#OhDiBa

5.3K 165 49
                                    

Nagpipigil pa rin ng tawa ang tatay ni Cedric.

"Robert! Kumusta?" sabi ng tatay ni Cedric.

"James? Ikaw nga! Ikaw pala ang tatay ni Cedric?!?! Nakakaloka ha! Akalain mong..." gulat na gulat pa ring bati ni Nanay Robert.

Clueless ang lahat.

Sumabat naman si Nanay Junjun, "Uy, James, ako kilala mo pa?"

Bumaling ang tingin ng tatay ni Cedric kay Nanay Junjun.

"June?!" bati ni Mr. Ramos.

"Hahaha! Ako nga, James! Small world!" bati ni Nanay Junjun.

Bumulong naman si Bruno sa sarili, "So ako lang ang out of place palagi?"

"Nay, paano po kayo magkakakilala?" tanong ni Sarah na nagulat din nang malamang kakilala nina Nanay Robert at Nanay Junjun ang tatay ni Cedric.

Agad namang sumagot si Nanay Robert, "Si James, naku naku! Noong bagong pulis pa lang kasi ito, nadestino s'ya sa may malapit sa amin tapos nagkasama kami sa boarding house sa may Kalentong sa Mandaluyong. Wala pa kaming parlor ni Junjun noon." 

Nagpatuloy naman sa kwento si Nanay Junjun, "Oo, namamasukan pa lang kami sa parlor noon nung baklang matandang masungit. Kaya nag-ipon talaga kami ni Robert para magkaroon ng sariling parlor. Tapos itong si James, crush dati ni Robert!"

"Magtigil ka d'yan, baklang pating! Nakakahiya sa misis n'ya oh!" bwelta naman ni Nanay Robert. 

Nagkwento rin ang tatay ni Cedric, "Natatandaan ko, palagi n'yo pa akong ipinaglalaba ng police uniform ko. Pag umuuwi ako sa boarding house, laba na lahat ng maruruming damit ko. Oo, tama, bagong pulis pa lang ako noon. Paano kayo napadpad dito sa Laguna?."

"Dito kasi kami nakakita ng bahay na mura lang, tapos yung katabing space, ginawa naming parlor namin. At least sarili na namin, yung parlor namin kasi sa Mandaluyong, nirerentahan lang namin ang space." kwento naman ni Nanay Robert.

Nagkatinginan sina Cedric at Sarah at sabay sabay silang nagtawanan.

Nagtanong naman ang nanay ni Cedric, "So sila ang magulang mo, Sarah?" 

Sumagot naman si Nanay Robert, "Naku mahabang kwentuhan ito."

Lumipas ang masayang gabi.

Bago umuwi sina Sarah, nag-usap muna sila ni Cedric.

"Mukhang magiging maayos ang lahat ah." bulong ni Cedric kay Sarah.

"Oo nga. Buti na lang. Tama talaga ang sabi nila..." dagdag ni Sarah.

"Sabi nila, kung gusto mong maging masaya, maghintay ka. Darating ang tamang panahon, ang tamang pagkakataon at tamang tao para tuparin ang mga ninanais ng puso mo. Napakabait ni Lord." pagpapatuloy ng dalaga.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon