#TheFallOfBryan

2.8K 118 36
                                    

Kinabukasan, maagang pumasok si Cedric para makuha ang phone n'ya kay Sarah.

Nakaupo si Cedric sa isang bench sa school nang makita n'yang paparating si Sarah.

"Oh cellphone mo, dead batt na yan, hindi ko na chinarge kasi iba ang charger ng phone ko. Sa susunod, ingat ingatan mo na yan. Buti ako palagi ang nakakapagsauli n'yan." sabi ni Sarah kay Cedric habang iniaabot ang telepono nito.

"Naku salamat talaga, Sarah ha!" sagot ni Cedric na agad namang naramdamang wala sa mood ang kaibigan kaya nagtanong agad si Cedric, "Galit ka ba? Sorry sa nagawa ko kahapon kay Bruno ha. Alam ko bestfriends kayo. Hindi ko naman sinasadya. Alam mo namang masama ang pakiramdam ko kahapon, naghalo halo na... basta... nakausap ko na rin si Bruno kanina, nagsorry na ako sa kanya, sabihin ko raw sa yo, hinihintay ka n'ya sa tambayan n'yo bago kayo dumiretso sa classroom." 

"Hindi ako galit. May iba akong problema. Alam ko namang kasalanan din ni Bruno 'yung kahapong nangyari sa inyo." sagot ni Sarah na walang sabi-sabi'y nagmamadaling lumakad at tila ayaw makasabay sa paglalakad si Cedric. 

Pero bago pa magiwan ni Sarah sa paglalakad si Cedric, nakatanaw na sa kanilang dalawa mula sa malayo si Bryan. 

Agad sinundan ni Bryan si Sarah. 

"Sarah! Sarah! Galit ka ba? Ano ba kasing nagawa ko? Text ako nang text sa 'yo hindi ka naman nagrereply." tanong ni Bryan.

"Sira ang phone ko. Nagtatae!" matipid na sagot ni Sarah.

"Anong nagtatae? Akala ko ba sina Nanay Robert ang nagtatae? Pati telepono ngayon, nagtatae na rin?" tanong ni Bryan.

Dire-diretso sa paglalakad si Sarah. Hindi s'ya lumilingon sa noon ay humahabol na si Bryan.

"Galit ka nga, ayaw mong makipag-usap sa akin eh." sambit ni Bryan na tumigil na sa kakahabol kay Sarah.

Nag-isip isip si Bryan kung ano kaya ang nagawa n'ya kay Sarah na marahil ay ikinagalit nito.

"Si CEDRIC! Gagong 'yon ah!" sabi ni Bryan. 

Naalala ni Bryan na nakita ni Cedric na kasama niya si Chonna kahapon. Nakita pa ni Bryan na magkausap ngayong umaga sina Cedric at Sarah. Sigurado siyang sinisiraan s'ya ni Cedric kay Sarah.

"Humanda sa akin ang Cedric na 'yan!" pagbabanta ni Bryan sa hangin.

Mabilis na lumipas ang buong araw. Halos hindi nag-uusap ang seatmates na sina Cedric at Sarah. 

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon