Yohan's POV.
Sa sofa na pala ako nakatulog kagabi, nang dahil sa kalasingan at isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa mabigat na kamay ni Dad. Magkasama sila ni Kuya Gabriel na sumugod dito sa bahay.
"Hindi ka na talaga nag-iisip ng maayos! Ipinagkatiwala ko ang lahat sa iyo! Kung alam ko lang na dadalhin mo sa pagkalugmok ang kumpanya, hindi ko na lang sana ipinamana iyon sa iyo!" Matigas niyang duro sa pagmumukha ko.
"Sa kabila ng mga nangyayari at pagkawala ng Azores corporation, 'yung dine and cafe at ang mga naipasara na pabrika, nakukuha mo pa'ng mag-inom!" Sermon naman ni Kuya.
"Wala ka talagang kwentang anak! Wala! Sana noon pa lang—" Naputol ang sasabihin ni Dad nang basagin ko sa harap nila ang flower vase na nakapatong sa lamesita.
"Yohan!" Gulantang ni Eunice na kararating lang. Kung saan man siya galing ay hindi na ako intrisado pa.
"Sana ano? Sana pinabayaan niyo na lang ako sa gitna ng kalsada? Sana ipinabalik niyo na lang ako sa tunay kong ina? How i wish na sana gano'n na lang ang ginawa niyo noong bata pa ako! Ipinalangin ko rin noon na sana hindi ko na lang kayo nakilala!" Bulyaw ko sa kanila.
"Wala kang utang na loob, Yohan!" Sinalag ko ang suntok na hayin ni kuya. Nagkatulakan kaming dalawa hanggang sa nasa ibabaw ko siya at balak ipagpatuloy ang pagsuntok.
"Hindi ko hinangad na mapunta ang buhay ko sa ganitong sitwasyon! Sana hindi ko na lang sinunod ang lahat ng mga desisyon niyo, hindi ko sana nararamdaman ang sakit sa dibdib ko! Hindi ko sana sinisisi ang sarili ko sa araw-araw na dito ako nakatira kasama si Eunice!" sabi ko pa. Sa halip na bumalik ang pagmamahal ko sa kaniya ay bagkus iyon nawala.
"Kung hindi dahil kay Eunice, hindi magiging successful ang Azores corporation noon! Hindi ka mababansagang famous billionaire kung hindi dahil sa amin, pero anong isinukli mo? Pinabayaan mong mawala ang lahat sa atin! Kaya wala kang dapat sisihin kun'di ang sarili mo lang! Makasarili ka!" Gigil naman ni kuya.
Oo, ako nga marahil ang may kasalanan kung bakit bumagsak kami sa lupa. Ngunit kapakanan din naman nila ang iniisip ko noon. Inuna ko sila bago ang sariling kagustuhan ko.
"Si Althea ang mahal ko! Sinabi ko sa inyo na pakakasalan ko siya kahit nalaman ko ang buong kasinungalingan niya pero anong ginawa niyo? Binulag niyo ako sa nais kong mangyari sa buhay ko! Pinagbantaan niyo ako tungkol kay Mama at isinumbat ang lahat! Pinasan ko ang dapat ay responsibilidad niyo! Niloko ko kahit ang sarili ko, na baka hindi talaga kami nababagay ni Althea!" Pinakawalan na ako ni kuya at inayos ang sarili. Hindi namalayan na tumutulo na ang luha sa aking mga mata.
Lumapit si Eunice upang punasin iyon ngunit dumistansya ako sa kaniya.
"Pinaniwala ko si Althea na ginagamit ko lang siya pero tingnan ninyo ang kalagayan niya! Nang dahil sa akin kaya siya nagbago! Kinalimutan niya ang tunay na pagmamahal dahil sa ginawa ko! Katapusan na ng Azores—ahh... Hindi! Katapusan niyo na!" Tila lango pa ako sa kalasingan.
"Huwag mong sabihin na babalik ka sa Althea na iyon?" Taas-kilay sa akin ni kuya.
"No! I won't let him!" saad naman ni Eunice.
"Galit lang ngayon si Althea pero kaya ko siyang suyuin dahil may anak kami! Kung kailangan maghabol ako sa kaniya, gagawin ko! Makawala lang sa inyo! Ayoko na ng ganitong buhay!"
"M-may anak kayong dalawa?" utal ni Eunice at naluluhang tumingin sa akin.
"Kahit hindi niya sabihin, naramdaman ko sa bata ang luksong-dugo ng Azores! Ang batang iyon, ang makatutulong sa akin para mabuo kaming tatlo!" sabi ko pa.
"No! Don't say that! Kasal tayo at paano mo nasisiguro na anak mo talaga ang batang sinasabi mo? Wala kang pruweba!" galaiting turan niya.
"Ibinigay ni Althea ang matagal ko nang hinihiling sa iyo!" Bahagyang ngumisi ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/163832186-288-k739486.jpg)
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
RomanceMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...