#MondayBlues

3.8K 96 4
                                    

Maagang nagising si Sarah sa malakas na tugtog na nagmumula sa garden sa harap ng bahay nila. Pupungas pungas pa lang ang mga mata si Sarah. Naglalakad s'ya papalabas sa terrace ng bahay nila habang nagtatali ng magulong buhok. 

Nagliwanag ang mukha ni Sarah sa nakita n'ya. Nagsu-zumba ang dalawang nanay nanayan n'ya at talaga namang feel na feel ng dalawa ang pag-indak sa saliw ng mga old school na tugtuging pang disco

"Good morning!" bati ni Sarah sa dalawang beki.

"Ha?? Ano yun?" sigaw ni Nanay Robert.

"Sabi ko po good morning!" sagot ni Sarah.

"Anong booking!?!?!? Kay aga aga booking agad?" sagot ulit ni Nanay Robert. 

Lumapit si Sarah sa dalawa at pinatay ang lumang cassette na tumutugtog. 

"Ang sabi ko po good morning!" sabi ni Sarah habang parang namayapa ang paligid nang biglang nawala ang maingay at malakas na tugtog.

Naimbyerna naman si Nanay Junjun na talagang gigil na gigil sa pagsayaw, "Hoy! Batang to kitang kita mo namang nagpapaseksi kami rito tapos papatayin mo ang tugtogelya?! Aba matindi kang bata ka! Okray ka ng taon." 

"Hindi n'yo kasi ako marinig po, madamme! Sorry naman po!" sagot ni Sarah. 

Nag-utos si Nanay Robert, "Ooooh s'ya s'ya zsazsa padilla nanay ni karylle, i-play mo na ulit yan at ipagtimpla mo kami ng kapelya bago maligo at jumosok ka na sa iskulembang! Push!!!!" 

"Naku naman tong dalawang to, may nalalaman pang pagkakape eh male-late na nga akizzz!" bulong ni Sarah sa sarili habang kinukuha ang asukal at kape para ipagtimpla ang dalawang agad agad namang bumalik sa pag-eehersisyo pagkatapos pindutin ni Sarah and play button ng cassette.

Samantala, si Cedric naman, dahil may bali nga sa braso,  ay hindi na nakapagworkout sa kanilang gym kaya't naghahanda nang maligo

Pagdating ni Cedric sa pintuan ng kanilang banyo, narinig n'yang may nauna na sa kanya. Lumalagaslas ang tubig sa banyo. 

Kinatok nang malakas ni Cedric ang pinto ng banyo. 

"Sinong nand'yan. Pakibilisan naman oh." Pero bago pa matapos ang pakiusap ni Cedric ay bumukas na ang pinto.

"Uy! Good morning, Kuya Carlo! Ang aga mo ngayon ah!" bati ni Cedric sa kanyang Kuya Carlo na nakashorts na paglabas, at nagpupunas punas ng towel. At yes! Tama ang iniisip mo, yummy din s'ya katulad ng iba nilang kapatid ni Cedric. 

"Uy, tol, hindi ko mahanap yung polo shirt ko na pula, nakita mo ba? Male-late na ako sa office eh. May client meeting pa naman kami ngayon." tanong ni Kuya Carlo kay Cedric.

"Itanong mo kay kuya Nico. S'ya ang nagsuot ata noong gumimik s'ya last Friday, sagot ni Cedric habang isinasara ang pinto.

Nagsimula nang mag shower si Cedric. 

Habang naliligo si Cedric at ingat na ingat s'ya sa bali n'ya sa braso,  iniisip na n'ya ang mga gagawin sa school para sa araw na iyon. 

Naalala n'yang sa araw na iyon nila gagawin ang homeroom development activity nila. Nag-isip si Cedric kung paano niya idedescribe ang pamilya ni Sarah.

Samantala, sumisipol sipol pa si Sarah habang nagpaplantsa ng buhok. Naghahanda na rin s'ya pagpasok sa school.

Halos sabay dumating sa gate ng school ang dalawa.

"Good morning, Sarah, kumusta ang gising mo?" tanong ni Cedric.

"Eto antokyo japan pa ako, ang aga ko kasi nagising eh, ang ingay kanina nung dalawa sa bahay." sagot ni Sarah.

Napangiti si Cedric at binati ang buhok ng dalaga, "Inaantok ka pa ng lagay na 'yan eh may time ka ngang mag plantsa ng buhok. Nakapag mascara ka pa at blush on. Ganyan pa ang bitin ang tulog?" 

Naiwan si Sarah na bahagyang natulala. "Aba ang echuserong to, aware na aware sa mga pagpapaganda efforts ko?!?!?! I smell something." 

Hinabol nito si Cedric na ilang hakbang lang ang layo sa kanya, "At talagang alam mo ang mga nakalagay sa mukha ko ha. Plantsa, mascara at blush on lang ang napansin mo pero hindi ang lip gloss ko!"

Sumagot si Cedric na may kasamang konting pambobola. "Ayaw mo nun? Malay mo nagagandahan ako sa 'yo kaya ko napansin."

"ECHUSERONG PALAKA!!!!" sagot ni Sarah na may kasamang malakas na halakhak.

"Uy, Sarah, ngayon na pala yung homeroom activity natin." paalala ni Cedric.

"Alam ko, anong akala ko sa akin, thunder volt na at makakalimutin na rin?" sagot ni Sarah.

Dumating na si Mrs. M para sa kanilang homeroom development activity.

"In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit..." pambungad na naman ng teacher na nagdadasal na sa may pintuan pa lang ng classroom. 

Pagkatapos ng kanilang dasal at bahagyang chikahan para sa kanilang activity ay nagpatuloy na sila sa pagsasalita sa harap ng klase.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon