"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.... Amen...."... papasok pa lang sa
classroom si Mrs. M ay nagsisimula na itong magdasal. Tanda na gigil na gigil na namang magklase ang matandang byudang teacher.
"Biyernes ngayon... As usual, bilang class adviser ninyo, ako rin ang nakaassign sa ating homeroom development, kailangang may gawin tayo..." bungad nito na tila nagpapahiwatig na may weekly exam.
Natahimik ang lahat. Kahit sina Sarah at Cedric ay hindi makakibo. Nag-aabang nang humingi ng papel si Sarah kay Cedric nang magpatuloy ang guro sa sasabihin.
"Maganda ang araw ko ngayon. Nanalo ang clan namin sa Clash Of Clans. Dahil dito, hindi ako magbibigay ng weekly exam." nakangiting sabi ni Mrs. M. At kasunod ng announcement na ito ang tila pagbubunyi ng mga mag-aaral sa buong silid.
"Instead, bibigyan ko kayo ng class project. You will be working in pairs and I want you to find your partner." biglang humupa ang kasiyahan at halatang ayaw ng mga bata ng karagdagang gawain kapag weekend. Napakamot sa ulo ang karamihan.
Samantala, nagkatinginan ang seatmates na sina Sarah at Cedric at sabay na nagsabi na tila wala talaga silang ibang options kundi ang magpareha. "OK. Partners tayo." sabay na sabi ng dalawa sa isa't isa.
Nagpatuloy si Mrs. M sa instructions. "Madali lang ang gagawin ninyo. Bawat isa sa inyo ay idedescribe ang pamilya ng kapartner n'yo. Iisa isahin n'yo ang mga katangian ng pamilya nila at ang iba't iba pang pwede ninyong malaman. This will help you discover and understand your partners and classmates. Kung saan sila nanggagaling, bakit ganito ang ugali nila at iba pa... Nakuha n'yo ba ang point ko?"
Bumulong bulong na naman sa sarili si Sarah, "Harujuskuuuuu!!! Masasight ko na ang mga kuyabells ng lolo mo. Balita ko mga pogi...." At sinundan n'ya ito ng isang tanong sa guro. "Ahhhhh Mrs. M, kailangan po ba puntahan namin ang bahay ng kapartner?"
"Hmmmmm.... Depende sa diskarte ninyo." Sagot ng guro.
Lumipas ang buong araw. Oras na ng uwian. Nagmamadali na naman si Cedric. Nakabihis na ito ng pambasketball nang harangin ito ni Sarah sa pintuan ng locker room ng mga lalaki.
"Hoooy! Uunahin mo pang maglaro eh hindi pa natin napag-uusapan kung paano natin gagawin ang project natin. Kaloka ka!" taray tarayang talak ng nakapamewang na si Sarah.
"Ito naman, madali lang yun! Nagkwentuhan na tayo ng buhay natin ah! Ok na yun!" sagot ng nagmamadaling si Cedric.
"Ayyyy teka lang naman koyah!!!!! Ang lagay eh hula hula na lang yung ibang detalye?!? Mag- mamadamme auring ako ng peg? Ganern!?!?" sagot ni Sarah na halatang eager kilalanin ang binata.
"Ganito na lang. Bukas ng 9am sharp, magkita na lang tayo sa may clubhouse ng subdivision natin. Bukas na natin pag-usapan. Male-late na ako sa game namin eh..." sagot ni Cedric.
Makikita ni Sarah na tinatawag na si Cedric ng mga kalaro sa basketball kaya pakakawalan n'ya ito.
Nang hapon ding iyon ay napasarap sa laro ng basketball si Cedric. Hindi sinasadyang naaksidente ito at nagkaroon ng injury sa kaliwang braso.
Isinugod si Cedric sa ospital at nilagyan ng cast ang kaliwang braso dahil sa bahagyang dislocated na buto.
Kinabukasan, nasa clubhouse na ang excited na si Sarah. 8:30 am pa lang ay nandoon na s'ya at nakaupo sa playground. Ayaw ma-late ng dalaga sa itinakdang usapan nila ng bagong kaibigan.
