CHAPTER 34.

45 2 0
                                    

Vince's POV.

Mind blowing na makasama sa kama ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi lang pagtatalik ang nangyari sa aming dalawa, love in romance kung maiituring ko iyon. Inalay ko ang buong lakas at sarili sa kaniya. Ngayon ko lang din nakilala ang sarili ko pagdating sa love making, mysterious but wild. Aminado naman ako na sadyang pinanggigilan ko si Althea. Siya lang kasi ang babaeng nagbigay sa akin ng ganitong klase ng karanasan sa kama.

Siya ang nagbukas ng kamalayan ko tungkol sa pakikipagsapalaran sa higaan. Even though, may nagiging babae rin ako noon pero hanggang dating lang. Malaki ang respeto ko pagdating sa love s*x. Nadala ako sa pagmamahal na hayin ni Althea kaya hindi ko na nahintay pa ang honeymoon but of course, babawi ako.

Pinag-uusapan namin ang tungkol sa magaganap na kasal. Napakasaya ng puso ko at walang bahid ng pagkadismaya dahil makakasama ko na siya habambuhay.

"Kahit simpleng wedding gown ang isuot ko tapos barong ang sa iyo, okay lang naman di'ba?" sabi niya.

"Ikaw ang masusunod mahal na reyna!" tugon ko.

"Magpakasal tayo kapag bumuti na ang pakiramdam ni Mayumi at saka huwag na natin i-brodcast. Baka makasira lang ang media sa pagpapakasal natin!"

"Hindi ka na ba babalik sa T.G?"

"Gusto ko na ng tahimik na buhay kasama kayo ni Mayumi..." Humimpid siya sa aking dibdib at panatag na pumikit. Hinahaplos ko ang likuran ng braso niya pababa sa balakang.

"Sasabihan ko si Sandy na asikasuhin ang papalapit nating kasal and the rest, ako na ang bahala. Basta magpahinga ka at paghandaan mo ang pagiging bride to be!" mariing paliwanag ko ngunit hindi na siya tumugon. Lumuwag ang paghinga niya, nang silipin ko ang mukha ay natutulog na pala siya.

Inayos ko ang aming posisyon. Inilipat ko ang ulo niya sa unan at saka ibinalot sa katawan niya ang puting kumot. Hindi ko na siya ginising at banayad na iniwanan ng halik sa labi bago ako lumabas sa silid. Dumaretso ako sa banyo para makaligo. Napansin ko sa salamin ang bakas ng kuko niya kaya napapangisi ako. Sariwa pa sa isip ko ang naganap kanina. Ganito pala ang pakiramdam sa unang beses na makatikim ng kakaibang putahi.

Ginaganahan ang katawan ko na gumawa ng gawaing bahay kaya nang makapagbihis na ay dumaretso ako sa kusina para magluto. Sa kalagitnaan ng aking pagluluto dumating si Tita Alvira. Tiyak na galing na naman sa mall si Tita dahil sa mga shopping bags na bitbit niya. Kanina pa narito ang dalawang maleta niya at naunang dumating kaysa sa kaniya.

"Where's Althea? Pinuntahan ko siya sa office niya sa T.G pero wala siya doon. Do you even know where did she go?"

"Natutulog po siya, napagod ko po—I mean sa trabaho po..." Sa sobrang satisfied ay muntik ko na sabihin ang hindi dapat.

"I smell something huh, Vince?" Tumataas na kilay ni Tita at nilapitan ako.

"Gusto niyo? Adobo, my best version!" Pagkukunwari ko na naintindihan ang ibig sabihin niya.

"Owh i like it, let me taste!" Kumuha siya ng tinidor at tinikman na ang niluto ko.

Napabuntong-hininga ako dahil nagustuhan niya. Hindi maaaring malaman ni Tita na nasa secret room si Althea at doon natutulog. Iyon kasi ang master's bedroom nila ng namayapang Mr. Teodoro. I know how she thinks.

"Pupuntahan ko lang sa kwarto ang apo ko, may pasalubong ako sa kaniya!" Umakyat na siya sa room ni Yumi kaya pinuntahan ko agad si Althea para gisingin.

***

"Wake up my sleeping queen!" Bulong ko sa tainga ni Althea pagkatapos halikan sa pisngi.

"Mamaya na... Inaantok pa ako." Reklamo niya.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon