CHAPTER 21.

42 2 0
                                    

YOHAN'S POV.

TWO WEEKS AGO, hindi ako pinapasok ni Dad sa Azores Building at tinanggalan niya ako ng acces sa company at naka-hold ang mga atm ko na nagbibigay ng luho sa akin. Nalaman ko ang buong kasinungalingan ni Althea mula sa isang detective agent na kinuha ni Eunice. Simula nang masira ang aming relasyon at engagement ay pinasundan na niya ng lihim si Althea. Desisyon na hindi ko agad nahadlangan dahil may kinalaman din si Dad sa plano ni Eunice.

Upang maunawaan ko ang mga nangyayari ay kinausap ko agad si Dad. Gusto ko magreklamo sa panggigipit niya sa akin ngunit ipinakita niya ang isang footage na magka-usap sina Vince at Tristan kasama si Sandy sa isang boxing gym.

"I warned you pero hindi ka nakinig sa akin!" Humihithit siya ng sigarilyo at nasa balcony kami ng bahay niya.

"Anong gusto niyong gawin ko? Pakasalan ang Mysterious Daughter ni Mrs. Teodoro kaysa kay Althea?" Tumawa siya sa sinabi ko.

"Hindi mo pa rin ba nauunawaan ang gusto ko na mangyari? Ang misteryosong anak na babae ni Alvira at ang Althea na ipinaglalaban mo sa akin ay iisa!" paliwanag niya na ikinagulat ko. "Ngayon mo kailangan intindihin ang sinasabi ko, Anak!" Tinapik niya ang balikat ko.

Hindi ko maunawaan ang nais niyang iparating kaya't nakinig na lamang ako. Walang pumapasok sa aking isipan kun'di niloko at nagsinungaling sa akin si Althea.

"Kailangan mong magpanggap na wala ka pa rin alam sa pagsisinungaling ni Althea hanggang sa makausap natin si Zubchini volka!"

"Sino si Zubchini volka?" pagtataka ko.

"Malapit na kapatid nang yumaong Victor Teaodoro at ang may kaalaman sa lahat ng successful businesses ni Alvira. Kapag nakuha natin mula sa Teodoro ang buong kontrol ni Zubchini volka ay mapupunta na sa atin ang kumpanya nila!"

"Ikaw ba ang dahilan sa pagdukot kay Althea?" Lalong lumakas ang pagtawa niya sa aking harapan.

"Desisyon namin ni Mr. Delgado para maalarma si Alvira at ipadala niya si Lionel sa Europe, nang sa gano'n ay makausap niya sa personal ang brother in law ni Alvira." Hindi ko lubos maisip na ganitong klase ang Dad ko. Malupit siya sa akin at hindi ko akalain na kahit sino ay kaya rin niyang paglupitan.

"What's your next plan?" Nagtatanong na ako para mapaghandaan ang kailangan na maisakatuparan nilang plano ni Mr. Delgado.

"Nasa akin pa ba ang loyalty mo, Yohan o si Gabriel ang nararapat na pagkatiwalaan ko?" Tiningnan niya ako ng tuwid. Napaikom ang kamao ko dahil wala na akong magagawa pa kun'di sundin siya.

Kung kinakailangan na saktan ko ulit ang damdamin ni Althea ay wala nang magagawa pa ang pagiging bilyonaryo ko. Kay Dad nakadepende ang lahat ng desisyon ko at hindi ko na mapaninindigan ang isang tulad niya na handang isakripisyo ang sarili para sa pagmamahal sa akin.

Humanga ako kay Althea dahil sa katapangan niya na magsinungaling, makuha lang ang atensyon ko. Ngunit ang paghanga na iyon sa kaniya ay kailangan ko nang palitan ng galit at poot. Kailangan ko siyang tiisin alang-alang sa katanyagan na nais ni Dad.

Naging plano ang pagpapakulong ko kay Eunice nang ipadukot ni Mr. Delgado si Althea dahil ayokong maghinala sina Vince at Tristan sa akin. Kailangan ko rin ipahalata kay Dad na sinusunod ko na ang kaniyang mga desisyon. May alam si Mr. Delgado sa tunay na pagkatao ng anak ni Mrs. Teodoro, sapagkat nagkaroon ng koneksyon si Dad sa Europe kaya nalaman nila kung sino ang taga-pagmana ng Teodoro.

Si Vince Teodoro ang una nilang suspetya ngunit nagtapos kay Althea Gonzalez. Siya ang kailangan ng Azores para muling maibalik ang dating tagumpay ng ACC. Gumawa sila ng paraan para hanapin ang kahinaan ni Mrs. Teodoro at si Althea ang kanilang ginamit para ibigay sa akin ang mga kailangan nila.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon