Napasarap ang kwentuhan nina Sarah at Cedric samantalang si Nanay Junjun ay problemado pa rin sa pagkakalkal ng in-grown ni Ate Juanita.
Napansin ni Sarah na bahagyang kumulimlim sa labas. Tumayo sandali ang dalaga at sinilip ang langit mula sa bubog na salamin sa harap ng parlor.
"Hala! Makulimlim ang panahon at tila magkakaroon ng manaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat!" sabi ni Sarah sa lahat na parang nag-uulat panahon sa telebisyon.
Hindi pa nakakabalik sa upuan si Sarah ay bumuhos na nga ang malalaking patak ng ulan.
"Hindi ba bumabaha sa subdivision na 'to, Ate Juanita?" tanong ni Nanay Robert sa noon ay busy sa pagbabasa ng magazine na si Ate Juanita.
"Hindi naman. Mataaas itong lugar natin, pero doon sa may kabilang barangay, naku bumabaha talaga." sagot ni Ate Juanita.
Nagtanong naman si Cedric, "Ate Juanita, nagdala ka ba ng payong?"
"Aba eh oo naman! Kaso sa laki kong ito, mukhang hindi tayo kasyang dalawa. Maghintay na tayo ng pagtila. Tutal, hindi pa rin naman tapos itong kuko ko." sagot ni Ate Juanita.
Sinamantala ng lahat ang pagkakataon na makapagkwentuhan. Ilang minuto pa ay humupa na rin ang malakas na ulan.
"Ayan! Waley na ang julan!!!" sigaw ni Sarah.
"At tapos na rin ang kuko ni Madamme!" sagot ni Nanay Junjun na nagliligpit na ng mga nail polish na iba ibang kulay.
"At makakuwi na rin kami ni Ate Juanita. Naku Salamat po talaga sa oras ninyo.. uhhhhh Tito Robert at Tito Junjun." dagdag ni Cedric.
Nagkatinginan sina Nanay Robert at Nanay Junjun at sabay na nagsalita, "TITA na lang."
Nagtatawanan ang lahat habang ihinahatid ni Sarah ang mga bisita sa pintuan ng parlor.
"Uy, Cedric, mag-ingat kayo ah. Pumili kayo ng maayos na tricycle. Maraming kaskasero dito. Madulas pa naman ang daan. Baka mamaya madagdagan 'yang bali mo!" paalala ni Sarah.
"Sige, Sarah, maaga na lang tayong pumasok bukas para mapag-usapan natin ang gagawin natin." tagubilin naman si Cedric sa kaibigan.
Nakatingin si Sarah kina Cedric at Ate Juanita habang papalayo ang mga ito.
Hindi namamalayan ni Sarah na nakangiti s'ya at tila nagniningning ang mga mata.
Napaigtad ito ng biglang may kumurot sa tagilian n'ya.
"Aray ko naman Nay Robert! Inaano ka ba????" sigaw nito.
"Aluhluhluhluhluh siya!!! Kinikilig ka! Bet mo yang si Cedric, noh? Wag kang tumanggi! Kilala kita! Ganyang ganyan ang reaksyon mo pag nakikita mo sina James Reid at Daniel Padilla sa TV!!!!" panunukso ng kanyang Nanay Robert na sinundan naman ng malakas na tawa ni Nanay Junjun.
"Ayyy kayong dalawa! Kahit kailan andudumi ng mga utak ninyo! Paano ako magkaka crush doon eh hindi n'yo ba napansin?" sagot ni Sarah na namumula na sa hiya.
"Napansin ang aniiiiik?" sabay na sagot ng dalawang beki.
"Ang.... uhhhh.... Di bale na lang. Oh syempre sino pa ba ang magliligpit nitong mga kalat natin at ininuman nila eh di ako? Gagawin ko na bago n'yo ko utusan hahahaha!" bawi ni Sarah.

BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!