ALTHEA'S POV.
LUMAPAG sa Pilipinas ang sinasakyan namin nina Vince at Mayumi na isang private plane, bandang alas-otso ng umaga. Naglakad kami sa terminal ng NAIA na naka-red carpet dahil sa kagustuhan ko na magkaroon kami ng grand entrance. Ilan taon din ang nakaraan kaya na-miss ko ang bansang kinalakihan ko. Sinalubong kami ng mga executives ng T.G jewelry and design. Isa sa kumpanyang pinatatakbo ko dito kahit nasa Europe ako. May-ari na rin ako ng isang five star hotel sa lugar na katabi lang ng El Remedeo Bar."Welcome home Mr. and Mrs. Teodoro!" Pagbati na salubong sa amin ng isa sa Main Shareholders ng kumpanya.
"Nakikita mo ba ang mga daliri ko, left and right, Mr. Valle?" Derektang ipinakita ko sa kaniya ang daliri. Nahihiya siya na tumingin kaya ipinaling ko ang mukha sa akin. "May nakikita ka bang singsing?" tanong ko pa at tumungo siya.
"I'm sorry... Ms. Gonzalez!"
"Mukhang hindi mo pa ako kilala!" Nilampasan ko na siya. May nagbigay sa akin ng mga bulaklak bilang pagbati at si Vince na lang ang kumuha ng mga iyon dahil ayokong matabunan ang bagong labas kong kwintas na emerald diamond.
"Ikaw talaga, pinatulan mo pa siya!" sabi niya sa akin pagkapasok sa loob ng ford na sasakyan.
"Hindi ako umuwi dito para lang insultuhin ng kung sinong naghahabol sa pera ng Teodoro!" Sa inis ay pati siya ay napag-iinitan ko na.
"Masyado mong sineseryoso ang mga bagay-bagay, naririnig ka ni Yumi. Smile ka na nga!" Hinila niya ang kabilang pisngi ko.
"Ano ba?" Tinampi ko ang kamay niya ngunit tinawanan pa rin ako.
"Did i put a posions to your drinks, earlier?" Pang-aasar niya.
"Maybe, Daddy! She looks so upset!" Hirit naman ni Mayumi sa backseat with Manang Sabel.
"Stop it okay!" Itinaas ko ang kilawang kilay dahil sa kanilang pang-iinis.
"Sana posions of love na lang ang inilagay ko para hindi ka nagagalit ngayon." Singhap niya ng hangin.
"Vince..." Alam ko naman na may ibig sabihin ang kaniyang sinabi.
Simula nang alagaan niya ako noong nagbubuntis pa lamang ako kay Mayumi, naramdaman ko na ang kakaibang pag-aalala niya. Ang concerns niya sa akin hanggang sa ma-ipanganak ko si Mayumi. Ang bawat pag-aaruga niya kapag may business meeting ako. Hindi ako manhid para sabihing hindi ko nararamdaman iyon. Hindi ko lang ipinahahalata dahil ayokong sirain ang pagmamahal niya sa amin, bukod roon ay hindi pa ako handang ibigay ang buong sarili ko.
Marahil malayo na nga ang narating ko at malayo na rin ang dating ako. Ang ugaling t@nga sa pag-ibig ay naging bato na ang puso. Hindi ko rin basta-basta pinalalampas sa aking mga kamay ang bawat desisyon. Ayoko na magkamali. Ayoko ng maranasan pa ang pasakit na pinagdaanan ko kay Yohan. Matagal ko na rin itinapon ang kung ano'ng ibig sabihin ng pagmamahal.
Nasa biyahe na kami, pauwi sa mansion house ni Mama.
"Mommy, i want chocolate cake!" Napadaan kasi kami sa isang unpopular cakeshop kaya nagsisimula na naman ang pangungulit ni Mayumi.
"No!" matigas na sabi ko.
"Please!" Paki-usap pa niya.
"I said no! Hindi ka pa ba nagsasawa sa chocolate?" Favorite niya ang chocolate cake but i hate it.
"Pagbigyan mo na ang bata!" sabi ni Manang Sabel. She's always her side dahil mas pinili niya na magtrabaho sa amin kaysa balikan si Yohan.
Ano pa nga ba ang mapapala niya sa Azores? Ipinagtabuyan na siya at natural lang na kupkupin ko ang taong may pangangailangan.

BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
Любовные романыMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...