#TitaErna

3K 103 9
                                    

Sabay umuwi sina Cedric at Sarah.

Sa parlor, nag-aalala na ang dalawang nanay ni Sarah.

"Naku Junjun, baka naglayas na si bagets sa sobrang sama ng loob sa atin. Kanina pa tapos ang klase nila di ba?" pag-aalala ni Nanay Robert.

"Don't worry, nacheck ko na ang kwartology ng lola mo. Walang labis, walang kulang. Walang nag-alsa balutan. Nandoon lahat ng damit at mga bag." paninigurado ni Nanay Junjun.

"Eh bakit nga wala pa ang lola mo oh, look at sunshine, nagsa-sunset na ito, malapit nang mag hello ang stars wala pa rin siya!" hindi mapakali si Nanay Robert

May tumigil na tricycle sa harap ng parlor.

"Ayan na si bagets!" sabi ni Nanay Junjun.

Nakita ng dalawa na kumakaway si Sarah sa kasabay sa tricycle at mabilis din naman itong pumasok sa parlor. 

Alam ng dalawa ng may tampo pa sa kanila ang anak kaya nanahimik ang dalawa.

"Hello, Philippines and hello, world!" bati ni Sarah.

Nabuhayan ng kalooban ang dalawa. Parang wala nang pagtatampo ang bata sa kanila. Mukhang maganda ang mood.

Nagkatinginan sina Nanay Robert at Nanay Junjun na tila nagsesenyasan na huwag na munang ipaalala ang personal nilang problema sa bata na tila nakalimot naman sa nangyari kahapon.

"Knows ko ang mga tinginan n'yong 'yan. Opo, ok na ako. Sana lang di ba iispluk n'yo sa akin kung nasaan ang mudra ko. Yun lang naman ang hinihiling ko. Dedma na sa ibang kembot. Hindi naman nabawasan ang love ko sa inyo." pahayag ni Sarah na halatang napakalaki ng pagmamahal sa dalawa.

"Ang totoo n'yan, wala naman talaga kaming balita tungkol sa mudra mo." sabi ni Nanay Robert na halatang nahihiya sa ginawang pagsisinungaling sa anak.

"Ok po. Naniniwala naman ako inyo." sagot ni Sarah.

Parang mabilis na mabilis na bumalik sa dati ang lahat palibhasa'y likas na masiyahin ang pamilya ni Sarah. 

Kinagabihan, tumawag si Cedric kay Sarah. 

"Hello, koyah?" sagot ni Sarah.

"Hahaha! Mabuti naman at hindi "hello teh" ang sagot mo." pabirong tugon ni Cedric.

"Baliwag! O bakit ka napatawag?" sagot ni Sarah na unti-unti nang nagpipigil ng kilig.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Kumain ka na ba ng dinner?" tanong ni Cedric.

"Oo. Nga pala, ayos na kami nina Nanay Robert at Nanay Junjun. Nakapag-usap na rin kami."  tugon ni Sarah.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon