#UnangKembot

18.3K 334 70
                                    

Si SARAH ay nasa fourth year high school na nang lumipat ang pamilya n'ya sa Laguna kaya't doon na s'ya magpapatuloy ng pag-aaral.

Maganda si Sarah, chinita, maputi, maayos magbihis, maabilidad, matalino at higit sa lahat, isa s'yang babaeng bakla.

Lumaki si Sarah sa dalawang nanay: Si NANAY ROBERT at si NANAY JUNJUN.

Sina Nanay Robert at Nanay Junjun na ang tumayong mga magulang ni Sarah simula nang iniwan s'ya sa mga ito ng nanay ni Sarah na si WINNIE, ang dating manicurista sa parlor ng mga nanay nanayan ni Sarah.

Kabubukas pa lamang ng bagong tayong parlor ng mga mudra ni Sarah sa Laguna kung saan na sila maninirahan. Unang araw rin ni Sarah sa bagong school kung saan s'ya nagtransfer kaya't nagmamadali ang tatlo. Busy moment ng mga baklang nanay at babaeng baklang junaknak. Tarantang taranta ang mga ito habang naghahanda si Sarah ng mga gamit n'yang dadalhin pagpasok.

"Nay Bert, maglulugay ba akiz ng haireret o magkukulotchina?", tanong nito sa payat na beki na aligaga sa pag-aayos ng mga gamot pangkulot at pangkulay ng buhok. 

Sumagot si Nanay Robert, "Ambisyosang tadpole! Maglugaychina ka na lang! Magkukulotchai ka pa eh anong petsa na? Batang to naman!!!!! Arte!!! Oy, Junjun, ihatid mo na itong si bagets sa iskulembang at unya unya ay more customer na tayiz! Wag ka nang umaura sa paradahan ng borsikel para makabalik ka agad diteklavurrrr!"

"Push! Pushcart! Push pins!!!! At wit mo kong ma-Junjun Junjun at hindi magandang pakinggan, Robert!" sagot naman ng matabang baking naka pekpek shorts na parang pang casual wear sa isang Miss Gay pageant, si Nanay Junjun.

Nagbeso si Sarah kay Nanay Robert sabay dampot ng kanyang mga gamit para pumasok na sa school.

Habang naglalakad sina Sarah at ang kanyang Nanay Junjun, nagbibilin ito sa anak-anakan na parang totoong nanay sa first day of school. "Hoy, Sarah, pagkalabas mo unya unyang hapon, sa parlor ka dumiretchi da horsie at sabay sabay na tayong jujuwi ha."

Nakarating na sila sa terminal ng tricycle. Pumasok sa loob ng sidecar ng tricycle si Sarah at sa likod naman ng motor si Nanay Junjun. Pag-ikot ni Nanay Junjun sa likod ay may estudyante na palang nakasakay sa back ride. Nagpasweet si Nanay Junjun na waring pinapausod ang nakaupong estudyante sa bandang likuran na may bakal na upuan para makaupo ito sa malambot na parte pero dedma si bagets sa pagpapasweet ng beki. Napansin ni Nanay Junjun na gwapo naman ito kaya sumakay na lang ang pobreng bakla... sa bakal na parte upuan. 

Sa loob loob ni Nanay Junjun, "Ansakit sa waput nitey!!!! Hindi nakaka beauty queen ha!!!!"

Bago makarating sa school ay napadaan ang sinasakyan nilang tricycle sa isang malalim na lubak kaya napataktak ang pwet ni Nanay Junjun sa inuupuan nitong bakal. "Aray ko naman, kuya! Dahan dahan! Mahuhulog ang matris ko oi!!!!" sigaw nito.

Pagbaba nila sa harap ng school ay nakita ni Sarah ang dami ng mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa gate. Parang mga bubuyog ang ingay ng mga nagkukwentuhang bata. Hinarang sila ng guard dahil wala pang ID ang transferee na si Sarah. Agad namang sumagot si Nanay Junjun "Manong guardo versoza, bago lang kami rito, kakatransfer lang ng junakis ko kaya wala pang ID ang bagets." Pumayag naman ang guwardya at napakamot na lang sa ulo nang pakitaan ng legs ng beki.

Pagpasok sa bago n'yang school ay biglang kinabahan si Sarah na may halong excitement.

Habang naglalakad ay nagpapractice ito ng pagpapakilala ng sarili na parang kasali sa Miss Gay na madalas salihan ng kanyang mga nanay nanayan. "Good morning to all of you! Standing in front of you is a seventeen year old stunner who hails all the way from the beautiful city of Mandaluyong and moved to Laguna for a more beautiful life! But today, allow me to stand by the name ng prinsesang mahal ng lahat pero hate ni Miss Minchin, ang babaeng nagpatibok sa puso ni Rayver Cruz at Matteo Guidicelli, ang one and only popstar royalty, ang babaeng galit sa patatas... SARAH... SARAH BELLS PASCUAL. At bago ko lisanin ang apat na sulok ng silid-aralang ito, hayaan n'yo akong mag-iwan ng mga katagang ito, Wag kang magpapatayo ng second floor kung wala ka namang first floor. I..... thank.... you! Bow!"

Pumapalakpak si Nanay Junjun at akmang kokoronahan ang anak anakan gamit lang ang kamay at imaginary korona.

"Nay, eto na ata ang room ko. Oh s'ya gora na. Keri ko na itiz!!!" pagtataboy ni Sarah na nakatingin sa mga kaklaseng nagulat sa hitsura ni Nanay Junjun.

Maingay ang buong klaseng magkakakilala na. Napatingin s'ya sa teacher na nakaupo sa harap. "Good morning, Ma'am! Ako po si Saaaaaa..." hindi pa natatapos ang pagbati ni Sarah ay sumagot na ang teacher na mukhang terror. "Sarah Bells Pascual?!?! Oh you must be the transferee from Mandaluyong. You may take the seat at the back. Settle your things and go back here so you can introduce yourself to your new classmates."

Bago pa man makaupo si Sarah ay napansin n'ya sa kabilang upuan ang boylet na nakasabay nila sa tricycle. Tahimik itong nagbabasa ng libro. Kinausap n'ya ito palibhasa'y likas na chikadora si Sarah. "Huy, patabi ha. Waley namang nakajupo." Sumagot lang nang senyas ng ulo ang bagong kaklase na tanda ng pagpayag na tumabi si Sarah sa kanya.

Nagpakilala na si Sarah sa klase at natuwa ang lahat sa paraan ng pagpapakilala nito kaya nagtawanan ang lahat na parang nasa comedy bar. Instant darling of the crowd si Sarah at kahit ang terror na teacher na si Mrs. M ay napapangiti. Pero ang kanyang bagong seatmate ay mukhang walang reaction.

Bumalik si Sarah sa upuan at nagpatuloy na ang klase. "Ok class, for the benefit of your new classmate, who volunteers to give her a short recap of what has already been discussed in the class?" tanong ni Mrs. M.

Nagtaas ng kamay ang seatmate ni Sarah at agad naman itong tinawag ni Mrs. M. "Yes, Cedric. You may start giving us a recap."

Si Cedric Ramos ang top 1 sa klase. Nagsimula s'yang magsalita at tumahimik ang lahat. Habang nagsasalita si Cedric ay kinakausap ni Sarah ang sarili. "Ayyyyy akala ko suplado, nerd pala si koyah. Pero in fairness kay koyah, medyo havey ang fez at mukhang borta rin. Yummy nang very light. Wag na akong choosy bilang hindi naman ako masyadong pretty."

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon