CHAPTER 23.

43 2 0
                                    

YOHAN'S POV.

ONE MONTH LATER.

BUMALIK na sa dating katanyagan ang Azores Building at muli namin nakuha ang pinakamataas na sales ng company. Isa na naman ang Azores sa best and trusted company all over the world. At tulad ng plano ni Dad ay gagawin rin niya sa Teodoro's Bakeshop and Cafe, ang ginawa niya sa Azores Building. Tampok sa ACC ang pangunahin inuming alak at luxurious branded na damit at sapatos. Nai-launch na rin namin ang kauna-unahang Azores Automotive Car na nagkakahalaga ng 1.5 Billion Dollar. May iba't iba na rin kaming korporasyon, sa pagkain man o mga bagay na pangunahing kailangan ng tao.

Samantala, Ikinasal kami ni Eunice sa Madrid, Spain at ginanap sa isang Catholic Church ang aming pag iisang dibdib. Dinaluhan ng maraming VIP Guests at kapwa bilyonaryo ang naging kasal namin. Naging saksi ang buong mundo dahil sa malawakan na pagbabalita at baka tinalo pa namin ang royal wedding ng mga prinsipe at prinsesa. Kaliwa't kanan ang media, wala silang palya sa pagkuha ng magagandang eksena sa pagitan namin ni Eunice.

I'm sure napanood ni Althea ang pagpapakasal ko. Sana'y agad niya rin matanggap ang ginawa ko. Hindi ko nais na masaktan pa siya. Kailangan na niyang tanggapin ang aming kapalaran and atleast i dated her. Naranasan din naman niya sa akin kung paano i-date ng isang sikat na bilyonaryo.

May After Wedding party na inihanda si Mr. Delgado sa isang private plane, pagkauwi namin sa pilipinas. Kung saan Board members, Models, Artist and Investors na lang ang imbitado sa gabi ng aming kasiyahan. Wala ng media dahil ayoko na ng mga issues na maaaring gawin laban sa akin.

"Kung gaano ka sana ka-working hard sa Azores Corporation Company ay sana gano'n din sa pagbibigay sa amin ng apo!" hirit na biro ni Mr. Lee na nginitian ko na lamang.

"Si Daddy talaga!" nahihiya na sabi ni Eunice.

"Masyado niyong pine-pressure ang mga bata. Hayaan muna natin sila mag-enjoy sa pagiging mag asawa." sabi ni Dad.

May nakita ako sa isang gilid , hindi naman kalayuan sa aming kinapupwestuhan ni Eunice. Isang babaeng nakasuot ng belong itim at nakatingin lang sa akin.

"Althea!" sambit ko sa pangalan niya at pinuntahan ko ang kaniyang kinaroroonan. Ngunit sa paglapit ko ay siya naman paglayo hanggang sa nawala siya sa aking paningin.

Saan siya nagpunta? Namalik-mata lang siguro ako at nangangamba na baka hanggang dito ay habulin niya ako. Bumaba ako sa eroplano at tiningnan ko ang labas.

"May nakita ba kayong babae na lumabas mula sa loob?" tanong ko sa security na nakabantay sa main door ng eroplano.

"Wala naman po Sir!" tugon ng isa sa kanila.

"Yohan!" tawag sa akin ni Eunice at nagmadaling lumapit sa akin.

"Bakit ba bigla kang umalis? Is there someone bothering on you?" sunod-sunod na tanong niya at nawalan ako ng gana na bumalik sa loob kaya balak ko nang umalis. "Where are you going?" tanong muli niya.

"Inaantok na ako! Tapusin mo ang party at uuwi na ako!" sabi ko sa kaniya.

"No.. I'll come with you!" sabi niya na tinanggihan ko.

"Go back to the party and enjoy the night with our family!" I just stopped her to go out of the party with me. Hindi naman talaga ako uuwi.

Gusto ko lang makita at makausap si Althea to make it clear na talagang guni-guni ko lang ang pagkakita ko sa kaniya kanina. Pumunta ako sa Mansion House ni Mrs. Teodoro na pinangangalagaan ni Vince.

Nakahahangang kaibigan dahil sa kabila ng aking mga nagawang kasalanan at ka-trayduran sa kaniya ay pinapasok pa rin niya ako sa loob ng Mansion.

"Hindi ka pa ba kontento sa press conference at interviews niyo ni Eunice over the Azores Building and to my Bakeshop and Cafe para personal na pumarito ka?" Umiinom siya ng isang high class black wine na inilabas ng kumpanya namin last weeks ago.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon