ALTHEA'S POV.
HINDI KO alam kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko.Hindi ko maintindihan.
Uuwi na sana ako sa bahay ko kaya naglakad na lang ako. Nang laking gulat ko dahil humarang sa aking dadaanan ang isang hindi pamilyar na sasakyan.
Lumabas si Wesley sa sasakyan at hinila niya ako papasok sa loob.
"Ano ba, Wesley? Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas pa ako ngunit may mga kasamahan siya na nakahawak agad sa aking dalawang braso. May isa pa na tinakpan ang ilong ko ng panyo kaya't nawalan ako ng malay.
Nagising na lang ako sa isang upuan at nakakulong ako sa isang silid. Nakatali ang dalawa kong kamay sa aking likuran at pati na rin ang aking mga paa. Isang lalaki ang lumapit sa kinauupuan ko upang tanggalin ang busal sa aking bibig.
"Wesley! Ano ba itong kalokohan mo? Pwedi ba, pakawalan mo na ako!" bulalas ko sa kaniya.
"Malaki na ang atraso mo sa'kin Althea, ilan beses mo ba ako gustong humingi ng sorry sa'yo para magkabalikan tayo huh?" Tinitigan nya ako ng malapitan.
"Pwedi ba magpakalalaki ka nga! Humingi ng sorry? Kahit kailan hinding hindi na kita babalikan at isaksak mo 'yan sa isipan mo!" tuwid kong sabi sa kaniya.
"Hindi mo ba naiintindihan na tayo lang dalawa ang karapat dapat sa isa't isa? Pweding magsimula ulit tayo sa umpisa!" usal pa niya. Pumaling sa gilid ang aking mukha upang iwasan ang naka-ambang niyang halik.
"Hindi na kita mahal!" matigas kong baling sa kaniya.
"At sinong mahal mo? Si Mr. Yohan Azores na engage na sa ibang babae?" Tumayo siya at pinagtawanan pa ako.
"Hiwalay na sila ni Eunice!" paglilinaw ko.
"Hindi naman si Eunice ang tinutukoy ko." Naguluhan ako sa sinabi niya.
Isang matandang lalaki ang dumating kasama ang kaniyang mga tauhan. May itinali rin sila sa isang upuan at saka ko lang namukhaan kung sino ang lalaki.
"Vince?" Panlalaki ng aking mga mata dahil sa gulat at pagtataka kung bakit nadamay si Vince sa sitwasyon ko ngayon. Walang malay ang boss ko at may dugo sa kaniyang mukha na apekto ng pambubugbug sa kaniya.
"Dalawa lamang ang maaari mong pagpilian, Hija!" Hindi ko kilala kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Ngunit alam kong hindi na si Wesley ang kausap ko.
"Si-sino ka?" Nanginginig sa takot ang boses ko. Hindi sila basta-basta tao lang, armadong tao sila o isa sa mga kinatatakutan na sendikato. "Wesley, maawa ka sa magiging anak namin ni Yohan!" Pagbabaka-sakali ko na magkakaroon siya ng awa sa'kin para pakawalan at mailigtas ko man lang si Vince.
"Hindi ko na sana gagawin ito sa'yo, Hija. Ngunit masyadong matigas ang ulo ni Yohan at ikaw ang gusto niyang makasama, kaya napag-desisyunan ko na alisin ka bilang balakid sa aking mga plano na makuha ang gusto ko sa Azores Corporation Company. Kung kinakailangan kitang p*tay!n ay gagawin ko. Matuloy lang ang lahat ng mga plano ko!" Lumabas mula sa liwanag ang matandang lalaki na nagsasalita.
"Mr. Delgado?" Lalong nanindik ang aking balahibo sa takot nang makita kong may hawak siyang b*r!l at nakatutuk pa sa akin.
"We-wesley, tulungan mo ako!" usal ko sa kaniya. Lalong lumalakas ang menstruation ko dahil sa stress na dulot ng nangyayari ngayon sa'kin.
"Mr. Delgado, ang usapan po natin ay hindi n'yo siya sasaktan!" Humarang sa akin si Wesley.
"Nabulilyaso ang lahat ng plano nang dahil sa babaeng iyan! Ngayon alam na rin ni Vince Teodoro ang mga balak ko sa Azores Corporation Company at nasisigurado ko na isusumbong niya ako kay Alvira!" panggagalaiti na sabi ni Mr. Delgado mismong harapan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/163832186-288-k739486.jpg)
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
RomanceMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...