Nang hapon ding iyon, hinihintay ni Sarah si Bruno sa may gate pero namuti na ang mata n'ya kahihintay rito ay wala pa rin ang bestfriend n'ya.
Hindi rin n'ya nakita si Cedric na alam n'yang kailangang makipag-usap pa sa coach nila kaugnay ng kaguluhang naganap noong nakaraan sa pagitan nila ni Bryan.
Umuwi si Sarah mag-isa.
Pagdating ni Sarah sa parlor, naabutan n'yang nagmemerienda ang kanyang mga nanay.
"Oi girlette! Tamang tama, nanlibre ng pizza yung isang client namin kanina. Yung mayamang byuda na may tindahan ng karne sa palengke. Natuwa sa ayos namin sa kanya kasi magnininang daw sa kasal. Ayun hiniritan ni Nanay Junjun mo ng pizza. Kumuha ka ng baso sa kusina at nang makapag-softdrinks ka na rin." bungad ni Nanay Robert.
Ilinapag ni Sarah ang bag n'ya at dumiretso sa kusina ng parlor para kumuha ng baso, hindi sinasadyang nabasag ni Sarah ang baso. Nagulat si Sarah. Winalis muna niya ang mga bubog bago siya lumabas.
Narinig ng dalawang nanay ni Sarah ang pagkabasag ng baso kaya nagtanong si Nanay Robert, "Anong nangyari, nak?"
"Najulog ko po yung baso. Dumulas sa kamay ko eh." sagot ni Sarah habang kumukuha ng slice ng pizza.
Habang nagkukwentuhan ang mag-iina, biglang dumating si Bruno.
Namumutla pa ang mukha ni Bruno at hindi makausap.
Iniabot ni Sarah ang hawak niyang baso na may softdrinks para painumin ang bestfriend n'yang kitang kitang nagmamadali at mukhang may dalang hindi magandang balita.
"Sarah, Diyos ko po! Diyos ko po!" bungad ni Bruno habang hinahabol ang hininga.
"Ano nga? Anong nangyari girl?" sabat ng dalawang nanay ni Sarah habang pinaiinom rin si Bruno ng softdrinks na halos mapaliguan na ng mag-iina sa sobrang gulat sa dumating na kaibigan.
"Huy! Magsalita ka!" sigaw ni Sarah!
Nanginginig ang mga kamay ni Bruno.
Hinawakan ni Sarah ang mga kamay ni Bruno at agad naramdaman ni Sarah na malamig pa sa yelo ang mga kamay ng bestfriend n'ya.
"Si Cedric!" sigaw ni Bruno na uminom ulit ng softdrinks at nang makitang may nakahaing pizza ay kumagat pa ng isa.
"Mamaya ka na maki-merienda, anong nangyari kay Cedric?" sigaw ni Sarah na noon ay dinadapuan na ng takot sa posibleng nangyari.
"Naaksidente s'ya kanina. Nabangga s'ya ng van habang tumatawid kanina sa tapat ng school. Sabi ng mga ka-team n'ya na huling nakasama n'ya, nakausap pa raw si Cedric nang coach nila bago s'ya umuwi. Wala ata sa sarili si Cedric nang biglang tumawid. Sabi nung mga nakakita sa aksidente, humarurot kaagad papalayo yung nakaaksidente sa kanya." kwento ni Bruno.

BINABASA MO ANG
Bet Kita! Walang Echos!
HumorPaano kung ang isang "babaeng bakla" ay magmahal sa isang lalaking medyo tagilid ang pagiging "lalaki"? Kanino nga ba ang conflict, kay Ateng o kay Koyah? Sumama tayo sa nakakalokang paglalakbay sa buhay nina SARAH at CEDRIC!!!! Push!!!