At dumating na nga ang pagkakataon nina Cedric at Sarah na mag share ng mga pagkakakilanlan sa pamilya ng isa't isa.
"Miss Pascual, anong masasabi mo sa pamilya ni Mr. Cedric Ramos?" tanong ni Mrs. M kay Sarah.
"Ang Ramos family po ay masasabi kong isang pamilyang Pinoy na maihahalintulad ko sa ulam na adobo. Kung ating iisipin, ang ulam na adobo ay pangkaraniwang pagkaing Pinoy na siksik sa lasa at mahal ng lahat ng Pilipino saan mang panig ng daigdig. Ganun din po ang pamilya nina Cedric. Pangkaraniwan subalit kitang kita ko po ang linamnam ng maayos na pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang magulang sa kanilang limang magkakapatid na puro lalaki. Bilang anak ng isang pulis at isang propesora, si Cedric po ay masasabi kong lumaking may maayos na disiplina at pagpapahalaga sa buhay. Ang kanilang bahay ay may sariling fitness gym na nagpapakita ng pagpapahalaga ng kanilang pamilya sa kalusugan. Kapansin pansin din po sa balur... este bahay nina Cedric ang maraming mga medalya, certificates at mga trophies nilang magkakapatid. Ang mga 'yon ay patunay na may talino at talento sila. Alam po nating lahat na sa school, si Cedric ay larawan ng isang mabuting estudyante na nakapagbabalanse ng pag-aaral at extra-curricular activities..." nagpatuloy pa ang mga paglalahad ni Sarah na tila puro papuri sa kapareha sa activity na iyon. Sinundan ito ng masigabong palakpakan ng buong klase.
"Miss Pascual, you are always a revelation to this class! Mahusay ang ginawa mong paglalahad ng iyong mga obserbasyon at mga impormasyong nalaman mo tungkol sa iyong partner. Mahusay!" habang sinasabi ito ni Mrs. M ay bumabaling na ang kanyang paningin kay Cedric na noon ay bahagyang namumula dahil sa mga pinagsasabi ni Sarah.
Tumayo si Cedric. Bahagyang inayos ang kanyang polo at napangiwi habang iniinda pa rin ang kanyang braso.
Bago ito humakbang papunta sa unahan ng klase ay nagtapon muna ito ng mabilis na tingin kay Sarah kasama ng isang matipid na ngiti na tila pagpapasalamat sa magagandang sinabi ng dalaga tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya.
Buntong hininga.
Bahagyang kumabog ang dibdib ni Cedric.
"ROSAS. Si Sarah Bells Pascual at ang kanyang pamilya ay isang mapulang rosas." pambungad ni Cedric.
Nagpatuloy ito sa sasabihin habang iniiwasang mainam na magtama ang kanilang paningin ni Sarah.
"Ang rosas ay tanda ng pagmamahal, pag-big o pag-irog sa sinisinta. Ang buhay ni Sarah ay isang pulang rosas na namukadkad sa pagmamahal at pag-aalaga ng hindi pangkaraniwang pamilya. May dalawang nanay si Sarah. Ang dalawang ito ay nagmamay-ari ng isang bagong parlor sa subdivision namin.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
UmorismoPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!