#BeforeDinner

2.9K 112 12
                                    

Samantala, tapos nang maghanda si Sarah ng mga lulutuin para sa dinner. Excited si Sarah na simulan ang pagluluto kasama ang mga nanay niya. Mas excited s'ya dahil dadalaw si Bryan para sumabay sa dinner

Pakiramdam ni Sarah, wala namang masamang magpaligaw at makilala nang lubusan ang lalaking kung sakali ay magiging parte ng buhay niya bilang future boyfriend.

"Ok na lahat ng kemerut! Pwede na namin itong lutuin." bulong ni Sarah habang pumapapalakpak sa sobrang excitement

Susunduin na ni Sarah ang dalawa niyang nanay sa parlor para makapagsara na sila at masimulan na nilang lutuin ang mga dapat lutuin.

Kinuha muna ni Sarah ang cellphone n'ya at tinext si Bryan, "Hi Bryan! What time ka pupunta rito? Magluluto na kami ng dinner unya unya lang. Susunduin ko lang ang mga mudra ko sa parlor." 

Walang reply si Bryan hanggang makarating si Sarah sa parlor.  

Busy si Bryan kay Chonna. Si Chonna ang appetizer at ang dinner mamaya ang main course. Yan ang eksenang hindi alam ng kawawang si Sarah. 

"Hello there, mga mudra! Ready na ang lahat! Magluto na tayiz!" bati nito sa mga nanay n'yang naabutan n'yang busy sa pagchichikahan sa counter dahil wala nang customer na dumating pagkatapos magpagupit ni Cedric.

"Oh ayan na ang bagets! Ok, tulungan mo kaming magclosing remarks ng parlorette nang makapagluto na tayiz!" bati ni Nanay Robert kay Sarah.

Napansin ni Sarah ang magulong parlor. Nakakalat ang mga magazine, marami pang buhok sa sahig at magulo ang mga upuan.

Nagbiro ito na parang boss at ang mga nanay ang empleyado, "Ay! Ano ba yan? Kayong dalawa, inuuna n'yong magchismisan bago kayo maglinis! Hindi ko kayo pinasusweldo para mag tiktakan lang maghapon!" 

Sinimulan ni Sarah ang pag-aayos ng mga magazine. 

Sa cover ng isang magazine, nakita nito ang mga sikat na lalaking artista kaya napasabi ito, "Naku maging boyfriend ko lang itong mga ito, talagang maiinggit yung dalawa d'yan." Tila pabirong pinariringgan ni Sarah ang dalawang nanay niya na busy pa rin sa pagchichikahan at tila seryoso ang usapan.

Patuloy si Sarah sa pag-aayos at pagpaparinig sa dalawang nanay. Natigil lang ang chikahan ng dalawang nanay niya nang sumilip si Sarah sa salamin ng parlor na kita ang mga dumadaan

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon