#Revelations

3.1K 108 20
                                    

Habang pauwi si Sarah, hindi mawala sa isip n'ya ang mga narinig n'ya sa away nina Bryan at Cedric kaya tinanong nito si Bruno.

"Sa tingin mo, teh, beki ba talaga si Cedric? Narinig mo naman siguro ang mga talak ng lolo Bryan mo. Super watchpad daw ang lolo Cedric kay Bryan pag nagbibihis si Bryan, mga ganung hanash hanash..." tanong ni Sarah kay Bruno.

"Ewan ko lang din. Pero I give Cedric the benefit of the daw." sagot ni Bruno.

"Anong benefit of the daw? Baka benefit of the doubt!!! Bakla ka! hahaha!" pangongorek ni Sarah.

"Basta katunog naman eh! Dedmadela mo na. Pero hindi naman siguro ibig sabihin na pag pinanood ng isang lalaki ang isang kapwa lalaki na magbihis eh beki na rin yung isa." sagot ni Bruno na naiirita sa pangongorek ng bestfriend.

"Anu ano ba ang mga palatandaan na beki ang isang guy?" probing questions ni Sarah na tila imbestigador kung magtanong. 

"Hmmmmm.... syempre una sa lahat, magiging beki lang ang isang straight guy kung magkagusto ito sa kapwa lalaki o magkaroon ng pagnanasa." sagot ni Bruno.

"Aniz pa?" pangungulit ni Sarah.

"Wala na akong maisip. I personally believe na hindi naman nakikita yun sa kilos o galaw. Hello andami kayang mga straight na lalaki na anlambot kumilos at magsalita pero hindi naman beki." tugon ni Bruno.

"Ano ba yan? Wala naman akong mapalang pointers sa 'yo." tila sumuko na si Sarah sa pagtatanong kaya nag-isip isip s'ya.

Sa isip ni Sarah, bumubuo s'ya ng checklist.

Kasunod nito and isang mahabang realization at pag-aanalyze ni Sarah.

"Hmmmm... feeling ko may katotohanan naman ang claim ni Bryan. Bakit naman pipicturan ni Cedric si Bryan? Saka simula noong malaman ni Cedric na nanliligaw sa akin si Bryan, parang naging mailap na s'ya at kunwari ay masama palagi ang pakiramdam kahit hindi naman. Napaka vain na tao! Yung phone n'ya puro selfie n'ya. Noong nakita n'ya kami ni Bryan sa grocery store, hindi n'ya kami masyadong pinansin. Pag kinakausap ko s'ya na nag-iispluk ako ng GAY LINGO, hindi man lang s'ya nagtatanong, nagegetlak agad ng lolo mo! OMG! Hindi kaya BEKI nga siya!?!??! BET N'YA siguro si Bryan at dahil hadlang ako sa pag-aura niya rito ay naiimbyerna s'ya sa akin? Kaya palagi n'ya akong pinapaalalahanan na mag-ingat kay Bryan dahil chickboy raw ito! Pag kasama ko si Bryan bigla na lang s'yang sumusulpot sa eksena! OMG! Oh my gosh abelgas!!!!! BEKI si Cedric! Siguro hindi lang s'ya makapaglantad kasi nga pulis ang pudra n'ya at puro lalaking maton ang mga shupatembang n'ya! At noong sinabihan mo s'ya ng BAKLA ay halos lamunin ka ng lolo mo sa pagka imbyerna!" talak nito kay Bruno.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon