Prologue

198 7 0
                                    

(Edited)

HER POV:

Sinundan ko sya matapos nyang sabihin sakin na may kailangan daw syang sabihin. 

Di ko alam kung saan kami patungo, pero tuloy tuloy parin ako sa paglalakad at sinusundan sya.

Napnsin ko nlang bigla na nasa likod kami ng Building ng High Scholl Department ng Elmore.

"Bakit nandito tayo ?"

Di sya umimik bagkus tinignan nya ako diretso sa aking mga mata. Parang may mali ?

"Clyde..."

Napabuntong hininga sya at yumuko.

"Ano ba yang sasabihin mo ? Importante ba yan ? May klase pa kasi ako..."

Di ko na natuloy ang ssabihin ko ng magsalita sya

"Let's end this."

"Ha ?"

Bigla akong kinabahan.

"Tigilan na natin to Doreen." diretso syang napatingin sakin. Kinilabutan ako bigla at nakaramdam ng konting kaba.

"Alam mo, Di kita nagi-gets, Kaya kung pwede lang aalis na ako."

Di ko alam kung tama ba ang iniisip ko sa mga pinagsasabi nya pero iisa lang ang nasisigurado ko, Di maganda ang susunod na mangyayari.

Tumalikod na ako sa kanya pero naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod ko.

Biglang lumabo ang paningin ko na parang may mga nakaharang sa mata ko.

"Let's Break up Doreen. It will be good for Us. So please"

Automatikong nalaglag ang luha mula sa mga mata ko. Nanghina ako ng marinig ko ang sinabi nyang yun.

"Nagbibiro ka lang diba ?" 

Iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha patuloy na umaagos sa mata ko. Di ko mapaigilang umiyak.

Yumuko ako.

"Kung pwede lang Doreen, Pero hindi eh."

Lalo akong humagulgol sa iyak,

"Alam kong nagbibiro ka!" pinalo ko ng marahan ang dibdib nya.

Niyakap nya ako, Naiiyak akong niyakap sya habang pinapalo ang dibdib nya.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sakin na para bang nagbibiro ka lang" 

Di ako makapaniwala sa tinuran nya. Ano bang mali ? Masaya naman kami ah ? Napapasaya ko naman sya ah ?

"Sorry." 

Tangi kong narinig kay Clyde matapos kong magsayang ng ilang luha para sa kanya. 

Hinalikan nya ang noo ko at tinanggal ang pagkakayakap sakin.

"Di ko kayang masaktan ka." 

Ngumiti sya sakin at tumalikod.

Diretso akong nakatingin sa kanya habang patuloy parin akong umiiyak.

"Jerk !" sigaw ko sa kanya.

Nilingon nya lang ako at ngumiti sakin,

Tumalikod na sya ulit at nagsimula ng maglakad palayo.

Sinundan ko nalang sya ng tingin, Feeling ko kasi di ko na sya kayang habulin.

Nanghihina ako ngayon.

Napaupo nalang ako sa sahig, Di ko man lang inalala na marumi ang inuupuan ko.

Iyak ako ng iyak na para bang namatayan ako.

Ano bang problema nya ?! 

Wala akong matandaan na naging kasalanan ko para gantuhin nya ako.

Grabe.

"Tumayo ka dyan."

Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang isang boses ng lalaki.

"Hayaan mo sya."

"Andy.."

Lumuhod sya at niyakap ako. Wala na akong nagawa kung hindi umiyak ng tuluyan sa bisig nya.

 ----

A/N: Hello. Ms.Author here :) ! Medyo in-Edit ko lang ang first page nito maski hanggang 3rd chapter. Biglang nagbago kasi ang isip ko. So Anyways, Uunahan ko na kayo. Pfft.

Ang story na ito ay di lang tungkol sa isang Lalaki at Babaeng magiibigan at magkakatuluyan na karaniwang nangyayari sa mga storya. Oo. Love Story 'to, Wag kang maguluhan sa sinabi ko kanina. Ang gusto ko lang sabihin ay di lang tungkol sa pagiibigan 'to. Tungkol din 'to sa Pagkakaibigan at Pagpapahalaga. Ginawa ko ang storyang ito dahil gusto kong maimulat ang karamihan sa karaniwan kong napapansin sa mga paligid ko. Isa pa wala akong magawa sa buhay ko kaya naisipan kong gawin ito. First Story ko 'to kaya medyo kinakabahan ako kung anong magiging outcome sa inyo. Ang buong storya ay nabuo dahil sa nakakabaliw kong kathang isip. Ang ibang eksena din dito ay hango sa K-Dramas kasi adik ako dun XD. Di ako palabasa ng Wattpad stories kaya medyo pangit ang gawa ko, Kung nagbabasa man ako, Yung mga Gangster at Mysteries ang genre, Ang layo diba ? So ayun. Sana magustuhan nyo. Basahin nyo hanggang sa huli ha ?! Thank you in Advance :**

-people_slittlesister

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon