Dumating ang Lunes,
Maaga si Cedric sa school.
Naukaupo na si Cedric sa upuan nito nang dumating si Sarah na kasabay si Bruno.
"Good morning, Papa Cedric!" bati ni Bruno.
Ngumiti lang si Cedric.
"Ok na ba ang pakiramdam mo" tanong naman ni Sarah.
"Medyo." matipid na sagot ni Cedric.
Umupo na si Sarah.
Buong umagang hindi kinakausap ni Cedric si Sarah.
"Anlamig lamig lamig ngayon, hindi naman aircon ang classroom natin." parinig ni Sarah kay Cedric.
Walang sagot si Cedric.
Dumating ang lunch break.
"Hindi ka ba kakain ng lunch, Cedric?" tanong ni Sarah.
"Wala akong gana eh." sagot ni Cedric.
Hawak ni Cedric ang isang libro at kunyari'y nagbabasa. Nakatitig siya sa libro pero hindi naman gumagalaw ang mata.
"Echusero ka ng taon! Baligtad yung libro! Hindi ka naman nagbabasa!" pagpansin ni Sarah.
Agad namang binaligtad ito ni Cedric para hindi mapahiya sa kaibigan.
"Tara na maglunch, Bruno!" pagyayaya ni Sarah kay Bruno.
"Papa Cedric, what are you waiting for? Come and join the fun! Tara let's lunch together!" pabirong pagyayaya ni Bruno kay Cedric.
Hindi ito sumagot.
Nagbiro ulit ang hyper na si Bruno, "BAKLANG to! DED Madela???? Dedma mo lang ang ganda ko?"
Biglang tumayo si Cedric at parang kidlat na hinawakan sa collar si Bruno, "Wag mo akong matawag tawag na BAKLA! Hindi ako katulad mo!"
Sa sobrang gulat ni Bruno ay hindi ito nakasigaw.
Nagulantang si Sarah sa nangyari at agad kinaladkad palabas ng classroom si Bruno.
"Hoy bakla ka! Anong ginawa mo sa lolo mo at bet ka atang tigbashin!" tanong ni Sarah sa bestfriend.
"Tinawag ko lang namang bakla. Eh joke lang naman yun. Lahat naman tinatawag nating bakla di ba? Baklang books? Baklang sapatos? Baklang guard? Baklang bato? Baklang bubong? Baklang poste? Baklang aparador? Wala wala lang naman yun. Hindi na s'ya nasanay." sagot ni Bruno na namumutla pa rin sa takot at gulat.
"Eh alam mo na ngang masama ang pakiramdam nung isa eh. Nung Sabado pa yun ganun. Mainit ang ulo at masama raw ang pakiramdam." tila pagtatanggol ni Sarah sa isa pang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!