Paglabas ni Sarah sa ospital, nagmamadali s'yan nagpunta sa harapang parte ng ospital para habulin ang nanay ni Cedric.
"Mrs. Ramos! Mrs. Ramos!" tawag ni Sarah sa nanay ni Cedric habang tumatakbo papalapit dito.
"Oh, Sarah, bakit?" tanong ni Mrs. Ramos.
"Brando Cayabyab po ba?" tanong ni Sarah.
Tumango ang nanay ni Cedric, "Uhhh... Oo, Sarah. Kilala mo?"
"Hindi ko po sure pero mukhang kilala ko na po kung sino ang hahanapin natin." pabibong sagot ni Sarah.
"Bakit? Paanong...?" naguguluhang tanong ni Mrs. Ramos.
Bumilis ang tibok ng puso ng nanay ni Cedric.
"Sumama ka sa akin sa kotse." hinawakan ni Mrs. Ramos si Sarah sa kamay at inalalayan papunta sa kotse.
Habang nagmamaneho si Mrs. Ramos, nagtanong si Sarah, "Saan po tayo pupunta?"
Tumugon ang nanay ni Cedric, "Dadaanan natin ang papa ni Cedric. Sabihin mo sa kanya ang nalalaman mo. Paano mo nakilala ang may ari ng sasakyan?"
"Kamakailan po kasi, may nakaalitan sa school si Cedric, si Bryan Cayabyab po. Isa sa mga ka-team n'ya. Kung tama po ang narinig ko, puting van po ang sumagasa kay Cedric, malakas po ang kutob ko na van 'yun nina Bryan. Ilang beses na po akong nakasakay doon." sagot ni Sarah.
"Ilang taon na 'yung Bryan na yan? Kung ka-team s'ya ni Cedric, eh di kaedad n'yo lang s'ya." tila pagsusuri ni Mrs. Ramos sa sitwasyon.
"Naku, ang alam ko po, 19 years old na si Bryan. Dalawang taon po kasi s'ya sa third year at hindi pa rin gumagraduate dahil sa pagbubulakbol at mas inuuna po niya ang paglalaro ng basketball. S'ya ang po ang tanging nakaalitan ni Cedric recently." sagot ni Sarah.
Naalala ni Sarah na nakakapag drive na si Bryan ng van dahil nang minsang sinundo siya nito ay si Bryan ang nagmaneho ng sasakyan nila.
"Alam mo ba ang bahay ng Bryan na 'yan?" tanong ni Mrs. Ramos.
"Eh naku hindi po kasi hindi naman po namin kasection si Bryan at hindi pa naman po ako nakakasama sa bahay nila." dagdag impormasyon ni Sarah.
Nakarating na sila sa presinto, wala na roon ang tatay ni Cedric.
Sabi ng mga naiwang pulis, pinuntahan na ni Mr. Ramos ang bahay ng may-ari ng van.
"Mukhang nagawan na ng paraan ng papa ni Cedric. Naku, Sarah, maraming salamat sa tulong mo. Saan ba ang bahay n'yo at idadaan na muna kita." tanong ni Mrs. Ramos habang hinahanap ang susi at naglalakad sila pabalik sa kotse.
"Sa may bukana lang po ng subdivision natin. Sa Golden Subdivision din po ako nakatira. Sa amin po yung parlor na nasa bungad malapit po sa entrance." sagot ni Sarah.
"Sige. Naku sana ay maayos na ang problemang ito. Magfa-finals pa naman. Eto, nagtext si Juanita, nagkamalay na raw si Cedric. Salamat sa Diyos!" tila nabunutan ng tinik si Mrs. Ramos.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
UmorismoPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!