natikman niya. Sa susunod ay isasama ko na sa listahan ang babaeng kaniyang pinakasalan. Ilulubog ko sa putik ang mga bagay na pinahahalagahan ng Azores.

Dumaretso ako sa kusina at naghanap ng alak. Kailangan pakalmahin ko ang sarili.

"It's too much, Althea! Hindi mo kailangan ipamukha kay Yohan na mapera ka na at p'wedi mo na siyang lamangan!" tinig ni Vince at isinarado ang pinto. Kami lang dalawa ang nasa loob ng kusina. Marahil, pinakisuyuan niya si Tristan na pakainin si Mayumi.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon