PINILI KO na hanapin si Althea sa bawat silid ng Mansion kaysa magpahinga, hanggang sa hindi nakatiis sina Dad at Tita Alvira kaya sinabi na nila sa akin ang totoong kinaroroonan ng babaeng mahal ko. Nasa isang secret room si Althea at mahimbing na natutulog. Halos manlumo ako sa kalagayan niya nang makita na ko siya.
"Simula nang dumating siya dito ay hindi siya lumalabas. Hindi rin siya gaanong kumakain. Kinakausap ko naman siya pero hanggang okay lang ang sinasabi niya. Mas gusto niya ang mapag isa." saad ni Tita Alvira.
"Bakit hindi niyo ako tinawagan agad Tita? Sana man lang naasikaso ko siya!" Halos manlumo ako sa kalungkutan na bumabalot kay Althea. Makikita sa kaniyang pangangatawan ang sobrang stress na dinaramdam niya.
"Dahil malalaman ng Azores ang buong pagkatao ko kaya hindi ko ipinahalata sa iyo at hinayaan kita na ikaw mismo ang tumklas sa akin!" Ang tinutukoy niya ay ang palabas na litratong nakuha ni Red. Ipinain nila iyon sa akin para mahanap ko si Althea.
Kung inaakala ni Yohan na sila lang ang magaling magpa-ikot ng tao, pwest nagkakamali sila.
"Tauhan pa rin ng Azores si Red at alam ko na nagbibigay pa rin siya ng mga impormasyon kay Yohan kay minabuti ko na itago ang kinaroroonan ni Althea dito. Ayoko rin malaman ni Lionel na ang Dad mo at si Zubchini volka ay iisa kaya gumawa ako ng isang plano na alam kong paniniwalaan nila. Isang pagkukunwari na gagawin nilang laban sa akin!" mga paliwanag ni Tita.
"Sa ginagawa niyo, si Althea at ang dinadala niya ang mas naaapektuhan! Hindi niyo lang alam kung ilan beses ko siya hinanap, malaman ko lang ang kalagayan at kondisyon ng magiging anak niya! Halos mabaliw ako!" singhal ko sa kanila na ikinagulat nila parehas.
"B-Buntis si Althea?" utal na tanong ni Tita na hindi ko sinagot. "Sabihin mo, Vince! Buntis ba ang anak ko? Magkakaroon na ako ng apo?" nalilito na pangungulit niya sa akin.
"Yes, Tita. She's pregnant!" kalmadong sabi ko. "Kailangan niya maging malakas para sa magiging anak niya!" saad ko pa.
"Oh my Althea!" Napatakip sa kaniyang bibig ang palad niya dahil sa pagkagulat.
"Ikaw ba ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis?" derektang tanong sa akin ni Dad.
"Hindi na mahalaga kung sino! Basta handa ako para sa ikabubuti nilang dalawa!" Naupo ako sa tabi ng kinahihigaan ni Althea. Isinantabi ko ang nakalaylay na buhok sa unahan ng mukha niya. Tinapik ni Dad ang aking balikat bago ako tinalikuran.
Naglalakad na siya palabas sa pintuan nang sabihin ko ang "Kung kailangan ko na pakasalan siya para maging ama ako ng dinadala niya ay gagawin ko! Tutulungan ko siya na ibangon ang kaniyang sarili para sa bata!"
"Salamat, Vince!" pasasalamat na turan ni Tita sa akin.
Ibabaon ko sa limot na naging kaibigan ko si Yohan Azores at aking pupunan ang pagkukulang niya kay Althea. Hindi ko na kailangan magtago sa likod ng isang misteryosong Teodoro.
Maya maya pa ay hinayaan ako ni Tita Alvira sa loob ng secret room para makasama si Althea. Nagsabi na rin ako sa kanila na kailangan ko ng doktor na titingin sa kalagayan ni Althea at sinunod naman nila ang sinabi ko. Habang tinitingnan siya ng doktor ay nagpakaabala ako sa kusina ng mansion ni Dad. Ipinagluto ko siya kahit soup lang at saka ko siya binalikan sa kwarto.
Binuksan ko ang bintana upang pumasok ang hangin sa loob at nang makalanghap naman siya ng sariwang hangin. Datapwat nasa brussel kami, ang known capital ng Europe sa Belgium ay seasonal ang panahon dito. Sumisikat ang araw sa maalinsangan na panahon.
Gusto kong iparanas sa kaniya kung paano itrato ng tama at maayos. Una't huling beses ko siyang makikita na umiiyak nang dahil sa tarantad0ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
RomantizmMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...