#TamangHinala

3.6K 85 2
                                    

Pagkatapos ng klase, dumiretso na si Sarah sa parlor para tumulong sa mga gawain doon. 

"Ayyy taray! Ang aga umuwi ng bagets oh!" bati ni Nanay Robert. 

Nagbeso si Sarah sa dalawang nanay at dumirecho na sa upuan sa may counter ng parlor. Inilalapag ni Sarah ang bag n'ya nang maramdaman n'yang nagba-vibrate ang cellphone n'ya.

Kinuha ni Sarah ang cellphone n'ya sa loob ng bag n'ya.

"Hmmmm sino na naman kaya ito?" tanong ni Sarah sa sarili. "Aba number lang! Wala sa phone book ko. Eto na naman siguro ang mga scammer na humahanash na nanalo ako ng kung anik anik sa raffle eh wala naman akong sinasalihang raffle." 

Binitiwan ni Sarah ang phone n'ya. Palagi na lang kasi s'yang nakakareceive ng mga text messages na sinasabing nanalo raw s'ya at ayaw n'yang masayang na naman ang ilang segundo ng buhay n'ya doon.

Hinawakan ni Sarah ang tambo at nagwalis walis ng mga nakakalat na buhok at kuko sa sahig

"Kumusta little girl?" tanong ni Nanay Junjun habang hinuhugasan ang buhok ng isang customer.

"Little girl pa nay?!?? Antagal ko nang nireregla, maya maya lola na ako eh  hahahah!" sagot ni Sarah.

"Anong gusto mong palabasin? Na kahit kailan hindi kami rereglahin ng Nanay Robert mo? Aba bunganga mo naman!" pabirong sagot ni Nanay Junjun.

"Hoy Junjun, pagkatapos mo d'yan, bumili ka muna ng merienda nating tatlo at natotommy na akiz." utos ni Nanay Robert kay Nanay Junjun.

"Opo, Madamme! Makautos wagas!" namaga ang nguso ni Nanay Junjun. Palagi na lang s'yang nauutusan.

Pagkatapos magwalis ni Sarah, bumalik na s'ya sa counter para umupo. 

Inaayos ni Sarah ang mga babasahin at mga magazine na nasa ibabaw ng counter nang mapansin na naman n'ya na walang tigil ang cellphone n'ya sa pag vibrate.

"Ay may emergency na ang scammer! Walang humpay magtext?" sa loob loob ni Sarah.

Napansin ni Sarah na hindi pala text 'yon. May tumatawag na pala.

"Heller?" sagot ni Sarah.

"Sarah?" boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Hindi po ako si Sarah si BECKY po ito." pabirong sagot ng dalaga sa kausap.

"Oh s'ya Becky, pakisabi kay Sarah, magbalat na s'ya ng patatas!" nagbiro rin ang lalaki sa kabilang linya.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon