#HeartHeartHeart

3.1K 97 22
                                    

Pagkagising ni Sarah, agad n'yang tinawagan si Bruno para magpasama sa ospital.

Pagdating ng dalawa sa ospital, naroon si Ate Juanita kasama ang apat na kuya ni Cedric.

Nang makita ni Bruno ang mga kapatid ni Cedric, halos mahimatay ito. 

Bumulong si Bruno kay Sarah, "Nasa langit na ba ako?"

Sinagot naman s'ya ni Sarah ng isang mapinong  kurot.

Nagtanong si Sarah kay Ate Juanita, "Ate Juanita, kumusta na po s'ya?" 

"Ok na raw sabi ng mga doktor. Salamat sa Diyos at wala namang seryosong injury sa ulo ang alaga ko, yung binti lang n'ya may fracture pero hindi naman daw malala. Magpapahinga muna s'ya sa pagbabasketbal siguro." balita ni Ate Juanita kay Sarah.

"Haaay salamat naman." sagot ni Sarah na parang nabunutan ng tinik.

Nagtanong si Kuya Nico kay Sarah, "Ikaw ba yung pinopormahan ng utol namin?" 

Sumagot naman si Bruno kahit hindi s'ya ang tinatanong, "Ayyy hindi po, ako po."

Walang reaksyon ang mga kapatid ni Cedric.

Nagpigil ng tawa si Sarah sa kaibigan na alam n'yang nasupalpal ng mga kuya ni Cedric. 

Nagtanong si Sarah, "Kumusta na po pala Ate Juanita 'yung..."

Hindi pa natatapos ng tanong si Sarah ay tila alam na ni Ate Juanita ang itatanong nito.

"Inaayos na ng mama at papa ni Cedric. Nakausap na nila ang parents nung Bryan. Hindi na sila magsasampa ng kaso pero kinausap na nila ang school admin ninyo para bigyan ng karampatang parusa ang Bryan na 'yon. Baka masipa s'ya sa school n'yo." 

"Kasalanan naman po talaga n'ya eh." pagsang-ayon naman ni Sarah na noon ay nakatingin sa natutulog na si Cedric.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga kuya ni Cedric. 

Naiwan naman sina Sarah at Bruno na kasama ni Ate Juanita.

"Sarah, magkakape lang ako ha. Pwede ko bang iwan muna kayo ni Bruno rito? May gusto ba kayong ipabili?" paalam ni Ate Juanita.

Sumagot naman si Bruno, "Samahan na lang kita Ate Juanita, magpapaload lang ako sa labas. Dito ka muna, teh ah." paalam nito kay Sarah.

Pagkaalis ng dalawa at naupo na si Sarah sa upuan na malapit sa hinihigaang kaman ni Cedric.

Nakatitig si Sarah sa dextrose.

Tahimik ang paligid at tanging ang mga tunog ng ospital ang naririnig n'ya.

Nakatitig si Sarah kay Cedric.

Nagsimulang magsalita si Sarah.

"Mukha ka palang anghel pag natutulog. Ang ganda ng lips mo. Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Alam mo namang may saltik 'yung Byan na 'yun. Ayan tuloy, sayang naman ang kapogian mo. Puro galos ka. Kailangang makalakad ka agad nang maayos, para makapag-date na tayo at masagot na rin kita. Charot!" pagbibiro ni Sarah sa noon ay nahihimbing na si Cedric.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon