#SiBestfriendBRUNO

4.2K 97 11
                                    

Maraming mga school days pa ang lumipas.

Palaging top 1 pa rin si Cedric at palagi rin namang consistent si Sarah sa ranking of students at talagang hindi naman n'ya maungusan ang kaklaseng sa tingin n'ya ay papunta na sa pagiging henyo ang talino.

Alam ni Sarah na bahagya n'yang nagugustuhan si Cedric pero dahil na rin sa hindi naman s'ya napapansin ng binata ay parang balewala na lang ito sa kanya. Ang feelings ni Sarah ay para lang alikabok sa kumot na kapag ipinagpag mo ay mawawala rin naman agad.

Nagkaroon na rin ng maraming kaibigan si Sarah bukod kay Cedric. 

Nakatagpo si Sarah ng bestfriend sa katauhan ng kanilang kaklaseng PAMINTA na si Bruno. Oo, paminta si Bruno. Isang beki na ayaw magpahalatang beki. Astig kumilos, astig manamit, pogi rin naman pero may kulot ang pagsasalita. Out ang pagiging bading n'ya sa school. Alam ng lahat na beki s'ya. Hindi lang makapaglalad nang bonggang bongga si Bruno dahil takot ito sa pamilya n'ya. lalo na sa tatay n'yang palagi siyang sinasaktan pag nakikita s'yang palambot-lambot. Masaya na s'yang bakla sa labas ng bahay.

Samantala, si Cedric naman ay abala pa rin sa pag-aaral at sa paglalaro ng basketball. Nagkikita na lang sila ni Sarah sa klase na parang normal lang na classmates. Paminsan minsang nagkakasabay sa tricycle at nagkakasama sa school programs at activities. Hanggang doon lang...

Sinusubukan ni Sarah na wag na lang humanga kay Cedric dahil sa tingin n'ya ay hindi rin naman priority ng binata ang magkaroon ng girlfriend.

Naging busy na rin naman si Sarah sa activities ng kanilang theater organization sa school at natutunan na rin n'yang ibalanse ang extra curricular activities at ang kanyang academic performance

Paparating na ang Junior-Senior prom. Lahat ay abala sa paghahanda at may mangilan-ngilan nang naghahanap ng kanilang magiging prom date..

Isang hapon, pagkatapos ng klase, nagkayayaan ang magkaibigang sina Bruno at Sarah na mag fishball muna sa tapat ng school nila bago sila umuwi.

"Oy, teh, anlaki ng problema ko." malungkot na sabi ni Bruno na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Ayyy ano na naman yan? Nadiscovery channel na ba ng pudra mo na isa kang halamang dagat? na isa kang gelatin? na isa kang dalaginding? beauty queen wanna be? ha??? ano?" pang-aasar ni Sarah sa bestfriend n'yang mahaba pa ang nguso sa haba ng pila ng MRT.

"Gaga! Hindi! Namomroblema pa rin kasi ako kung sino ang date ko sa prom... Alangan namang sabihin ko sa ultimate crush kong si Richard na siya na lang ang date ko eh may girlfriend nga 'yun sa kabilang section." pag-amin ni Bruno kay Sarah.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon