#BuildingUp

5K 112 2
                                    

Linggo.

Makulimlim ang panahon. Maagang gumising si Sarah. Paglabas n'ya sa kwarto ay nagulat s'ya sa dalawang nanay nanayan n'ya. Bihis na bihis ang mga ito at maayos na nakapostura.


"Antaray... May PTA meeting on a fabulous Sunday?!?!?" bungad na bati ni Sarah.

"Junjun, pigilan mo akiz kokrompalin ko to ng plantsa! Nag effort kami kasi sabi mo mag ayos kami tapos walang good mo- good morning man lang may opening ceremony ka agad nang pang ookray!?!?!" pabirong sabi ni Nanay Robert.

"True! Echuserang tadpole ka umeffort pa naman kami tapos ganyan ka." dagdag ni Nanay Junjun na halatang nagdadrama lang. Kunwaring nagpapagid ng luha.

"Ayyyyy! Taray! Chubby na pala si Lorna Tolentino!!!" pang ookray ni Nanay Robert sa isang beki.

"Hoooy nahiya naman ako sa 'yo natuyot na Sharon Cuneta!!!!" sagot ni Nanay Junjun.

"Baka sa pikunan na naman mapunta yan. Nagkape na po ba kayo? Lafang na tayiz!" pagyayaya ni Sarah.

"Lumaps na kami at nagkape. Maligo ka na at sisimba muna tayo. Magpasalamat tayo sa bagong parlor, sa gift of beauty at bagong blessings sa buhay natin." chika ni Nanay Junjun

"Wushu! Aaura lang yan!" panunukso ni Nanay Robert sa isa.

"Ikaw bakekang ha! Kung anu anong natututunan nung bata sa yo!" paninita ni Nanay Junjun.

Pagdating ng tatlo sa simbahan ay magsisimula na ang misa.

Nang sumapit na ang misa sa parte kung saan ang lahat ay magbabatian ng "Peace be with you!", nagulat ang dalawang nanay ni Sarah sa apat na nag guguwapuhang lalaki na bumati sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ng mga beki. Nagsisikuhan ang dalawa. Nagulat sila dahil ang pinakabatang lalaki ay ngumiti pa kay Sarah na may kasamang kaway habang ang isang braso ay nakabenda at nakasemento.

"Ayyyy nora aunor nila ang isa't isa. Kaloka tong si Sarah nauna pa maka aura sa atin. Yung isang bagets, yung may BALI, Indonesia ang braso." bulong ni Nanay Junjun kay Nanay Robert.

Pagkatapos ng misa ay namili ng sampaguita ang mga nanay nanayan ni Sarah nang lumapit si Cedric kay Sarah.

"Hi Sarah. Magsisimba ka rin pala. Hindi mo naman kaagad sinabi kahapon. Mga kuya ko pala, si Kuya JC, si Kuya Nico, si Kuya Carl at yung kahapon si Kuya Paul." dire-diretsong bati ni Cedric.

"Hello po. Kami po ang mga nanay ni Sarah. I'm Junjun and this is Robert." sabat ni Nanay Junjun bago pa man makasalita si Sarah.

Bahagyang nagulantang ang mga kapatid ni Cedric at tila natakot sa dalawang beki.

"Hi po. Sarah po... Classmate po ni Cedric." pagpapakilala ni Sarah.

"Sunod na lang ako sa inyo mamaya ha. Magbibihis lang ako." hindi man lang nakausap ni Cedric ang mga nanay nanayan ni Sarah dahil hinila na ito ng mga kapatid at biglang naglabasan na rin ang mga tao sa simbahan.

"Ampopogiiiiii! Juice colored!!!!" habang nag aapiran at halos magtilian ang dalawang beki.

"Yun ba yung gogora sa parlor mamaya? Yung totoo Sarah, gagawa ng project o manliligaw?" tanong ni Nanay Robert.

"Ang project nga po namin ay kilalanin ang mga pamilya ng kapartner. Alangan namang sa ibang parlor ko s'ya dalahin. At pwede ba kasisimba n'yo lang! Wag kayong madumi ang isip!" paglilinaw ni Sarah na may kasamang irap.

"Ay award!!! Sorry naman... Oh tara na at sayang ang mga customers!! Nagpa schedule ng rebond si Mrs. Olivarez ngayon!" pagyayaya ni Nanay Junjun.

Mag-aalas dos na ng hapon at hindi mapakali si Sarah. Maya't maya s'yang sumisilip sa salaming kita ang dumadaan sa labas para tingnan kung parating na ang kaklase.

Maya maya pa'y nakita na n'ya si Cedric na paparating kasama si Ate Juanita.

"Good afternoon Sarah!" naunang bumati si Ate Juanita. "Sinamahan ko na si Cedric. Sunday naman, eh nabanggit n'ya na may parlor kayo kaya naisip ko na rin magpa pedicure at manicure." dagdag nito.

Palinga linga si Cedric sa parlor at tila kinikilatis ang lugar.

"Naku sige po Ate Juanita, tuloy po kayo! Eto nga po pala ang mga nanay nanayan ko. Si Nanay Robert po at si Nanay Junjun naman po yung kumukuha ng gamit panlinis ng kuko. Upo po kayo." pasinaya ni Sarah sa mga bisita.

"Cedric, anong merienda ang gusto n'yo? Pasensya na hindi na kami nakapaghanda ng pagkain. Pagkagaling namin kasi sa simbahan kanina eh dito na kami dumiretso."  tanong ni Sarah na halatang aligaga dahil hindi naman ito sanay na may bumibisitang kaklase sa parlor nila.

"Busog pa kami. Kahit anong maiinom na lang. Naghanda si Ate Juanita ng merienda kasi bago kami umalis sa bahay eh." sagot ni Cedric na nakatingin sa isang malaking picture ni Sarah sa dingding.

"Ang ganda ni Sarah ano? Ginagawa na rin namin siyang model namin pag may hair and makeup competition." pagsabat ni Nanay Junjun.

"Ang ganda mo pala pag nakaayos ka, Sarah. Mukha kang prinsesa!"  sabi ni Cedric.

May kung anong kuryenteng kumislot kislot sa dibdib ni Sarah dahil sa narinig. Nag blush ito pero hindi ipinahalata.

"So chaka pala ako pag walang makeup ha!!!?!?!?" tumatawang sagot ni Sarah.

"Hindi naman sa ganun. Mas maganda pa rin ang simple pero iba ang ganda mo d'yan." dagdag na papuri ng binata.

"EchuseroMamatey????!?!? Majunog man ang baley?!?!? Hampasin ko yang bali mo, natauhan ka hahaha" sagot ni Sarah na pigil na pigil ang kilig. Alam nitong nahahalata siya ng mga nanay nanayan n'ya.

"Oo naman!" tila siguradong sagot ni Cedric. "Kahit bali baliin mo pa ang buto ko!"

"Naks! Yan ang gusto ko sa yo! Honest ka ahahhahah!" sagot ni Sarah.

"Halika na Ate, linisan na kita ng kuko martin"  pagyayaya ni Nanay Junjun kay Ate Juanita.

"Oh eh bakit pala kayo lumipat dito sa Laguna eh taga Mandaluyong kayo dati di ba?" nagsimula nang magtanong si Cedric.

Sumabat si Nanay Junjun na noon ay busy sa pagkukudkod ng kuko ni Ate Juanita. "Ahhh dito kasi mura ang balur kaya dito kami nakabili ng bahay at nakapag isip na maglipat ng parlorette! Di ba Robert?!?!"

Sumagot si Nanay Robert, "Oo! Teka teka eto na ang inumin nila. Nagprepare ako ng ice cold milk tea!"

Pagkalapag ni Nanay Robert sa inumin ay agad itong tinikman ni Cedric. "Thank you po! Masarap ito ha! Tikman mo ate Juanita!" alok ni Cedric sa kanilang kasambahay na noon ay busy na sa pakikipagchikhan kay Nanay Junjun.

"Specialty nila yan. Mahilig din sila gumawa ng mga minatamis. Sweet daw kasi ang pagkato nilang dalawa ayon sa kanila." kwento ni Sarah.

"Ilang taon po si Sarah noong iwan sa inyo ng nanay n'ya?" tanong ni Cedric sa dalawang beki.

"Naku bagetchay as in baby pa lang. Wala namang chika yung mudra n'yan na si Winnie! Bigla na lang iniwan sa amin si Sarah. Disappearing act lang!" kwento ni Nanay Robert.

"Naku sobrang ganda n'yan noong bagets 'yan! Mukhang manika!" dagdag ni nanay Junjun.

"Ayyy grabe kayo mga mudra ha!!!! Hindi naman ako chaka ngayon ha!!!" sagot ni Sarah at sabay sabay silang nagtawanan.

"Pagkatapos nun, wala na silang balita sa mama ko. Hanggang sa kanilang dalawa na ako lumaki at nagkaisip. Pero mabait naman ako. Hindi ko sila binigyan ng kahit anong sama ng loob. Nakapakabuti rin nila sa akin at supportive sila sa pag-aaral ko kahit scholar ako. Yung kinikita ng maliit nilang parlor noon, yun ang pambaon ko araw araw!" halata sa pagkukwento ni Sarah na masaya siya sa dalawang beki na nag-aruga sa kanya. 

Ramdam ni Cedric na proud na proud si Sarah sa dalawang nanay nito. 

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon