CHAPTER 15.

48 2 0
                                    

***

HINDI ko siya mahal ngunit nasa isip ko ang kahihinatnan niya kapag hindi ko pinanindigan ang nasa sinapupunan niya.

"Secure the ground!" Wala na kaming nadatnan tao sa loob ng warehouse.

"Mr. Azores, kilala n'yo po ba siya?" pagtutukoy ng isang imbistigador sa bangkay na nakuha nila sa loob ng isang drum.

Minasdan ko ang lalaking walang buhay. Kilala ko siya sa mukha ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Umiling lang ako at nagpatuloy sa paghahanap kay Althea.

"Sinong gumawa nito kay Wesley?" Halos manginig sa kilabot si Sandy. Kasama niya si Tristan upang hanapin dito si Althea.

"Nakita n'yo na si Althea?" pag aalalang tanong sa'kin ni Tristan at wala akong ibang tugon kun'di umiling lang.

Naiinis na ako sa aking sarili dahil hindi ko man lang siya naabutan dito. Hindi ko rin alam kung okay lang ba sila ng magiging anak ko o ligtas silang dalawa.

"Isang dem0nyo na lang ang gagawa nito kay Wesley at sa palagay ko hawak niya si Althea!" nanggagalaiting usal ni Tristan. Habang pinag iisipan ko kung ano ang aking susunod na hakbang.

"Akala ko ba narito sila, Red?" kuno't noo kong tanong kay Red na abalang kausap ang mga pulis.

"Hindi pa umaamin ang kumidnap sa kanila kaya hindi pa natin malalaman ngayon ang kalagayan ni Ms. Gonzalez." paliwanag niya.

"Sa kanila?" Hindi naman siguro ang ipinagbubuntis ni Althea ang tinutukoy niya.

"Si Mr. Teodoro, narito daw kanina para iligtas si Ms. Gonzalez ngunit nabihag din. Tanging iyun pa lang ang nalalaman ko." sabi pa niya.

"Si Vince?" gulantang ni Sandy.

"Bakit hindi man lang niya sinabi na alam niya kung nasaan si Althea? Kainis!" saad ni Tristan.

Lumalim ang aking pag iisip sa pagkakataon na sinamantala ni Vince. Paano niya nalaman na dito dinala si Althea ng mga kidnappers?

Kailangan magpaliwanag sa'kin ng isang Vince Teodoro dahil kung hindi, iisipin ko na siya ang may planong itago sa'kin si Althea.

Teodoro rin ang tinukoy ni Mr. Delagado na Step daughter niya kay Mrs. Alvira Teodoro sa meeting namin kanina. Si Vince ay isang Teodoro at kahit kailan ay hindi pa niya nababanggit sa'kin ang tungkol sa kaniyang mga magulang.

Hindi imposibleng magkasabwat sila ni Mr. Delgado para madiin ako sa pagpapakasal sa isang babaeng kahit kailan ay hindi ko ninais na makilala.

Posible bang traydurin ako ng sarili kong kaibigan para sa personal niyang interest kay Althea?

Hindi ko siya mapapatawad kung sakali na totoo ang hinala ko.

Bumalik ako sa Azores Corporation Company. Eksakto sa oras na naroon muli si Mr. Delgado. Patuloy niyang kinukumbinsi si Dad.

"Ganito mo ba planuhin ang lahat ng gusto mong makuha sa amin?" buntong-hininga kong bungad sa kanila ni Dad. Nakasuklot ang aking dalawang kamay sa kaliwa't kanang bulsa ng aking pantalon.

"Akala ko ba tapos na ang trabaho mo dito?" tanong naman ni Dad sa akin. Bumababa ang tingin ko sa kaniya dahil sa ginagawa nila sa buhay ko. Pakiramdam ko limitado na ang bawat kilos ko. Para na akong isang robot na sila ang kumukontrol.

"Kayo po ba? Hindi pa tapos ang mga desisyon ninyong gagawin sa buhay ko para sa ikabubuti ng kumpanya at pag angat ng inyong mga repotasyon bilang sikat na negosyante?" singhal ko sa kanila. Hindi na ako kinakapitan pa ng takot sa kung sino sila na kinakausap ko.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon