TRISTAN'S POV.
REST DAY ko ngayon at balak ko sana makipagdate kay Sandy kaya lang busy siya masyado dahil isa na siyang executive manager ng Teodoro's Bakeshop and Cafe kaya kay molly na lang ako makikipagkulitan. Nagpapakain ako ng aso nang dumating si Althea sa aking clinic. Nakatitiyak ako na may problema na naman siya. Ganito naman talaga ang role ko sa buhay niya. Mabuti at mapagmalasakit na kaibigan.
Hands down na ako bilang secret admirer niya dahil alam ko naman na hindi talaga siya para sa akin. Ayoko na rin ipilit ang sarili ko sa kaniya at minabuti ko na tulungan siya sa pagtatago ng kaniyang sekreto. Ngunit hindi ibig sabihin ng pagsuko ko sa pagmamahal sa kaniya ay tinatalikuran ko na rin siya. Bilang kaibigan ay narito pa rin ako para sa kaniya.
Ngunit mas kapansin-pansin ang pagbabago ng kaniyang katawan ngayon. She glow up in something na hindi ko kayang ipaliwanag.
"Parang kamakailan lang ay sinasabi mo sa akin na nakikita mo ang future mo kay Yohan at hindi ka papayag na mapakasal ka sa kaniya! What about now? Mukhang hindi kayo magkasundo ngayon?" Kanina pa kasi siya tahimik simula nang siya ay dumating.
"Posible ba na malaman niya ang totoo dahil sa nangyari kagabi?" turan niya na hindi ko agad naintindihan.
"Anong nangyari?" Napapaisip tuloy ako sa nais niyang sabihin.
"Ah. Wala!"
"Ako pa ba ang lolokohin mo? Gusto mo ba na puntahan ko siya sa office niya para sa kaniya na lang ako magtanong?" Hinila ko ang pisngi niya.
"Hindi naman mahalaga ang sinabi ko! Aray ano ba?" Tinampi niya ang kamay ko.
"So, nakokonsyensya ka na ba sa pagsisinungaling mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinubukan ko sabihin pero hindi ako sigurado kung narinig niya ang sinabi ko kasi tulog na tulog siya!" sabi niya na tinawanan ko.
"Seryoso ka talaga? Bakit kung kailan natutulog siya ay saka ka naman nag-confess? Baliw ka talaga!" Ikinuha ko siya ng kape. "Magkape ka muna para tuluyan ka na matauhan!" sabi ko pa.
Habang tinitingnan ko siya kung paano resolbahin ng pagkatahimik niya ang problema ay nag iisip na rin ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Vince sa amin ni Sandy na nakikipag-negotiate ang Azores kay Tita Alvira.
"Hindi mo ba nakakausap si Vince?" tanong ko sa kaniya.
"Ano pa ba ang dapat namin pag-usapan?" baling niya sa akin. Wala pa nga siguro siyang alam.
"Okay sige, sumama ka na lang sa akin!" Hinila ko siya sa kaniyang kamay na ikinagulat niya.
"Saan tayo pupunta?" kuno't noo niya sa akin ngunit isang matipid na ngiti ang naging tugon ko sa kaniya.
Dinala ko siya sa Mansion House ni Tita Alvira at sa gate pa lang ay sinalubong na kami ng dalawang gwardiya at isang nakatataas na katulong. Nang tingnan ko siya ay wala naman siyang ibang reaksyon, nakamasid lang siya sa paligid at sa dinadaanan namin. Hindi pa siguro niya napupuntahan ang balwarte ng kaniyang ina. Manghang-mangha siya sa ganda ng kapaligiran.
"Maaliwalas dito at makapag iisip ka ng maayos!" sabi ko sa kaniya.
"Bakit tayo narito? Bakit dito mo ako dinala?" Huminto siya sa aming paglalakad papunta sa main door ng mansion.
"Alam ko na maraming bagay ang nagpapagulo sa isipan mo kaya naisip ko na baka mas makabubuti kung dalhin kita dito." paliwanag ko.
"Uuwi na lang ako!" Tinalikuran niya ako ngunit pinigilan ko siya sa kaniyang kamay.
"Hanggang kailan ka ba magiging gan'yan sa amin, Althea? Kaibigan mo ako at pamilya na rin ang turingan nating dalawa kaya gusto ko na mapabuti ka! Hindi kita dadalhin dito kung ipahahamak lang kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/163832186-288-k739486.jpg)
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
RomanceMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...