#SiBryan

3.5K 82 5
                                    

Tapos na ang klase. Uwian na. 

 Hinihintay ni Sarah si Bruno sa isang bench na malapit sa gate ng school nila nang biglang tumabi sa kanya si Bryan.

 "Hi Sarah. Uhhhm... Sorry na oh. Patawarin mo na ako. Hindi ko naman alam na ganun ang magiging reaksyon mo. Promise ko sa 'yo magiging mabait na ko. OK naman si Bruno eh. Hindi naman s'ya nagalit sa akin." panunuyo ni Bryan kay Sarah.

 Tumaas ang kilay ni Sarah. Nanlamig ang mga kamay n'ya sa inis.

 "At saka bakit ka ba galit na galit eh ako naman ang binibiro n'ya noon?" biglang pasok ni Bruno sa eksena na noon ay may hawak na teddy bear na bigay ni Bryan bilang suhol.

 Hindi kinakausap ni Sarah si Bryan.

 Si Bruno naman ay feeling girl. First time s'yang nabigyan ng teddy bear ng isang lalaki.

 "Hoy beks, ano naman yang dala mo?" tanong ni Sarah kay Bruno.

 "Shunga teh? Teddy bear! Ano fah vah? Mukha bang planggana to at maglalaba ako?" pambabara ni Bruno sa kaibigan.

 "Suhol yan sa 'yo ng palakang to? Hoy, teh, kilala kita! Alangan namang bumili ka ng teddy bear para paglaruan mo eh takot ka nga sa tatay mo! Tigilan mo ko!" tila nahalata ni Sarah kung ano ang nangyari kaya matagal dumating si Bruno.

 Sigurado si Sarah na kinausap ni Bryan si Bruno para tulungan itong humingi ng sorry.

 "Sorry na, Sarah, please." pangungulit ni Bryan.

 Halos manikluhod sa harap ni Sarah si Bryan.

 "Pag hindi mo ako pinatawad, luluhod ako rito!" tila  hindi binigyan ng option ni Bryan si Sarah. 

 "Sige na! Sige na! Basta wag mo nang uulitin yun." napipilitang sagot ni Sarah sa binatang agad namang natuwa sa sagot nito.

 Pumapalakpak sa gilid nila si Bruno.

 "Oh let's go na! Juwian na at may weekly exam pa kami bukas nina Sarah." pagyayaya ni Bruno sa dalawa.

 "Ihahatid ko na kayo. Susunduin ako ng driver namin eh. Along the way naman ang subdivision n'yo eh." nag-alok ng ride si Bryan.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon