A/N: Eto yung eksena bago mangyari ang away ni Andy At Clyde. Okie Okie ?! Ge XD
---
Cyrus Clydes’s POV:
“D-dito ka lang muna Doreen.” Sabi ko ng may pagaalinlangan.
Maliban sa baka mapahamak sya pag lumabas sya dito sa Music Room at gantihan sya ni Sandy, Nakakahiya dahil nire-request ko syang manatili muna dito, kasama ko. Baka ma-awkward sya sa presence ko.
“Samahan mo muna ako dito.” Dagdag ko ng napansin kong nahiya nga sya sakin. Tss Wrong Move ka ata Clyde ?!
Akala ko’y magpupumilit syang umalis pero umupo sya. Nanatili sya. Ang saya sa feeling. Aisht. Bakit ka ba natutuwa Cy ? Pfft.
Tumayo ako at agad naman nya akong sinundan. Pumunta kami sa malapit sa stage kung saan nandun ang piano. Binigyan ko sya ng upuan, pati ako ay umupo narin. Ang tahimik naman nya. Ginala nya ang mata nya sa buong Kwarto. Halatang first time nyang nakapasok dito sa Music Room.
“First time mo ?” tanong ko sa kanya. Tumango lang sya bilang sagot sakin.
Katahimikan ulit. Nakakabingi ang katahimikan, Kaya’t tinanong ko nalang ulit sya.
“Bakit napasali ka sa away nina Sandy kanina ? Lagi ka nalang nakikisali sa away.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti upang ‘di sya ma-awkward.
Napansin ko namang naka-pout sya. Parang pinapahiwatig nyang maski sya di nya alam kung bakit, Ang cute nya mag-pout. Akala ko’y di nya ako sasagutin ng magsalita sya.
“Hindi ko alam sa kanila. Ni ‘di ko nga sila kilala. Maski ang kaklase kong yun. Nabigla nalang ako ng nabanggit nila ang pangalan ko kanina. Tss” naiirita nyang sabi. Nakakatuwa sya.
“Ganyan ka ba lagi ?” tanong ko sa kanya.
“H-ha ?! Ang alin ?” tanong din nya sakin
“Yan. Parang ang cold mo. Ang layo ng description sayo ng mga taga College Department. Sabi nila Mabait at masiyahin ka daw, Pero parang hindi. Parang lagi kang nakasimangot ?” sambit ko sa kanya.
Tumawa sya pagkatapos kong sabihin iyon. Tumawa sya sa harap ko. First time ko syang nakitang tumatawa.
“Ah yun ba ?” nakangiti nyang sabi sakin,
“Pinapakita ko lang na ganun ako kasi baka isipan nila ako ng masama. Isa pa parte lang yun ng pag-galang sa nakakatanda.” Dagdag pa nya.
Kala ko tapos na sya kaso hindi.
“Tsaka ang mga tao dito sa University natin naniniwala lang sa nakikita nila, Di nila alam kung anong tunay na saloobin ng isang tao. Tanging kagandahang labas lang ang alam nila, Di nila alam kung ano ang buong pagkatao ng isang tao mula sa puso nito kaya’t ganun na lang sila mang-husga. Kung minsan pa nga pag gumagawa ka ng mabuti para sa iba’y ikaw pa ang napapasama. Napaka-Unfair.” Nakita ko mula sa kanya ang mapait na ngiti. Di ko inaasahang magsasalita sya ng mga ganitong bagay. ibang katauhan na naman nya.
“Okay lang yan. Ganun talaga.” Tangi ko lang nasambit matapos nyang sabihin iyon. Nataob ako ng isang Doreen Choi.
“Teka, May tanong ako. Ikaw ba yung kumakanta sa loob nito noong una kitang Makita ? I mean nung nabangga mo ako ng lumabas ka dito sa Kwaryont 'to. Natatandaan po ba 'yon ?” Bigla nyang tanong sa akin.
“Ah. Oo naman. Ako yun. Bakit ? Narinig mo ako nun ?” tanong ko sa kanya. Ngumit sya’t tumango bilang sagot sakin. Ang mala-anghel nyang ngiti.
Bigla kong naalala yung panyo.
“Eto pala yung panyo mo. Salamat ha ?” iniabot ko sa knya ang panyo, Agad naman nya itong kinuha.
“T-thank you. Dapat di mo na binalik. Marami naman akong panyo sa bahay eh” nakangiti nyang sabi sa akin. Napapansin ko lang, Kanina pa sya ngumingiti. Nakakapanibago lang. Nakakatuwa talaga.
Katahimikan ulit ang bumalot sa loob ng Music Room. Pero nagulat ako ng tumayo sya’t lumapit sa Piano na malapit sa amin.
“Noong bata ako tinuturuan ako magpatugtog nito.” Sambit nya habang nakangiti at nakatingin sa piano habang pinipindot nya ang bawat pyesa.
“Pure Korean ka pala. ? Bakit parang di kita napapansin dito sa school ? O ako lang talaga ang gala at di kita nakikita ?” Pagiiba ko ng usapan. Mukhang natuwa naman sya sa tanong ko.
“Oo. Pure Korean ako. Di ba halata ? Hahaha. Siguro dahil sa straight akong magtagalog. Dito na kasi ako halos lumaki sa Pilipinas kaya siguro nasanay narin ako. Tsaka ang mga nagaalaga sakin ay mga Filipino. Pure.” Napangiti sya.
“Maski ako. Di kita napapansin dito. Sabagay wala naman akong pakialam sa paligid ko. Kahit nga yung mga bumabati sakin araw araw na laging binabanggit ang pangalan nila sa akin ay di ko matandaan. Pati mga classmate ko di ko kilala, 3 years ko na silang kasma pero wala akong pakialam sa paligid ko dito sa University.” Bumalik ulit ang pagka-poker face nya. Bipolar ata ‘tong babaeng ‘to eh.
“Ikaw ?” bigla nyang tanong sa akin.
“Ako ? Ako si Cyrus Clyde ng 4-Galileo.!” Pabirong kong sambit sa kanya pero alam ko kung anong tinutukoy nya.
“Tanga di yun. Sagutin mo naman yung tanong mo sakin. Pure Korean ka ba ? Bakit di mo ko napapansin dito ?” nakasimangot nyang sabi sa akin. Naiinis ata sya. Nandyan na naman kasi ang ‘tanga’.
“Ganun ba. Sorry. Hahahaha. Ako ? Di ako pure Korean. Fil-Kor ako. Di kita napapansin kasi parang katulad mo ako. Wala din akong pakialam sa paligid ko dito. Simula kasi ng natuto ako nung first year dun ko na napagdisisyunang wag ng magtiwala. Parehas pala tayo. Pero di katulad mo, Kilala ko ang mga tao sa classroom namin. Sadyang di lang ako mahilig makipagkaibigan.”
“Hindi tayo parehas.” Dagdag pa nya,
Nagtaka naman ako bigla. Magtatanong pa sana ako kaso nakatanggap ako ng text mula sa President ng class namin. May meeting daw kasi ang klase namin. Tss. Panira ng moment oh.
Kaya napagdisisyunan nalang naming umalis. Inayos muna namin ang music room sa dati nitong ayos bago ito lisanin. Lumabas na kami ng Kwarto, Syempre pinauna ko sya. Nagpasalamat naman sya.
Nabigla nalang ako ng may biglang may humila kay Doreen. Nagulat ako, Si Andy. Si Andy Lee nga kung di ako nagkakamali. Sya ang bestfriend ni Doreen. Tss. Nice. Ano na naman kayang ipapakita nya sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen