Sa locker room.
Kasalukuyang nagbibihis ang mga players ng buong school nina Sarah.
Kung ipapasyal mo ang iyong paningin, makikitang busy ang lahat. Makikita mo rin ang mga kalalakihang makikisig at halatang batak na batak sa training ng kani-kanilang sports.
Nag-uusap sina Bryan at Cedric.
"Uy, ikaw talaga Bryan! Napahamak ako kay Sarah. Akala n'ya ibinigay ko ang number n'ya sa 'yo." bati ni Cedric kay Bryan na noon ay nagpapalit ng sando.
Napansin ni Cedric na gumaganda na ang katawan ni Bryan na dati naman ay hindi masyadong conscious sa katawan kaya binati rin n'ya ito. "Oh anlaki na pala ng katawan mo. Anong gamit mong supplements, pare? Ang ganda na ng chest mo bigla ha!" bati ni Cedric.
"Nagpaliwanag na 'ko kay Sarah. Ok na kami, tol! Akala mo naman kasi ikaw lang ang pwedeng gym buff sa team natin. Hindi naman pwedeng habambuhay akong payatot. Sayang naman ang mga chicks." sagot ni Bryan.
"Ah ganun ba, pare? Ok yan. Mabait naman yung si Sarah, minsan nga lang napapansin kong may pagkabugnutin. Pero mas madalas na masayahin naman s'ya. Seatmates kami nun eh." kwento ni Cedric.
"Eh bakit hindi mo pa niligawan. Maganda s'ya ah! Kaya nga niyaya kong date sa prom, baka pumayag. Ayun, pumayag naman!" patuloy na kwento ni Bryan habang nagsusuot na sila ng sapatos panlaro.
"Oh? Pumayag si Sarah?" gulat na tanong ni Cedric.
"Ehhh oo. Tinulungan ako ni Bruno. Si bakla, binola bola ko lang, ayun, sobrang mai-build up na ako sa bestfriend n'ya." patuloy ni Byan.
"Ah mabait talaga yung si Bruno." sagot ni Cedric habang kinukuha ang bola para magsimula na sila ng training.
Pagkatapos ng training ay sabay na umuwi sina Bryan at Cedric. Nagkukwentuhan sila sa daan habang naglalakad papunta sa gate ng school.
"Tol, bakit nga pala hindi ka pa nagkaka girlfriend?" tanong ni Bryan kay Cedric.
"Naku! Alam mo namang wala pa sa plano ko ang mag girlfriend. Target ko ring mag valedictorian sa graduation kaya binabalense ko muna ang pag-aaral at basketball. Mahirap nang madagdagan ang priorities." paliwanag ni Cedric sa team mate.
"Ah akala ko totoo yung bulung-bulungan na kabaro mo raw si Bruno." natatawang sagot ni Bryan.
Tumigil sandali si Cedric sa paglalakad.
"Ikaw, tol, kung hindi kita team mate at hindi kita kilala nang matagal, inupakan na kita! Anong akala mo sa akin? Bading?" sagot ni Cedric na bahagyang naasar sa kausap.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!