#TheTruth

2.9K 115 14
                                    

Kinabukasan, nagising si Sarah sa amoy na paborito niyang adobo.

Walang nagsasayaw ng Zumba.

Walang maingay na tugtog.

Walang nagtatawanan.

Sa isang iglap, ang umagang dati ay makulay at maingay ay naging tahimik.

Luminga-linga si Sarah sa loob ng bahay. Maya maya pa ay lumabas sa kusina ang dalawang nanay ni Sarah.

Bitbit ng dalawa ang mga paboritong pagkain ni Sarah na umuusok usok pa.

Parang walang nangyaring away sa dalawang nanay niya. 

"Good morning, baby girl! Kain ka na! Naghanda kami ng mga paborito mong lafang!" pag-aalok ni Nanay Robert.

"Plangak! Havz ng adobong chenez, tinolang kembot, pritong chururut and more eklaboooooo!" masayang chika ni Nanay Junjun.

Matipid na ngiti lang ang naisagot ni Sarah. Kahit mabigat ang puso at kalooban n'ya, umupo s'ya kasi hindi na pala s'ya nakapagdinner kagabi kasi nga super crayola s'ya sa kwarto. 

Habang kumakain si Sarah, naglakas loob itong magtanong.

"So nasaan na po ang nanay ko?" tanong ni Sarah.

Nagtinginan lang ang dalawang nanay n'ya at sumenyas sa kanya na hindi nila alam.

Hindi na sumagot si Sarah. Ayaw na n'yang makipagtalo muna. Kinuha n'ya ang tuwalya n'ya, naligo at pumasok na sa school. Hindi n'ya kinakausap ang dalawa.

Pagdating ni Sarah sa school, binuksan niya ang bag n'ya. Nandoon na ang lunchbox n'ya. Binuksan niya ang lunchbox para tingnan kung anong laman para sa tanghalian

May note sa box.

"Dear Sarah, Sorry sa lahat. Sana maintindihan mo kami. Sana mapatawad mo kami. Nagmamahal nang bongga, Nanay Robert at Nanay Junjun."

Naantig naman nang bahagya ang kalooban ni Sarah sa sweetness ng dalawa. 

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang mga kaklase ni Sarah. 

Kinakausap s'ya ni Bruno pero hindi ito sumasagot.

Hindi alam ni Bruno kung anong nangyari sa kaibigan.

Dumating na rin si Cedric.

Hindi napansin ni Cedric na iba ang mood ni Sarah kaya nagsalita ito, "Sarah, mamaya na tayo mag-usap lunch break." 

Sumagot si Sarah, "Usap? Anong pag-uusapan natin?"

Tila nakalimutan ni Sarah na may usapan sila ni Cedric dahil sa dinaramdam nitong problema sa bahay.

"Di ba usapan natin sa telepono kahapon, may aaminin ako sa 'yo?" pagpapaalala ni Cedric.

Sumagot si Sarah, "Ahh naku ok na yun. Alam ko na yun, Cedric! Matagal ko nang alam. Pansin ko rin naman. Ok lang yun. Sige, hindi maganda ang mood ko kaya wag mo na muna akong kausapin, please." 

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon