CHAPTER 36.

50 2 0
                                    

Isang himala pa rin ang nangyari dahil pagkatapos mahulog ni Yohan sa bangin, ma-rescue pa siya at madala sa hospital. Nabuhay at nagkaroon siya ng matinding injury.

Wala na kaming naging balita pagkalipas ng ilang linggo kaya nagpagpasyahan naming mag-asawa na bisitahin si Yohan. Bukod doon, simula nang makauwi kami ay panay na rin ang pangungumusta ni Yumi sa kaniyang tunay na ama.

"Pasensya na kayo kung hindi ko sinabi sa inyo na ipinahiram ko ang bata kay Yohan!" nahihiyang saad ni Manang Sabel.

"Karapatan ni Yohan magpakaama sa anak niya and hindi naman niya sinaktan si Yumi kaya okay lang!" Tinapik ko ang balikat niya.

Bago kami puntahan ni Yohan sa bahay-bakasyunan, bumawi pala muna siya sa anak niya at ipinaramdam ang tunay na pagmamahal ng isang sabik na ama. Lalong nawala ang poot ko sa kaniya pagkatapos na malaman ang pag-aalaga niya kay Yumi.

Ayon sa mga kwento ni Manang Sabel, sabik na sabik ang mag-ama na makalaro ang isa't isa. Napilitan lang siguro ang kaibigan ko kaya pinagtangkaan niya si Althea at pinatay ang kabayo ko. Ganoon niya kagustong mabuo silang tatlo.

"Are you ready?" Haplos ko sa balikat ng Misis ko. May inaasikaso siya sa bag habang nakatalikod sa akin nang madatnan ko siya sa salas.

"Oo... T-tayo na ..." utal niya ngunit pinigilan ko siya maglakad. Kinuha ko ang isinuklot niya sa bag.

"Hundred thousands money? Para saan? Babayaran mo si Yohan para layuan tayo?" Hindi ko naman siya masisisi kung bakit gano'n siya magdesisyon. Matinding trauma ang inabot niya.

Isang buwan na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay inuusig pa rin siya ng konsensya dahil sa nangyari.

"B-baka isunod niya si Mayumi..." usal pa niya habang nanginginig ang kamay.

"Kalma, kumalma ka at makinig sa akin. Hindi na iyon magagawa ni Yohan at saka hindi pera ang kailangan niya, kapatawaran mo... 'Yun lang." Inayos ko ang naglaylay na buhok niya sa unahang mukha. Panay ang pangungumbinsi ng mga mata ko para hindi na siya kabahan pa at iwaksi ang kung anumang nasa isip niya.

Tatlong beses na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka ko siya hinalikan sa noo.

"Mommy... Daddy... Let's go na po!" Gayak na sigaw ni Yumi mula sa labas. Marahil kanina pa siya naghihintay sa kotse.

"Nakita mo na, kahit si Yumi natutuwa siya na puntahan natin si Yohan!" I held her hand and walked.

Itinawag sa akin ni Red ang address kung saan nagpapagaling si Yohan. Hindi na kami nagsampa ng kaso dahil nasisigurado ko na hindi na kayang ulitin iyon ni Yohan.

Gusto ko lang ng katahimikan at masaya kasama sina Althea. Ngunit hangga't hindi natatanggap ni Yohan ang aming sitwasyon, lalamunin pa rin ako ng sariling konsensya.

Nakarating kami sa isang village at pumasok kami roon kaya natagpuan na namin ang bagong bahay ng kaibigan ko.

"We're here..." Sabay-sabay kami bumaba sa kotse. Nagbukas ang pinto nang mag-doorbell ako.

"Hi..." matipid na bati ni Eunice.

"Where's my Daddy Yohan po?" Paghahanap agad ni Yumi.

"Halika kayo sa loob, nasa kwarto siya at nagpapahinga!" Ngumiti pa siya nang kami ay papasukin.

Nagkatinginan kami ni Althea. "Kausapin mo na siya. Hihintayin ko kayo dito ni Yumi." sabi ko. Mas makabubuti kung hayaan ko muna silang tatlo na magkaroon ng pribadong pag-uusap.

Ibinigay din naman ni Eunice ang pagkakataon na iyon kaya naiwan kami sa salas. Naupo muna ako sa sofa at hinayinan niya ng juice at isang slice na cake, ngunit busog pa ako kaya hindi ko ginagalaw.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon