Nagpatuloy sa discussion ang klase.
Si Mrs. M ay nagtanong. "Ok, so our new topic is about the different laws of motion as stated by Sir Isaac Newton. The first law of motion is the law of inertia. Who among you knows what inertia is?"
Sabay na nagtaas ng kamay sina Sarah at Cedric. Nagkatinginan ang magkatabi at agad namang tinawag ng guro si Sarah. "Let's hear what Miss Pascual has to say."
"Ma'am, inertia is pag witit malamig. Ma-INERTIA!!!! Pwede ring majinit, majinifir, majinit jackson et cetera et cetera.", ang pagbibiro ni Sarah na sinundan nang napakalakas na halakhakan ng mga kaklaseng tuwang tuwa sa bagong transfer.
Napansin n'yang nagbago ang mukha ng guro kaya agad s'yang bumwelo. "Well... The law of inertia states that a body at rest will remain at rest, while a body in motion will continue in motion unless acted upon by an unbalanced force."
Nagliwanag ang mukha ni Mrs. M. "Impressive! Thank you. Are you an honor student in your previous school?"
Mabilis ang sagot ni Sarah, "Yes, ma'am. Consistent scholar ang lola mo!"
Napangiwi si Cedric. Nayabangan sa babaeng bakla. Nang makabalik si Sarah sa pagkakaupo, nagsimula silang magbulungan. Chikahan ang dalawa hanggang recess.
"Matalino ka pala. Akala ko puro ka lang joke. Nga pala, nakasabay kita sa tricycle kanina kasama ang yaya mo... Ako nga pala si CEDRIC. CEDRIC RAMOS...." pakilala ni Cedric sa sarili.
Tumawa si Sarah. "Nanay ko yun!! Hindi ko yun yaya hahahaha!!!!" Napaisip si Cedric. "Akala ko bading s'ya."
"Nanay nanayan ko yun. Baby pa lang ako noong iwan ako ng totoong mudra ko sa parlor nila. Dalawa silang beki kong nanay. Kami yung may ari ng bagong parlor sa may subdivision natin." paglilinaw ni Sarah.
"Aaahhhh kaya pala ganyan ka. Para kang bakla magsalita." sabi ni Cedric kay Sarah na noon ay busy sa pagreretouch ng makeup.
Nagpaalala si Cedric, "Bawal nga pala ang naka makeup dito sa school. Violation yan."
"I know right! Nagbasa ako ng handbook noh!?!? Ang tawag dito, no makeup makeup. Wit halata. Freshfreshan lang ang peg!" depensa ni Sarah.
Lumipas ang buong araw at sumapit na ang uwian.
"Hoy Cedric, di ba doon ka rin umuuwi sa same subdivision sa amin? Sabay na tayo!" feeling close na pagyayaya ni Sarah sa bagong kaibigan.
"Magbabasketball pa kami ng tropa ko. Mauna ka na. Ingat!" sabay apir at takbo papalayo ni Cedric.
Naiwan si Sarah na kausap ang sarili habang papalayo ang noo'y naka basketball outfit nang si Cedric. "Nagmamadaling magbasketball? Taeng tae???!?!?"
Diretso si Sarah sa parlor katulad ng bilin ng Nanay Junjun n'ya sa kanya.
"Hello, mga magagandang mudra!" sabay kiss sa dalawang baklang busy sa mga gawaing parlor.
Unang nagtanong si Nanay Robert, "Kumusta ang first day of school?" Sumunod si Nanay Junjun, "Marami bang cuticle?!?!?"
"Cuticle?!?! Malay ko naman eh kayo ang nagmamanicure dito maghapon!" tanong ng naguguluhang si Sarah.
"CUTICLE!!!!! From the root word, CUTE. Wag kang shunga! Hindi ka namin pinalaki para mawalan ng coconut shell!" mala-propesorang pagpuna ni Nanay Junjun.
"Ahhhh cute ba?! Havz ng slight pero slight lang. Wa pa ko na sight na bongga talaga, Nay!" sagot ni Sarah.
"Ayyyyy tama yan! Para unahin mong mag-aral at hindi ang maglandi! Ikaw Junjun yang kalantudan mo wag mong itinuturo sa bagets!" paalala ni Nanay Robert sa kaibigan.
"Award! Keme keme lang yun, ito namang si Aling Tancing na old fashioneneng!!" Sagot ni nanay Junjun.
Habang nagluluto ng dinner ang dalawang nanay ni Sarah, nanonood naman ng TV ang dalaga. "Saraaaaah!! Lalafuk na ng dinner! Let's volt in na girl!!!!" pagyayaya ni Nanay Robert.
Bago matulog si Sarah, hinalikan n'ya ang picture ng nanay n'ya at wari'y kinakausap ito. "Alam mo Mama, masaya ako sa buhay ko ngayon... Pero sana makita na kita."
BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!