Inabot na halos ng tanghalian sa kahihintay si Sarah pero walang Cedric na dumating.
"Impaktong yun!!!!! Nag set ng appointment tapos waleeeey? Drawing!!!! Isa s'yang malaking drawing!!!! Ako namang si shunga, hindi ko man lang kinuha ang number n'ya para natext ko man lang! Grrrrrrr" halos umusok ang tenga ni Sarah.
Palabas na si Sarah sa gate ng clubhouse nang makasalubong n'ya ang mga ka-team ni Cedric. Namukhaan niya ang mga 'yon.
"Huy, kuya! Di ba ka-team kayo ni Cedric sa basketball? Alam n'yo ba kung anyareh na sa lolo n'yo? Aba nag set ng appointment eh namuti na ang eyeballs ko walang pag-appear man lang!?!?!" galit na galit na tanong ni Sarah.
Sumagot ang isa, "Ahhhh girlfriend ka ba ni Cedric?"
"Hala siya!!!!!! Virgin pa ko noh!!!!!!" sagot naman ni Sarah. Nagtawanan ang mga lalaki sa sagot ni Sarah.
"Miss, ang tanong ko eh kung girlfriend ka ni Cedric." paglilinaw ng sumagot na lalaki.
"Yun na rin yun. Nabingi na ko sa gutom! Syempre pag jowa dun na rin papunta yun!" pagtatanggol ni Sarah sa sarili.
Bumulong ang isa sa mga ka-team ni Cedric. "Nakakatuwa s'ya pare. Sa ganda n'yang yan, ibang klase ang bunganga hahahahaha parang yung baklang may crush sa yo sa kanto!"
"Hoy! Narinig ko yun! Anong akala n'yo sa akin shungaers? Ano to? Teleserye? Magbubulungan kayo nang malakas sa harap ko tapos ako yung bida at maririnig ko naman at magrereact dapat ako!?!?!" Lalong sumagad sa init ang ulo ni Sarah.
"Nakakatuwa ka nga miss eh. Hindi ka naman namin binabastos. Ngayon lang kasi kami naka encounter ng tulad mo. Wala kasi masyadong katulad mo rito sa amin. Bago ka lang siguro rito noh?" depensa ng isa.
"Oo. Bago lang ako. Kaya nasaan na si Cedric? Pinaghintay ako ng froglette na yun nang halos apat na oras sa wala! May gagawin kaming class project kasi. At hindi n'ya ako jowa. WA-LA AAAAA-KONG JOOOOO-WA!" pagbibigay diin ni Sarah.
Humarap si Bryan, isang gwapong ka-team ni Cedric. Sinubukan n'yang kalmahin ang halos magwala nang si Sarah. "Miss, kalma kalma pag may time. We're friends. Hehehehe. Naaksidente kasi sa game kahapon si Cedric. Kaya nga kami nandito kasi dumalaw kami sa kanya."
Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig si Sarah sa sinabi ni Bryan. "Ohhhhhh Emmmmmmm! Kayo naman hindi agad nagsabi hehehe... Naku pasensya na kayo ha mainit na kasi ang julo ko natotommy na talaga akiz at akala ko inindian mango na ko ni Cedric."
"Ok lang yan. Bryan nga pala." pagpapakilala ni Bryan. Nagpakilala na rin ang iba kay Sarah. Halatang tipo ni Bryan si Sarah. Malagkit ang titig ni Bryan kay Sarah. "Ahhhhh ano pala yung natotommy? Sorry hindi naman alam yung mga ganung salita eh." tanong ni Bryan.
"Nagugutom na ako. Ang aga aga muhlach ko ditey tapos wala pala si Cedric kasi naaksidente. Saan ba ang bahay nila?" tanong ni Sarah na noon ay nakalma na ang kalooban.
"Ayan oh, sa dulo. Yung malaking bahay. Mag doorbell ka lang. Puntahan mo na lang." pagtuturo ni Bryan na nakatitig pa rin kay Sarah habang ang dalaga ay dali daling umaalis papunta kina Cedric.
Nagmamadaling lumakad si Sarah papunta kina Cedric. Naglilip gloss s'ya habang nagdodoorbell.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!
