#FlowersForSarah

3.3K 93 18
                                    

Kinabukasan, papasok pa lang si Bruno sa school nang makita n'yang may bitbit na isang bouquet ng bulaklak si Cedric.

Nagmamadali si Cedric lumakad. 

"Good morning Cedric! Antaray! Para sa akin ba yan, baby boy?" tanong ni Bruno kay Cedric habang kunwaring mahaba ang buhok at hinihimas ang imaginary long hair n'ya.

Pero hindi s'ya napansin ni Cedric sa sobrang bilis ng lakad nito.

Nganga si Bruno. Bokya!

"ANTIPATIKONG talakitok!!!! Dinedma ang byuti ko? Hindi maaari ito! Lagot ka sa akin mamaya sa classroom." tila napahiya si Bruno sa sarili. 

"Hoy Baks! Kumusta naman ang aura mo kahapon sa tricycle? Ikamomove on mo na ba yan over Richard?" tanong ng paparating na si Sarah kasunod ng beso sa kaibigan.

"Hala siyaaaa! Malisyosa ka! Eto nga katext ko na." kinikilig na sagot ni Bruno.

"Oh anong ispluk ng aura?" tanong ni Sarah na tila kinikilig din para sa kaibigan.

"Papasa load daw. Last piso na n'ya raw. Wala na raw s'yang pantext. Ibang network kasi s'ya, teh eh!" sagot ni Bruno na kinikilig kilig pa.

Binatukan ni Sarah si Bruno.

"Eh it's a tie naman pala n'yan si Richard!!! Anong akala ng mga lalaking 'yan sa bulsa mo, ATM??? Eh singkwenta nga lang ang baon mo kada araw!" maagang pansasabon ni Sarah sa bestfriend.

"Ganun talaga siguro teh, mukha raw siguro akong yayamanin. Ayaw mo nun? Akala nila rica peralejo akik!" sagot ni Bruno habang kunyaring ginagawang pamaypay ang hawak na cellphone chanelling a donya image. 

Pagpasok ng magbestfriend sa klase, halos tahimik pa. Maaga pa kasi.

Pagdating ni Sarah sa upuan n'ya ay nasorpresa s'ya sa nakita. 

May bouquet of flowers!!!

"Ohhhhh Emmmm Dyiiiiii!!!" tumitiling sigaw ni Bruno nang makitang kinukuha ni Sarah ang bouquet sa pagkakapatong nito sa armchair niya.

"Baks! Halika bilis! May floweretters! Sinetchiwara kaya ang donor nitiz?" pagtawag ni Sarah sa kaibigang mas nauna pang kinilig sa kanya.

"Ayyy! Mare! Kilala ko ang may dala n'yan kanina. Nakakaloka!" sigaw ni Bruno.

Nagtinginan ang ibang kaklase nila sa magbestfriend

Tinanong ni Sarah ang mga kaklase nilang nauna sa kanila sa classroom "Guys, nakita n'yo ba kung sinong naglagay nito rito?"

Walang sumagot. Dedma ang mga utaw. Maaga pa kasi  kaya antok pa ang mga ito.

"Ako nga sabi! Kilala ko! Nakita ko ang may dala n'yan kanina sa may labas ng gate bago tayo pumasok, teh!" pag epal ni Bruno.

Bet Kita! Walang Echos!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon