Isang hapon, nakaupo si Sarah sa isang bench sa school nila habang nagbabasa.
"Huuuuuuuuuuuuy!" isang malaking boses ang gumulat kay Sarah!
"Ayyy! Anak ng baklang talakitok! Syeeeet! Ginulat mo ako Bryan!" sigaw ni Sarah sa ka-team ni Cedric.
Halos sumakit ang tiyan ni Bryan kakatawa sa gulat na gulat na si Sarah.
"Oh anong ginagawa mo rito tapos na ang klase ah?" tanong na tumatawa pa ring si Bryan.
Pokerface si Sarah. "Ginulat mo ako nakakaloka ka! Malalaglag ang puso ko!!!!" halatang nagpipigil ng inis si Sarah na ayaw na ayaw pa namang ginugulat s'ya.
"Eh di pag nalaglag ang puso mo, sasaluhin ko naman ah." pabirong sagot ni Bryan habang pinupulot ang aklat na naitapon ni Sarah sa sobrang gulat.
"Tseh! Wala akong time makipag echusan sa yik!" tampu-tampuhan si Sarah.
"Eh ano ba kasi ang ginagawa mo rito sa school? Kami na lang mga players ang natitira kasi may training pa kami. Hindi ka naman nagbabasketball o volleyball. Wag mong sabihing hinihintay mo ako." tila pagyayabang ni Bryan.
Bumubulong si Sarah sa sarili, "Aba ang palakang gubat na 'to, ginawa pa akong malandi?"
Tumayo si Sarah at humarap kay Bryan habang nakapormang mananampal.
"Ooooops! Wag kang mananampal! Nagbibiro lang ako! Grabe ka naman." pag-aamo ni Bryan.
Gumagapang na sa buong katawan ni Sarah ang inis.
Pakiramdam ni Sarah ay nag-iinit ang mga tenga n'ya.
Huminga si Sarah nang malalim.
"Eh kasi po, hinihintay ko yung mga nanay nanayan ko, susunduin daw kasi nila ako kasi namili sila ng gamit ng parlor namin sa may palengke malapit dito sa school." sagot ni Sarah na halatang kinakalma ang sarili.
"Muuuuntiiiiiiing Prinsesaaaaaaaaaa!" isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw mula sa gate ng school nina Sarah.
"Oh ayan na ang mga nanay nanayan ko." sabi ni Sarah sa kausap habang mabilis na binibitbit ang bag para umalis.
Bago pa man makaalis si Sarah sa kinatatayuan nila ni Bryan ay may narinig s'yang isa pang tumatawag sa kanya. "Saraaaaaah!"
Si Cedric.
"Oh Cedric, akala ko ba hindi ka magtetraining? Bali pa rin yang braso mo ah." bati ni Sarah sa kaibigan.
Napansin ni Cedric na magkasama sina Sarah at Bryan.
"Uy Sarah, parang kilala ko tong ka-date mo ha!" biro ni Cedric.
"Baliw! Ginulat lang ako n'yan! Nananahimik akiz ditey eh! Ayoko pa namang nagugulat at nawawala ang poise and bearing ko!!! Oh uuwi ka na ba?" sagot ni Sarah sa kaibigan.
"Oo. Pauwi na ko. Sabay na tayo. Nanood lang ako ng training nila kaya ako nagpaiwan dito. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kasi wala naman tayong homework.
"Sige tol, babalik na ko muna sa training, hinahanap na ba ako ni coach?" tanong ni Bryan kay Cedric.
"Hindi naman, Bryan, pero bago ka hanapin nun, mabuti pang bumalik ka na muna. Ako na ang bahala dito sa ka-date mo." biro ni Cedric.
Hinampas ni Sarah si Cedric sa balikat ng librong hawak nito at tila nakalimutan na may bali ang binata.
"Hoy! Hindi ko nga s'ya ka-date! Bakit ba pinapainit n'yo ang ulo ko!?! Sabay pa kayong dalawang nang-iimbyerna sa akin ha!" sigaw ni Sarah.
"Joke lang naman! Ito naman hindi na mabiro. Alam ko naman. Pero hoy, Sarah, mag-iingat kay Bryan ha! Naku kilala ko yan. Chickboy yan!" paalala ni Cedric habang hindi maipinta ang mukha sa sakit ng bali na halos tamaan ng hampas ni Sarah.
"Muuuunting prinsesa are you there?! Nandito na ang mga fairy godmothers mo!!!" sigaw ulit ng tinig galing sa gate ng school.
"Opo.... wait lang po! Palabas na ko!!! Nagmamadali naman tong mga to! Taeng tae?!?!?!!" pasigaw na sagot ni Sarah para marinig s'ya ng kanyang mga nanay.
"Ay magkasabay talaga kayo?" tanong ni Nanay Robert na tila may pagdududa kung bakit magkasama ang dalawa.
"Naku hindi Nay ha! Nagkataon lang na nanood lang s'ya ng training ng team nila kasi nga bali pa ang lolo mo.
"Ahhhh.... mabuti naman kung ganun. Tara na umuwi. Namalengke na rin kami ng pangdinner." pagyayaya ni Nanay Junjun.
"Tulungan ko na po kayo!" nag-alok ng tulong si Cedric sa pagbubuhat ng mga pinamili ng dalawang beki.
"Ay naku Cedric, mariah keri lang kami. Sa laki naming ito, keri na namin ito. Baka kung mapano pa ang bali mo." pagtanggi ni Nanay Robert.
Naunang bumaba sina Sarah sa tricycle dahil nasa bungad lang ng subdivision ang bahay nila na katabi rin ng parlor. Sina Cedric naman ay nasa looban.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!