#SiKoyahAtSinaKoyah

6.1K 153 6
                                    


Nagising si Cedric sa tunog at pagkakalampagan ng mga bakal at sa nakakaindak na tugtugin. Gising na ang apat na kuya n'yang busy na sa pagbubuhat ng bakal sa kanilang sariling gym sa bahay.

Oo, apat ang mga kuya ni Cedric na puro gwapo, matitipuno at makikisig ang tindig. Lahat sila ay mga binata pa. Lahat sila ay masasarap! Kumbaga sa ulam, mapapa unli rice ka!!!! Si Cedric ang bunso pero sa edad n'ya ay makikita nang nasa lahi nga nila ang pagkamacho.

Ang tatay ni Cedric ay isang pulis at ang nanay naman n'ya ay isang propesora sa college. Malaki ang bahay nila at halatang may kaya sa buhay.

Hindi pa makamulat ng mga mata si Cedric at makikitang nakapantulog pa ito. Naka boxer shorts s'ya at nakasando. Palibhasa'y nasa bahay lang ang sarili nilang gym ay walang pakialam ang magkakapatid sa hitsura nila. Kung titingnan mo sila nang may malisya ay manginginig ang buong katawan mo na parang kinukuryente. Ganun sila kaya YUMMY!!!! PAK na pak!!!

Nagsimula nang mag workout si Cedric. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na s'ya sa mga kuya n'yang mauuna na sa banyo para maligo upang hindi s'ya ma-late sa school.

Pagkatapos maligo ni Cedric ay nakatowel lang itong lumabas sa banyo... Nakatapis ang towel n'ya at kitang kitang sa hitsura n'ya na kilabot s'ya ng kababaihan at pagnanahasan ng sangkabaklaan.

Subalit mahiyain si Cedric sa kabila ng katalinuhan at looks n'ya. Lumaki kasi s'yang nasasapawan at naikukumpara palagi sa kanyang mga kuya na pawang mga achievers din. Kinakain s'ya ng insecurities n'ya.

Direcho si Cedric sa kwarto n'ya. Makikitang lalaking lalaki ang tema ng kwarto n'ya. Maraming poster ng mga magagarang kotse at puro mga Superman collections.

Nagbihis na si Cedric at nagpaalam na sa kanyang nanay at tatay na noon ay nasa hapag kainan.

"Hindi ka na ba kakain, munting prinsipe?" , pabirong tanong ng nanay n'ya.  "Hindi na, Mama! Male-late na poako. Baka ipatawag ka na naman sa school. Nakakahiya yun ahhhh, propesora ka pa naman." sagot ng nagmamadaling si Cedric.

Pero bago pa s'ya makalabas sa pintuan ng bahay nila ay bumalik s'ya agad sa hapag kainan. "Papa, baon ko po. Magta tricycle na lang ako ulit. Hindi na kita mahihintay at sayang ang gas pag sumabay pa ko sa yo. Perahin mo na lang." paglalambing n'ya sa amang kahit matikas na naka unipormeng pampulis ay halatang mapagmahal na ama.

Pagdating ni Cedric sa school ay nandoon na si Sarah. Nakaupo sa upuan n'ya at nagreretouch ang dalagita.

"Good morning, Sarah!" bati ni Cedric. "Taray!!!!!! Hindi ka pa nakapag effort magsuklay!" sagot ni Sarah. Nagtawanan ang dalawa.

"Uy, nauna ata ako sa yo ah." sabi ni Sarah na feeling proud at early bird s'ya sa school ngayong umaga.

"Ahhhh nagworkout pa kasi ako eh. Baka kasi ibully na naman ako ng mga kuya ko. Ayaw nilang lampayatot ako eh." pagpapaliwanag ni Cedric.

"Ohhhhhh... Kaya naman pala borta ang lolo mo!!!" bulong ni Sarah sa sarili. "Ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Sarah.

"Lima kami. Puro lalaki ang mga kapatid ko. Eto sila sa phone ko." sabay pakita ng kanilang picture sa kanyang telepono.

"Winnie the pooh!!! Yung totoo!?!?! Pandesal ang kinakain n'yo palagi noh? Juice colored!!!! Puro pandesal sila ahahhaha!!!" kinikilig na sabi ni Sarah na noon ay hindi maitago ang pagkamangha.

"Grabe ka naman. Ako rin naman ah. Hahahaha bata pa nga lang ako kaya di pa masyadong developed ang muscles ko." pagbibida ni Cedric.

"Pakilala mo sa mga nanay ko yang mga koyah mo!!! Sure ako, malolokang tunay na tunay ang mga yun! Ganyang ganyan ang bet nilang aurahan eh" paghahamon ni Sarah.

"Naku di ba sabi mo ang mga nanay nanayan mo eh.... Beki?!?!? Naku patay tayo d'yan. Takot sila sa beki eh." nag-aalinlangang sagot ni Cedric.

"Eh ikaw? Wag mong sabihing gaya gaya puto maya ka sa mga koyah mo????" curious na tanong ni Sarah.

Hindi na nakasagot si Cedric dahil biglang dumating si Mrs. M at nasa pintuan pa lang ay nagsa sign of the cross na para makapagdasal ang klase.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon