#TheProm

3.3K 76 26
                                    

JS Prom.

Busy ang lahat. 

Si Bruno, palibhasa ay walang date, napilitan na lamang sumali sa productin staff para mag-asikaso ng program kasama nina Cedric.

Samantala sa parlor, busy rin ang lahat.

"Junjun, para wala nang pumasok na customer, baligtarin mo na yung paskil na karatula d'yan sa may pinto. Iharap mo sa labas yung sign na "CLOSED".

Agad namang sumunod si Nanay Junjun, pagkatapos nitong baligtarin ang paskil ay nagtanong ito, "Ito rin bang PUSH at PULL na nakalagay sa pinto, babaligtarin ko rin?"

"Oo, pati yung sarili mo baligtarin mo rin, yung utak mo ilagay mo sa pwet mo tutal hindi rin naman nagagamit!" pabirong sagot ni Nanay Robert habang inaayusan si Sarah. 

"Anak, dalaga ka na nga, magpa-prom ka na. Tingnan mo ang sarili mo, parang kelan lang ay naka panty ka lang na palakad lakad sa luma nating parlor. Naaalala mo ba noong mga 9 years old ka sumasayaw sayaw ka ba na nakahubo sa harap ng dating parlor natin sa Mandaluyong?" pagbabalik-tanaw ni Nanay Robert habang inaayos ang eye shadow ni Sarah. 

"Ayusin mo yan, Robert, ha! Dapat ang anak natin ang pinakamaganda. Dapat s'ya ang maging prom queen!" pagbibilin ni Nanay Junjun na punung-puno ng excitement

"Aba ay oo naman, day! Kaya ayusin mo na ang isusuot ni Sarah." utos ni Nanay Robert kay Nanay Junjun.

"Hoy, Sarah, wag na wag mong kakalimutang imention sa mga kaklase mo at mga friendship na kami ang gumawa ng prom dress mo ha. Dagdag kita rin kung may magpagawa sa ibang events na mga kakilala mo." paalala ni Nanay Junjun kay Sarah.

Ilang sandali pa ay nagsimula na nilang bihisan si Sarah.

Excited na nag-aabang ang dalawang nanay ni Sarah sa labas ng pinto. 

"Bongga! Bonggavilla!!! Mukha kang Prinsesa! PRINCESS SARAH! Pakak na pakak ang title di ba BECKY?" tanong ni Nanay Robert kay Nanay Junjun.

"Korek ka d'yan, MISS MINCHIN!" sagot ni Nanay Junjun.

Umikot si Sarah. Nagposing posing at nagselfie pa. 

"Habang nirereview ni Sarah ang mga selfie n'ya ay humirit pa ito, "Nay, kulang ata sa blush on!" tanong ni Sarah sa mga nanay niya.

"Sarah, si Princess Sarah ka, HINDI KA SI LOTTIE! Kaya hindi mo kailangan ng putok na putok na blush on. Less is more!" sagot ni Nanay Robert,

Si Nanay Junjun, nakatingin kina Sarah at Nanay Robert galing sa malayo. Tila pinagmamasdan ang dalawa...

Habang tumutulo ang luha ni Nanay Junjun ay may bahagya itong litanya, "Parang kelan lang... Parang kelan lang, naka panty ka lang na palakad lakad sa luma nating parlor sa Mandaluyong..."

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon