Ding! Dong!!!! Tunog ng doorbell.
Bumulaga ang isang matabang babae na nakaduster. Nanliit si Sarah. Napalunok ito at nabulol sa pagtatanong, "Nand'yan po ba si Cedric?"
Hindi sumagot ang babae. Sa halip, sumigaw ito nang malakas, "Cedriiiiiic! May naghahanap sa 'yo! Kaklase mo ata ito!"
"Papasukin mo, Ate Juanita! Sino raw yan?" sigaw ni Cedric.
"Ano raw pangalan mo 'day?" tanong ni Juanita, ang kasambahay nina Cedric sa loob ng dalawampung taon. Hindi pa ipinapanganak si Cedric ay nasa kanila na si Juanita.
"Ahhh pakisabi si Sarah po. May tatapusin po kasi kami dapat na project eh nabalitaan ko po nagka injury po s'ya sa game kahapon..." mahinang tugon ni Sarah.
Sumigaw ulit si Juanita habang inaalalayan papasok si Sarah. "Sarah raw ang pangalan nito. Papapasukin ko na sa sala ha. Hija, kumain ka na ba ng pananghalian? Tamang tama sumabay ka na kina Cedric. Maglalunch pa lang sila." alok ng babae ka Sarah.
"Ahhh ehhhh naku kumain na po ako bago umalis sa bahay. Busog pa po ako." tugon ni Sarah. Kahit ang totoo'y kumakalam na ang sikmura n'ya dahil buong umaga s'yang pinaghintay ni Cedric.
"Sino yan, Ate Juanita?" tanong ng isang malalim na tinig na papalabas sa may pintong malapit sa sala.
Tumambad kay Sarah ang isa sa mga kuya ni Cedric, si Paul. Isa s'yang pulis. Katatapos lang nitong mag work out at nakasampay sa balikat nito ang sando na ipinahid nito sa pawis nang malamang may bisita at dali-daling sinuot ito.
"Ayyyy may bisita pa pala. Kala ko nakaalis na yung mga kateam ni..." hindi na naituloy ni Paul ang sinasabi nang makitang babae ang bisita ng bunsong kapatid.
"Magandang tanghali. Parang ngayon lang kita nakita. Kaklase ka ba ni Cedric?" tanong ni Paul kay Sarah na noon ay halos mahimatay na sa gutom at sa nakitang kakisigan ng kuya ni Cedric.
"Opo. Katatransfer ko lang po last week. May project po kasi kami.." hindi pa natatapos ang sagot ni Sarah nang lumabas si Cedric.
Awkward. Hindi sanay si Sarah na makitang naka-pambahay ang kaklase.
Ganun din si Cedric. Pagkakita niya kay Sarah ay napangiti ito. Naka flat shoes ito, mini skirt at makulay na blouse. Fresh na fresh ang hitsura pero halatang naistress sa kakahintay.
"Uy! Sarah!!! Ikaw pala! Akala ko kung sino na." napakamot sa ulo si Cedric nang maalala nito na may usapan nga pala sila ng kaibigan. Samantala, ang kaliwang braso niya ay nakabenda at may semento. "Naku! May usapan nga pala tayo! Pasensya na ha."
"Ok lang, buti nga nasight ko yung mga ka-team mo. Kung hindi, imbyernang imbyerna na ako kaka waiting in vain!" sagot ni Sarah na tila biglang naging komportable nang makita ang kaibigan.
"Sorry ha. Naikwento ba nila ang nangyari?" tanong ni Cedric na bahagyang nahiya sa atraso n'ya sa kaklase.
"Uy kumain ka na ba? Nagluto si Ate Juanita ng adobo at meron ding dinuguan." alok ni Cedric kay Sarah.
Napatingin si Sarah kay Ate Juanita at naalalang kakasabi n'ya lang na kumain na s'ya.
"Wag ka nang mahiya, mas kami ang mahihiya kung kakain kami tapos ikaw eh nakaupo lang d'yan. Ate Juanita ikuha mo nga ng pinggan itons si... Ano nga ulit pangalan mo?" pagsabat ng kuya Paul ni Cedric.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!