CHAPTER 6.

46 2 0
                                    

ALTHEA'S POV.

10 MINUTES EARLIER. Matatapos ko na sana ang aking nilulutong sinigang nang may biglang nag-doorbell sa pinto ng bahay ni Yohan.

Isang malapad na ngiti ang ibinungad sa'kin ni Ms. Eunice Lee nang mapagbuksan ko siya. She is Yohan's ex-girlfriend. Nalaman ko ang paghihiwalay nila nang maaktuhan ko silang nagde-date sa rooftop ng Teodoro's Bakeshop and Cafe.

"Ms. Eunice?" Nagulat ako at hindi ko malaman kung paano ko siya babatiin.

"Why are you here? Sinong nagpapasok sa'yo dito? Don't tell me kumuha ng bagong katulong si Yohan?" Tumataas niyang kilay sa'kin.

"Sige na Yaya, You can go home now! Ako na ang bahala sa niluto mo!" pagtataboy niyang sabi sa'kin. Hinila pa niya ako palabas ng pintuan.

"Hindi ako katulong dito!" Hindi ba niya ako natatandaan? Ako si Wine Girl na tinawag niyang lumapit sa kinaroroonan nila noon ni Yohan, hindi lang ako makalapit noon dahil na-praning na agad ako sa nakita kong exclusively dating nila nang gabing iyon.

Ngunit ngayon na wala na silang relasyon ni Yohan ay kailangan ko nang panindigan itong nararamdaman ko sa lalaking mahal na mahal ko.

"Ms. Eunice!" katok ko na sa pinto dahil pinagsarahan na niya ako.

T*ng!n4 naman oh.

Tatawagan ko sana agad si Yohan sa phone niya dahil sa kapal nitong acacia wood door ng bahay niya ay siguradong hindi niya ako maririnig sumigaw. Hindi rin ako mapapansin kahit pa mag-doorbell ako.

She's a wrecker and spoiled brat ng Lee Family. Mabait lang oncam pero mapagmaliit siyang tao. Nasubukan na namin ni Sandy ang ugali niya sa Teodoro's Bakeshop and Cafe. Inalipusta na niya ang pagkatao ng kaibigan ko at hindi ako makapapayag na ganu'n din ang gagawin niya sa'kin.

Ngunit isang tawag ang aking natanggap mula kay Sandy.

"Althea, nasaan ka ba? Si Wesley nanggugulo dito sa Bakeshop!" bulalas ni Sandy sa kaniyang tawag.

"Ano?"

"Ilabas nyo si Althea! Sa'kin lang siya!" sigaw ni Wesley na naririnig ko sa kabilang linya kung kaya't nagmadali na akong umalis. Bahala na. Nanghihinayang man ako sa pagkakataon na magkalapit kami ni Yohan ngayon ngunit kailangan kong ayusin ang problemang idinudulot ni Wesley nang dahil lang sa'kin.

Naabutan ko na si Wesley sa hindi kalayuan sa labas ng Bakeshop. Lasing siya at maraming guards ang pumipigil sa panghihimasok niya.

"Wesley!" Nilapitan ko siya.

"Althea, narito ka lang pala! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!" tanong niya at agad hinawakan ang kamay ko. Gusto kong bumitaw ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Itinapon niya ang lahat ng cakes sa loob! Galit na galit sa'kin si Manager Joshan, paano na tayo nito Althea?" maktol ni Sandy.

"Gagawan ko nang paraan. Sino bang Owner ng bakeshop na pinagta-trabahuhan nyo?" Tinig ni Tristan na kararating lang. Bakit siya narito?

"Hay buhay! Mabuti na lang narito ka!" sambit ni Sandy.

"Susunduin ko sana si Althea!" Nakapamulsang buntong hininga niya. Oo nga pala may sasabihin daw siyang importante sa'kin. Nakalimutan ko dahil sumama ako pauwi sa bahay ni Yohan.

"Ako ang Owner ng Teodoro's Bakeshop and Cafe!" pakilalang boses na iyon ni Mr. Cake boy. Siya 'yung kasama ni Yohan sa boxing gym. Siya rin 'yung bumili ng cake sa'kin at kung hindi ako nagkakamali ay siya si Mr. Vince Teodoro na nagdala kay Yohan sa Hospital.

Siya nga.

"Bakit hindi mo sa'kin sinabi na siya si Mr. Teodoro, Althea?" gigil na bulong sa'kin ni Sandy.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon