LUMIPAS ang ilang linggo. Natuloy si Mama sa pagpunta sa Europe at dahil kailangan na gawin niya iyon upang humingi ng pangalawang pagkakataon kay Tito Zubchini volka ay hindi na ako tumutol at inihatid namin siya sa airport nang walang kahit na sino ang nakaaalam kun'di kami lamang.
"Alam ko na matatagalan ako sa Europe kaya ipagkakatiwala ko sa iyo ang lahat, anak. Hintayin mo ang aking pagbabalik at gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa aking pagkukulang sa iyo! Mahal na mahal kita!" Niyakap niya ako dahilan upang lalong bumigat ang kalooban ko. Bakit siya ang kailangan lunayo at magsakripisyo para maibalik ang lahat sa dati? Nasasaktan kami parehas dahil sa tagal nang panahon namin pangungulila sa isa't isa at ngayon na lang ang pagkakataon ay maghihiwalay pa muli kami.
Ang sakit. Bumabalik ang sakit noong iwanan niya ako sa bahay ampunan, ang pinagkaiba lamang ay may isip na ako ngayon at sa ikabubuti namin ang kaniyang paglayo.
"Mama!" Hindi mapatid na aking pagluha at patuloy sa pag agos. Nasa likuran ko si Vince, inaalalayan ang aking balikat habang pinakakalma ang aking sarili.
"Babalik ako! Babalikan kita and always remember how much i love you, Hija!" mariing sabi pa niya at saka nagsuot ng shades. Ibinalot sa mukha ang isang itim na scarf para itago ang kaniyang sarili habang naglalakad na palayo sa aming kinatatayuan entrance ng airport.
"Mag-iingat ka po Tita!" pamamaalam nina Sandy at Tristan gano'n din si Vince ngunit nagmamadali si Mama sa pag alis kaya't hindi na sila natugunan pa.
"Althea!" sambit ni Vince sa aking pangalan nang habulin ko si Mama upang ibigay ang aking huling pamamaalam na yakap at saka ang key chain na ibinigay niya sa akin noong sanggol pa ako.
Wala nang sinabi pa si Mama hanggang sa mawala na siya sa aming paningin. Bumalik kami sa Mansion dahil dito na ako maninirahan simula ngayon. Hindi na ako makababalik sa bahay ni Yohan dahil alam ko na galit na galit siya sa 'kin at hinding-hindi niya gugustuhin na makita ang pagmumukha ko.
Tumutulo na lang ang luha ko kapag aking naiisip na wala nang kabuluhan pa ang sasabihin ko sa isang Yohan Azores at hindi na ako parte ng kaniyang buhay.
"Hindi mo pa rin ginagalaw ang pagkain na niluto namin ni Sandy para sa iyo!" Tinig ni Tristan at naupo siya sa giliran ng kama na hinihigaan ko.
"Iiyakan mo lang ba 'yan?" Kuno't noo naman ni Sandy sa akin.
"Hindi ako nagugutom!" sabi ko.
"Gusto mo ba na subuan kita? Baka nakalilimutan mo na may kailangan kang ayusin!" singhal ni Sandy.
"Sandy, halika na! Hindi ka nakatutulong kay Althea!" Paghila ni Tristan sa kaniya.
"Sampalin mo na lang ako, Sandy kaysa lagi mo akong sinisisi dahil nawalan ka ng trabaho!" sabi ko naman.
"Baliw! Sasampalin lang kita kung hindi ka pa natatauhan!" saad niya at saka yumakap sa akin. "Alam mo ang layo na ng hitsura mo sa best friend na nakilala namin ni Tristan sa bahay ampunan! Nagmumukhang dugyot ka na!" Alam ko naman na pinagagaan lamang niya ang loob ko.
"Uuwi muna kami ni Sandy, babalikan ka namin dito kaya kailangan mo magpalakas!" bilin ni Tristan sa akin.
"Sige." matipid na tugon ko at saka sila tuluyan na umalis.
Lalo ako nawalan ng gana kumain kung kaya't natulog na lang ako. Hindi ko namalayan na kinagabihan na ako nagising. Nang tingnan ko ang lamesang pinagpatungan ni Trsitan ng umagahan kanina ay may bagong lutong pagkain. Nakasarado na rin ang kurtina sa bintana ng kwarto.
Pumasok sa loob si Vince mula sa balcony ng kwartong tinutulugan ko.
"Nalipasan ka na ng gutom pero may niluto pa rin ako para sa iyo. Kumain ka na." Nakapamulsang sabi niya at lumapit sa aking higaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/163832186-288-k739486.jpg)
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
RomanceMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...