"Akala ko kasi, kaya kong itago ang lahat. Akala ko kasi ay kakayanin kong hindi ilabas ang dapat ilabas. Pero wala akong magawa, mahal na mahal ko s'ya at sasabihin ko na sa kanya na bakla ako at nagugustuhan ko s'ya."
Boses 'yun ng isang caller sa programang panggabi sa radyo na hindi sinasadyang marinig ni Cedric nang buksan n'ya ang radyo para magpatugtog habang muling nagpapantok.
Nakahiga si Cedric sa kama. Bagama't pagod na ang kanyang katawan ay tumatakbo pa rin ang isip n'ya.
Hinawakan n'ya ang cellphone n'ya.
Mag-a-update s'ya ng Facebook status n'ya.
Nagsimula s'yang magtype.
STATUS: "Just got home from a very tiring JS Prom pero sulit ang makitang successful ang prom at masaya lahat. ---- Feeling tired."
POST update! STATUS updated!
Sandaling ibinaba ni Cedric ang phone n'ya nang tumunog ito.
Facebook alert.
"Sarah Bells Pascual commented on your status."
Click!
SARAH BELLS PASCUAL: "Uy! Cedric, nasan ka kanina at hindi kita masyadong nakita sa prom? Si Bruno lang ang pakalat kalat? Sa entrance lang kita nakita, nagboblow ng balloons."
CEDRIC RAMOS: "Nasa backstage ko at sounds. Nagka aberya pa sa lighting kaya inasikaso ko rin."
SARAH BELLS PASCUAL: "Ahhhh kaya pala. Congrats, ha! Successful! Alam ko isa ka sa mga organizers, nabanggit ni @BRUNO_MARSE
BRUNO MARSE: "Ayyyy! Cedric! Congrats! Ang galing natin!"
Ayan na si Bruno, nakisabat na naman sa usapan.
SARAH BELLS PASCUAL: "Ayyy ayan na nga ang epal. Dapat hindi ko na tinag. LOL"
BRUNO MARSE: "Grabe ka bestfriend! Okray pa rin hanggang sa FB?!?!"
CEDRIC RAMOS: "SALAMAT ! :) "
SARAH BELLS PASCUAL: "Hahahah tipid ng reply ng lolo mo! Pagoda coldwave lotion talaga."
NATAPOS ang commentan ng tatlo.
Tumunog ulit ang phone ni Cedric.
Sa inbox, may PM.
SARAH BELLS PASCUAL: "Good night, Cedric."
CEDRIC RAMOS: " :) "
SARAH BELLS PASCUAL: "Smile lang talaga? Grabe to!"
CEDRIC RAMOS: "Good night din."
SARAH BELLS PASCUAL: "Ayyy sige na nga. Mukhang pagod ka nga..."
Nagpost din ng status si Sarah.
SARAH BELLS PASCUAL: "Matutulog na. Ansaya ng prom! Bonggels! Hihihih!--- Feeling HAPPY."
POST update! STATUS updated!
Tumunog ang phone ni Sarah.
"Cedric Ramos LIKED your status."
Napabulong si Sarah, "Hindi man lang nagcomment ah."
Tumunog ulit ang phone ni Sarah.
"BRUNO MARSE commented on your status."
BRUNO MARSE: "Quotang quota ka kay Bryan kanina, teh!"
Hindi na nagreply si Sarah. Ayaw n'yang mabasa ni Bryan ang reaksyon n'ya.
Tumunog na naman ang phone ni Sarah.
"Cedric Ramos LIKED Bruno Marse's comment on your status!"
Napabulong ulit si Sarah. "BEST in LIKES itong si Cedric!"
Isinaksak na ni Sarah ang phone n'ya sa charger at ipinatong sa tabi ng lamp shade para makatulog na s'ya.
Habang nagpapaantok, naalala n'ya ang mga moments nila ni Bryan sa prom. Hindi n'ya napapansin na kinikilig na pala s'ya. Natulog na nakangiti si Sarah.
Si Cedric naman, hinawakan ulit ang phone n'ya, nagtype ng status...
"Pag may gusto ka sa isang tao at hindi mo masabi, at makita mong may kasama s'yang iba, ibang klaseng sakit ang mararamdamam mo. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ko silang nagtatawanan at masaya. --- FEELING HURT.. "
Nagbago ang isip ni Cedric. Erase! Erase! Erase! Delete! Delete! Delete!
Kung sino ang gusto ni Cedric.
HINDI pa rin tayo sure d'yan.
Napabuntong hininga si Cedric.
Pumikit si Cedric hanggang sa nakatulog ito.
Sa sobrang pagod siguro ni Cedric ay nanaginip ito.
Naglalakad daw s'ya sa isang hardin na puno ng bulaklak. Nakakita s'ya ng isang babae at isang lalaki. Nakatingin s'ya habang naghahabulan ang dalawa. Sa hindi n'ya maipaliwanag na dahilan ay habol din s'ya nang habol sa dalawa. Hanggang sa napagod s'ya at napaiyak na lang. Iyak s'ya nang iyak dahil hindi n'ya maabutan ang dalawa. Hanggang may isang kamay na nagpahid ng luha n'ya...
Biglang nagising si Cedric mula sa kanyang panaginip. Umalingasngas kasi ang radyo tanda ng tapos na ang mga programa sa araw na iyon.
Pinatay ni Cedric ang radyo at muling bumalik sa kanyang kama para bumalik sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!
