"The best things happen unexpectedly."
--
Sandy’s POV
Naglalakad lakad ako ngayon dito sa labas.
Sabado ngayon..
Ano bang magandang gawin ?
Pft. Oo nga pala
Ilang araw na din kaming di nagpapansinan ni Raff.
Alam ko naman yun eh. Kasalanan ko naman talaga. Hays
Di ko na namalayan kung saan ako dinala ng paa ko.
Iniangat ko ang ulo sapat para makita ko kung saan na ako napadpad.
“H-ha ?” bulong ko ng napansin kong nasa harap ako ng condo building ni Raff.
May kung ano saking nagtutulak na pumasok at dumiretso sa loob ng building.
Wala rin naman akong nagawa kung hindi sundin ang sinsabi ng isip ko.
Pumasok ako sa loob. Dumiretso sa Condo Unit nya.
Medyo natanga pa ako dahil nakatitig lang ako sa Doorbell at nagdadalawang isip kung pipindutin ba o hindi.
>//>
<//<
Okay.
Napabuntong hininga ako saka pinindot ang doorbell ng condo unit nya.
*ding dong*
Nag-antay ako saglit.
Onti pa..
Lalalalalala~
Pero walang nagbubukas.
Inulit ko pa ulit ang pag-doorbell
*ding dong*
*ding dong*
Lalalala.
*tingin sa kaliwa, tingin sa kanan*
Hanla T^T ?
Ay oo nga pala (_ _’’)
Sabado pala ngayon (-_-)
May test si Raff ngayon, Baka mamaya pa uuwi yun..
Hays
Napa-upo ako sa sahig malapit sa pintuan..
Aantayin ko nalang siguro sya. Di na ako mapakali.
Gusto ko ng makausap si Raff.
Ayoko nagkakaganito kami..
Isinandal ko ang ulo ko sa pader at ipinikit ang mata..
--
“Sandy.”
May naririnig akong boses.
Akala ko panaginip ko lang kaya hinahayaan ko lang.
Pero makulit yun -_-
Ilang beses nya akong tinatapik at tinatawag sa pangalan ko.
Iminulat ko ang mata ko at nagulat ako sa lalaking nasa harapan ko.
Halos Magkadikit na ang mukha namin (>///<)
“B-bakit ka nandito ?” sambit nya tsaka lumayo sakin ng onti.
“A-ano kasi.. Inaantay kita.” Kinusot ko ang mata ko kung totoong sya nga ang nasa harapan ko.
Nang malinawan na ako ay agad ko syang niyakap.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen