#BigCHIKA

5.5K 147 8
                                    

Lunch break sa buong campus.

Napakaingay ng canteen dahil sa chikahan ng mga estudyante, mga yaya at mga magulang na naroroon.

Nakaupo si Sarah sa isang sulok habang kumakain ng paborito niyang adobong niluto ng mga nanay n'ya.

Sa di kalayuan ay nakita n'yang naglalakad si Cedric pero bago pa n'ya ito matawag ay nakaupo na ito sa ibang table.

Narinig n'ya ang mga beki sa katabing table na nagbubulungan.

"Sight mo ang lolo mo? Gwash di vah??? Angkyorap kyorap di vah??? Lalo na ang mga kuyabells n'yan puro borta at talagang makalaglag hello kitty panty!!!" sabi ng isang beki.

"Lasoooon! Lason yang si Cedric!!! Paminta yan! Hindi n'yo ba naaamoy? Mas mahihinhin pa sa atin." pagsusulsol ng isa pa.

"Ayyy sa true ba ang chika na yanchi mga ateng?!?!? Naloloka akong malala! Bet na bet ko pa naman yan!" panghihinayang ng pangatlong beki.

"Oohhhhhh Myyyyyy Gooosh abelgas!!!! Eh naglalaro yan ng basketball di ba? May beki bang nagbabasketball?!?!" pagdududa ng pang-apat na chikading.

"Oo naman! May mga boksingero ngang halamang dagat, basketbolista pa kaya?" sagot ng panlima.

Hindi kinaya ni Sarah ang narinig n'ya. Kinuha n'ya ang phone n'ya at kunwari'y may kausap.

"Naku trulili mamang! Nahearsung ko ditey sa iskulembang. Bekimonchina pala iteklaboong si Cedrichina. Ayy hindi kinakaya ng matris ko dai!!!! Oo! Ispluk ng mga chikading. Mga Chikadorang Bading!!!!!!!" pagpaparinig ni Sarah.

Sabay sabay napalingon kay Sarah ang limang beki na naloka at mas bakla pa sa kanila magsalita ang magandang babaeng bagong lipat sa school nila.

Malakas ang loob ni Sarah na makipaglaban ng taaasan ng kilay at tila may olympics ng pag-iirapan...

Pagkatapos ng lunch ay bumalik na sila sa classroom at dali daling tumabi si Sarah kay Cedric.

"Naku Cedric!!! May narinig akong chika tungkol sa 'yo kanina sa canteen!" bungad ni Sarah sa gulat na gulat na si Cedric.

"Ha?!?! Ano naman yun!!?!?!" tanong ng binatang nakakunot ang noo sa pagkakabigla.

Nagdalawang isip si Sarah.... "Aaaahhh ehhhhh hmmmm... Magaling ka raw magbasketball!!!!! Totoo ba?!?!" yun lang ang nasabi ni Sarah.

"Akala ko naman kung ano na. Oo, nagbabasketball ako pero hindi naman ako masyadong magaling." mukhang nabunutan ng tinik si Cedric.

"Yun lang naman ang nasagap ng radar ko hehehehe. Ayan na si Mrs. M." pag-iwas ni Sarah sa mas hahaba pa sanang usapan.

Kinahapunan, nakita na naman ni Sarah na nagmamadali si Cedric magbihis ng pambasketball sa locker room nila. Sinundan niya ito palabas hanggang makarating sa school gym kung saan naroon ang basketball court.

Lumuwa ang mga mata ni Sarah! Andadaming pogi sa mga kalaro ni Cedric. Nakita n'ya si Cedric na nakipag fist bump sa mga ito at nagsimula na silang maglaro.

Nakita ni Sarah ang husay ni Cedric sa pagbabasketball kaya kinalma n'ya ang sarili n'ya.

"Haaaay ang mga chismosa nga naman. Paanong magiging paminta itong si Cedric eh halimaw maglaro si koyah!!! Juice colored!!!" Sabay alis ni Sarah para umuwi na.

Pag-uwi n'ya, dumiretso s'ya sa parlor at parang may gagawing pananaliksik. Gusto n'yang malaman kung pwedeng maging beki ang isang lalaking gwapo at magaling magbasketball.

"Nanay Robert, may mga paminta bang magaling magbasketball?" tanong ni Sarah habang nag aayos ng mga gunting sa lalagyan.

Sumagot si Nanay Robert, "Aba oo naman!!!!! Mahirap amuyin ang mga yan! Kadalasan malalaki ang katawan, pa-yummy effect, banidoso, pero naku!!! Baklita pala!"

Sumabat si Nanay Junjun, "Kurikong na may takong! Mga mapanlinlang sila! Dati nga, may inaaurahan ako sa may boarding house noong nasa Mandaluyong pa tayo, kaya pala wit bet sa akin eh parehas kaming hotdog ang bet. Dyos ko day!!!!"

Halos matulala si Sarah sa narinig sa mga nanay nanayan. "Anyway, hindi ko naman s'ya bet noh?!?! Kaya dedma lang kung paminta s'ya!" bulong ni Sarah sa sarili.

"Teka lang, bakit super inquire ka tungkol sa paminta? Hoy bata ka wag mong atupagin ang pagchichika sa school ha! Mag-aral ka oi!" paalala ni Nanay Junjun.

"Hindi naman po. Nanood kasi ako ng basketball kanina sa school eh... Iniisip ko baka may mga paminta rin na players. Grabe kayo mag judge hindi naman kayo bubble gum!!!! Makagawa na nga lang ng homework!"

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon