NATULOY ang usapan namin sa bermuda garden ni Tita Alvira. Pinigilan niya ang pag-alis ni Mr. Delgado dahil sinisigurado ko na mabubulok siya sa kulungan.
"Hindi ba ang plano mo ay mapangasawa ng step daughter ni Tita Alvira si Yohan Azores? Pinangakuan mo pa sila na ibibigay mo sa kanila ang lahat ng mayroon si Tita?" taas-kilay na tanong ko kay Mr. Delgado. Hindi siya makapagsalita at tanging pag inom lang ng juice ang nagagawa niya.
"What do you mean by that?" Tuwid na tiningnan ako ni Tita kaya't inilapag ko sa lamesa ang palatandaan niya sa anak na si Althea.
"Siya ang dumukot kay Althea nang gabing mawala ang anak n'yo. Sinundan ko ang kotse niya at nakarating ako sa warehouse. Lahat ng iligal na transaction ay siya ang may kagagawan. 300 Billion ang ipinadala niya sa europe para sa sarili niyang interest at pagkatapos naman ay si Althea ang pinag initan niya dahil ang buong akala niya ay magkaiba si Althea at ang iyong anak!" diin na paliwanag ko.
"Hindi totoo 'yan! Honey, matagal na natin pina-plano na mag-negosyo sa Europe di'ba? Inasikaso ko lang 'yung 300 billion deals natin sa negotiators doon!" Kasinungalingan pa niya.
"How about Althea?" kalmadong tanong ni Tita sa kaniya. Nakakainom pa ng champagne si Tita sa kabila ng mga sinasabi ko.
"Hindi ko alam sa sinasabi niya! Pinagbibintangan niya ako sa isang bagay na hindi ko alam!" Ang tigas din ng mukha niya para itanggi ang kung anumang nakita ko.
Naghubad ako sa harap nila at ipinakita ko sa kanila ang naging bunga ng aming pagtakas ni Althea.
"Sapat na siguro ang mga sugat na ito para patunayan ang sinasabi ko!"
"Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo Mr. Teodoro! Noong isang buwan, nakipag-boxing ka sa kaibigan ng Althea na 'yon para lang saan? Para sa sarili mo rin interest! Kung sino ang sinungaling sa ating dalawa, ikaw iyon at hindi ako!"
Napangisi ako sa sinabi niya. "I'm always in trouble pero hindi ko dinudungisan ang pangalan ni Tita. What about you Mr. Delgado?"
"Hindi mo maloloko si Alvira! Isa kang anay na sumisira sa reputasyon niya!"
"Narinig mo ang sinabi ko. Anak ni Tita si Althea!"
"Ano? Totoo ba Alvira?" tanong niya kay Tita.
"Bakit nagugulat ka? Akala ko ba wala kang interest kay Althea?" saad ko sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin, Alvira? Sana nailigtas ko sa kapahamakan ang anak mo!"
"Sige lang, Mr. Delgado magsinungaling ka pa! Gawin mo ang lahat para makumbinsi mo si Tita. Wala na akong magagawa pa sa iyo!" Isunuklot ko sa aking bulsa ang kamay ko.
Baka nakalimot lang si Mr. Delgado kung sino ang kinakalaban niya. Marahil dadanak ang dugo niya sa warehouse kung saan niya kami dinala ni Althea. Europe pa talaga ang sinabi niya na ka-transaction sa negosyo. Nakatutuwa lang isipin na hindi gaano siya pinagkatiwalaan ni Tita Alvira. Hindi niya tuloy alam na isa ang Europe sa may pinakamalaking grupo ng good mafias na kinabibilangan ni Tita.
"Alvira! Alvira! Anong gagawin mo sa'kin? Hindi totoo ang sinasabi niya!" May naglagay ng piring sa mga mata niya.
"Don't worry mahal, ipadadala lang naman kita sa Europe kung saan gusto mong magtayo ng negosyo at bahala na si Zubchini volka sa iyo!" Tapik ni Tita sa pisngi ni Mr. Delgado.
"Zubchini volka?" Hindi ko na sana itatanong dahil kilala ko naman kaya lang gusto kong makita kung paano manginig sa takot ang isang Mr. Lionel Delgado.
"My fearless and heartless boss!" natatawang sabi ni Tita.
"Good luck Mr. Delgado!" sabi ko at nag-toast kami ni Tita Alvira habang kinakaladkad na palayo sa amin si Mr. Delgado.
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
Любовные романыMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...