Si Doreen yung nasa picture sa gilid. Yan din yung suot nya s Victory Party, Pfft. Ang layo ata ng pagkakadescribe ko :'( Sorry XDD
----
(Friday, Last Day of Foundation Week)
Doreen’s POV
Nakaupo ako sa kama habang tinititigan ang damit na susuotin ko para sa Foundation Week Victory Party ng High School Department. Longsleeves na white at papatungan ko ito ng paldang itim na polk a dots na may jumper upang magmukhang casual. Sabi ni Raff kahit ano naman daw basta Casual na Black and White.
“Pupunta ba talaga ako ?” Sabay humiga ako sa higaan ko. Tanghali ngayon. 5pm ang start ng party. Ilang oras nalang ay magsisimula na yun.
Dumapa ako saglit at ipinikit ko ang mata ko.
Automatic na naisip ko ang nangyari noong miyerkules.
“Nakakahiya ka Doreen” sabi ko saka nagpagulong gulong sa kama.
Hiyang hiya talaga ako sa ginagawa kong eksena sa harap ng mcdo. Ang Malala pa si Clyde pa ang nakakita ng pag-iyak ko dahil lang sa medyo napahiya ako dahil pinagbintangan ko sya.
Dahil nga sa sobrang kahihiyan ko ay Di ako pumasok kahapon. Pfft.
Huminto na ako sa pag-gulong at tumayo sa kama ko. Inayos ko ang higaan ko dahil ang gulo.
Ibinagsak ko muli ang katawan ko sa kama.
“Di na ako ang dating Doreen.” Tangi ko lang nasabi habang tinitignan ang kisame ng kwarto ko.
Di na talaga ako ang dating Doreen. Kung dati ay ang tigas tigas kong tao. Tila ba walang pakialam. Pero simula ng nakilala ko si Clyde ay napansin kong nagbago ako. Nagiging malambot ako sa kanya.
Nung Miyerkules ko lang din na napagtantong gusto ko sya.
Nung sinabi ni Raff na ‘Girlfriend’ daw ako ni Clyde ay may parte saking naging masaya kahit papano.
Masaya ako pag kasama ko sya. Iba sa nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Andy. Ibang iba.
Bigla kong naalala si Andy. Bumangon ako at kinuha ang Cellphone kong nakapatong sa Study Table ko.
Tinawagan ko si Andy.
“Yoboseo ?” sagot ko ng agad namang sinagot ni Andy ang tawag ko sa kanya.
“Doreen.” Malamya nyang sagot sakin. Problema nito ?
“Oy problema mo ?
“W-wala.” Sagot nya sakin. Pfft. Bahala ka dyan. Alam ko namang meron eh.
“Pupunta ka mamaya ?” Pag-iiba ko ng usapan.
“Ah Oo. Ikaw ?”
“Oo. Sige. Kita nalang tayo mamaya. Bye.” Nagpaalam din sya at binaba ko na ang tawag.
Ang cold naman nya ata sakin ?
Tumayo narin ako at naghanda na para sa Victory Party mamaya.
…….
( Victory Party. Venue: Cherry Blossom Hotel )
Third POV
Time Check: 4:30pm
Unti unting nagsisidatingan ang mga High School Students ng Elmore University para sa gaganaping Victory Party parte narin ng Pagdiriwang ng mga taga High School Department para sa huling araw ng Foundation Week ng University nila. Maski ang mga Teachers ng iba’t ibang Subject ay dumalo din. Onting oras nalang din kasi ay magsisimula na ang Party.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen