#TheGap

3.1K 151 22
                                    

Nagising si Cedric na mabigat na mabigat ang pakiramdam. Parang may nakapatong na isang sakong bigas sa buong katawan n'ya. Pakiramdam n'ya ay hindi s'ya makakakilos.

Mag-aalas sais na. Kailangang bago mag alas siyete ay nasa school na s'ya. 

Nag-ipon ng lakas si Cedric para bumangon. 

"Ito namang si Ate Juanita, hindi ako ginigising." nagmamaktol si Cedric sa sarili.

Ilang sandali pa ay nakabangon din si Cedric. Kinuya niya ang towel na nakasabit sa likod ng kanyang pinto. 

Lumabas s'ya sa kwarto at nagtaka. Tahimik ang buong bahay. Walang maingay na music sa gym. Walang pagkain sa hapag kainan. Walang mga tao maliban sa kuya Nico n'ya na tulog na tulog na nakasalampak sa sala. 

"Lasing na naman ang isang to. Gumimik siguro." sa isip ni Cedric.

"Gumimik????? Ha???? Sabado ba ngayon?" parang timang si Cedric, kausap ang sarili. 

Bahagyang narelax ang isip ni Cedric nang tumingin s'ya sa kalendaryo. Oo nga pala. Sabado ngayon. 

Ayaw na n'yang bumalik sa pagtulog. Dumiretso s'ya sa gym nila sa bahay at nagsimulang magbuhat buhat

Maya maya pa ay isa-isa nang nagdatingan ang mga kapatid ni Cedric. 

"Si Kuya Nico, mukhang hindi na naman makakapagworkout. Lasing na naman." bati n'ya sa tatlo n'yang kuya na nagsisimula nang mag warm up para magbatak na ng katawan.

"Oo nga eh. OK na yan kesa malulong s'ya sa bisyo. Isang linggo rin naman s'yang pagod sa ad agency. Ok lang namang magliwaliw pag Friday night.." sagot ni Kuya Paulo.

"Boys, anong gusto n'yong breakfast? Magluluto muna ako bago ako umalis." tanong ni Ate Juanita sa magkakapatid.

"Ate Juanita, saan ang lakad mo?" tanong ni Kuya JC.

"Sa grocery store lang. Umalis na naman ang Mama at Papa n'yo. Aasikasuhin daw yung pinatatayo nilang resthouse n'yo sa Mindoro." sagot ni Ate Juanita.

"Grabe naman sina Mama at Papa, hindi man lang tayo isinama." tila may pagtatampong pahayag ni Kuya Carl

"Hindi na kayo isinama kasi baka abutin daw sila doon hanggang Lunes." sagot ni Ate Juanita. 

Samantala, sa bahay nina Sarah ay busy ang mag-iina sa paghahanda para sa kanilang Zumba Saturday Session.

Pag-play ng tugtog, tila mga palakang naulanan sina Sarah at ang dalawa n'yang nanay sa pagsayaw at pagtatawanan. Masaya ang araw na iyon.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon