CHAPTER 27.

54 2 0
                                    

Yohan's POV.

LUMIPAS pa ang mga araw at nakarating sa akin ang isang balita, wala na sa pag-aari ng Azores ang ACC, dahil ipinagbili ni Ninong Delgado ang kumpanya sa isang maliit na foot spa, sa pamamagitan ng legal na proseso. Sinamantala niya ang pagtitiwalang ibinigay ko para pamunuan ang Azores Corporation. Siya lang ang tanging pinagkatiwalaan ko sa mga mahahalagang dokumento ng aming negosyo.

"Is this the best you can do, Ninong? Bakit hindi niyo ako sinabihan tungkol sa plano niyong pagbenta sa ACC? At hindi ka pa namili ng buyer. Ipinagkatiwala mo ang Azores Corporation sa isang taga-linis ng kuko?" galaiting saad ko. Napapasinghal ako dahil hindi ko na kayang habulin pa ang kumpanyang pinaghirapan ko sa maraming taon at ang isa pang dahilan ay nakasanla na rin iyon sa hotel owner ng Teo-Gon.

Paano ko hahabulin iyon?

"It's a billion dollars, huwag mong maliitin ang Beverly foot spa. At saka mababawi mo na rin naman ang pera ng kumpanya na nilustay mo, kamakailan! Palaguin mo na lang ulit ang Azores Dine and Cafe, nang sa ganoon ay may nareresolba kang problema!" paliwanag niya sa akin.

"Ano na lang ang sasabihin ni Dad at Kuya Gabriel kapag nalaman nila ang ginawa mo?" Hindi ko malaman kung bakit kayang-kaya niyang isipin na mapapalago ko ulit ang negosyong kinuha ko sa Teodoro. Hindi pa niya alam na ipinagbili ko na iyon sa business owner ng El Remedeo Bar.

"Masyado ka naman takot sa Dad mo! Senior is retired businessman. He always trusting you. Hindi niya malalaman kung mananahimik tayo at tahimik nating aayusin ang gusot na ginawa mo! In fact, kasalanan mo ang pagbagsak ng Azores and i'm just doing my job, fairly." Sinundan niya ng buntong-hininga.

"Fairly? Then give me the address of Beverly foot spa!" Tuon ng palad ko sa lamesa.

"At anong gagawin mo?"

"Dekada ang binilang ko para mapunta sa akin ang Azores Corporation, sa tingin mo ba gano'n lang kadali sa akin na bitawan iyon? Hindi ko basta ipagkakatiwala sa pipitsuging foot spa ang kumpanyang minana ko kay Dad!" diin na sabi ko.

"Inayos ko na ang isa sa problema mo, Yohan! Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin!" Tumayo siya at lumabas mula sa office.

Napaisip ako ng sobrang lalim. Tila balong malalim ang hinahayhay ng utak ko para ayusin ang problema na kinakaharap ko. Blanko sa dilim at walang kasagutan. Ikinakatakot ko ang pagdating ng araw na mawala ang lahat sa akin—sa amin. Saan kami pupulutin? Nagkakasakit na si Dad. Palaging pera ang puno't dulo ng away namin ni Eunice, bukod sa pagseselos niya.

Kinakailangan kong makausap ang may-ari ng Beverly foot spa na iyon. Kailangan kong makipag-usap nang maayos para i-urong niya ang pagbili sa ACC. Kahit ang negosyong iyon lang ay maibalik ko sa dating sigla.

Pagkatapos kong makausap si Ninong ay dumaretso ako sa tinutukoy niyang foot spa. Naiinis ako sa tila pagiging VIP ng Beverly na iyon. Masyadong pa-importante, samantalang pipitsugin at 'di hamak na walang sinabi ang foot spa niya sa company ko.

Dumating ako sa eksaktong lugar ng kaniyang negosyo. Pagkat nais ko siyang makita at makausap, walang anu-ano'y pumasok ako sa loob. May nag-assist naman sa akin ngunit hindi ko nagustuhan ang serbisyo nila.

"Hindi ako pumunta dito para magpalinis ng kuko at ubusin ang kape na inihanda niyo! Gusto kong makausap ang boss niyo! Nasaan siya? Nasaan si Ms. Beverly?" singhal ko sa staff na humarap sa akin.

Hindi ako sanay humingi ng pakiusap. Gusto kong makuha ang anuman naisin ko. Upang mapalabas ko sa lungga si Beverly ay nagwala ako sa hot spa. Itinapon ko sa sahig ang lahat ng makita ko. Nagsi-takbuhan palabas ang mga costumer dahil sa takot na dulot ng pagdadabog ko.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon